Chapter 37

78 2 2
                                    

Argument

Naomi's POV:

"Ano ba Ethan?! Tama na!" Awat ko.

Umaandar nanaman ang pagka-bad boy niya. Kung sabagay bakit ko ba nagawa yun, kung ako din naman ang nasa pwesto niya magagalit at magwawala din ako.

Pero, kasi di ko na kayang nakikita si Dale na ganun e.

"Tara na. Pasensya ka na Dale" hinila ko pababa si Ethan.

"Ano yon?!" Tanong ko sakanya.

"The fvck! Diba dapat ako ang nagtatanong niyan sa'yo?! Bakit mo siya niyayakap?!" Sa mga sigaw saakin ni Ethan. Di ako makasagot. Di ko akalain na aabot sa ganito.

"Wag mong sabihin na Mahal mo pa siya!" Sinampal ko siya.

"I'm sorry." Naiiyak na ako. "Huwag mong sabihin yan dahil ikaw ang mahal ko, alam mo yan! Wag mo'kong itulad sa ibang babae diyan! Minahal at mamahalin kita alam mo yan!" Sigaw ko, napaupo na ako habang umiiyak.

Bumaba si Ethan para maging pantay kami.

"I'm sorry too. It's just.. Ayaw ko lang na mawala ka saakin. Ayoko lang na mawala ka uli." Sambit niya habang pinupunasan niya ang luha ko.

"Di na mangyayare yun, Ethan. Natuto na ako. Siguro nga, Ikaw lang at ako. And Alam kong yun ang plano ni Tadhana....Ang pagtagpuin Tayo." Sagot ko.

Napangiti siya. Inakay niya akong tumayo at pumuntang canteen para antayin ang uwian. Nag-cutting pa tuloy siya dahil hinanap niya ako. Ito ang unang pag-aaway namin ni Ethan, simula nung maging kami.

Kung bakit ganun na lang ako ka-concern kay Dale kahit na cold siya saakin.. Kasi may Past kami. Oo, naging boyfriend ko siya, at kung di lang sa pagkakamali ko, siguro kami pa rin hanggang ngayon, siguro wala akong Ethan na makikilala.

Pero dahil wala akong kwenta natapos lahat.

|FLASHBACK|

"Dale! Dale! I need you right now!" Sigaw ko nowhere. Tumatakbo ako.

Hinahabol ako ng tatlong lalaki. Di ko sila kilala. Siguro mangho-holdap sila? Or they want to rape me?  Shocks!

"Dale?" Bulong ko. Naiiyak na ako.

Hindi na siya nagre-respond sa mga texts ko. Kapag tatawagan ko naman siya, sasabihin niya busy siya. Ano bang problema niya? It's been a week simula nung di niya ako siputin sa mga dates namin. Pero, para saakin It's been a hell month, without him.

Hindi naman sa maarte ako, naninibago lang. Hindi naman kasi ganito si Dale, lalo pa't wala naman siyang sinasabi na may problema siyang inaasikaso.

"Huli ka!" Nahawakan ako sa braso ng isa sa mga lalaki. Nanghina ako kaya bumagal ang takbo ko, dala na din ng kaba at emosyon.

"Kuya, parang awa mo na, huwag po ako." Pagmamakaawa ko. Nakaluhod na ako. Umiiyak.

Nagtinginan silang tatlo at hinila ako sa isang eskinita, kumakalas ako pero sh*t lang, ang lalakas nila.

"Ku-kuya? Please. May pamilya pa ako."

Dapat talaga hindi na ako umalis ng bahay. Dahil sa inis ko kay Dale, sabi niya kasi susunduin niya ako. Pero, 6 na wala pa siya. Kaya naisipan kong ako na lang ang pumunta sa place na napagusapan naming puntahan.

Ngayong pauwe na ako. Nakasalubong pa talaga ako ng kamalasan na sigur habang buhay kong dadalhin, o baka hindi na ako mabubuhay pa ng habang buhay. Ewan ko? Hays.

"Ku-kuya?" Sambit ko. Tinakpan ko na lang yung mukha ko. Di ko na kaso talaga alam ang gagawin ko.

Booogsh. *dug* *pak* boogsh.

Dinilat ko yung mata ko, nakita kong nagsitakbuhan na yung tatlong lalaki. At isang lalaki na lang yung nakita ko sa harap ko ngayon.

Agad naman akong nag-bow. "Kamsahamnida!" Sambit ko tapos lumuhod pa ako sa harap niya.

Nagulat ako. Hinawakan niya ako sa braso ko. Itinayo niya ako. May pagka-bad boy siya tignan pero gwapo siya.

"Wala yon." Sambit niya. Aktong aalis na siya pero pinigilan ko siya. Mukha naman siyang mabait e. Hindi naman ikakaila yun, tinulungan niya nga ako diba?

Niyaya ko siya na mag-dinner. Offer ko na din yon, sa ginawa niyang kabutihan saakin.

Doon nalaman ko na siya si Ethan David. Mukha siyang mayaman pero di ko na tinanong yon. Feeling close na ako masyado.

Ilang minuto ang lumipas ng dumating si Dale, nakalimutan ko. Sa Meeting Place namin ni Dale ko dinala si Ethan. Tsk, pabo Naomi.

"Ano to?"

"I think I've better leave." Sambit ni Ethan.

"Who the hell are you?" Tanong ni Dale. Kinuha niya yung kwelyo ni Ethan at sinandal to sa Pader. Lahat ng tao dito nakatingin na saamin.

"Da-dale. Let me explain."

Hinila ko siya palabas. Nung una, di talaga siya paawat. Pero, nung sumunod kong hila sumunod na siya.

Sa labas kami ng restaurant nagusap.

"Dale, calm down."

"Calm down?! Eh, hindi ko nga kilala yung lalaking yon? Calm down?! Sino ba yung lintek na yon?!"

Badtrip naman. Di niya ako pinapatapos sa pagsasalita.

"You are flirting with others?! Dahil lang na-late ako?!" Nagpanting ang tenga ko. Ako pa talaga ang nakikipaglandian, eh siya nga tong late? Kung hindi naman late, hindi niya ako sinisipot.

"Hoy!" I point my finger to him. "I never flirt with others! Siya lang naman si Ethan na tumulong saakin dahil muntik na akong ma-holdap o baka nga mas karumal-dumal pa ang nangyare saakin kung hindi siya dumating! Dinala ko siya don dahil tumanaw lang naman ako ng utang na loob sakanya! Ikaw nga tong dapat kong tanungin kung nakikipalandian ka sa iba e.." Aktong magsasalita pa sana siya.

"Kasi, Dale. Pagod na ako. Pagod na akong umitindi sa'yo. Ne wala nga akong clue kung bakit ganyan ka na saakin e! Kulang pa ba lahat, Dale?" Sambit ko. Nakuluha nanaman ako, di pa nga ako naka-recover sa kaninag scene. Ito nanaman?

"Let's end this." Sambit ko at tumalikod na papalayo. Di ko alam kung bakit ko nasabi yon, without listening to his side. Siguro nga way na lang to ni Tadhana, sasakyan ko na lang siya.

Hinabol niya ako at niyakap.

"Naomi, I'm sorry. Please don't." Kumalas ako.

That was our relationship ended. Napakatanga ko noh? Kasi nalaman ko na, It's been a month simula nung ma-ospital si Kuya Ricky, siya ang nag-aalaga simula't sapul dahil nasa abroad ang Mommy at Daddy niya. Busy din ang Girlfriend ni Kuya Ricky sa school kaya no choice siya. Di niya sinabi saakin dahil alam niyang magsasakripisyo din ako para sa pamilya niya.

Akala ko may pag-asa pa ako. Pero, wala na.

Napaka immature ko. Wala akong kwenta. Kasi yung sinira ko, hindi na mabubuo pa.

|END OD FLASHBACK|

Simula nun. Nakilala ko si Ethan dahil ilang ulit na din kaming pinagtagpo hanggang sa makaabot kami ngayon sa 4th and Last year. It's been a Year simula nung naging kami. Alam ni Ethan ang lahat, di ako naglihim sakanya. Pero, siguro ngayon inatake lang siya ng pagka-wild niya sa mga bagay na meron siya. 

Ang gusto ko lang talaga, maayos kami ni Dale dahil ang nakaraan ay magsisilbing alaala na lang na di na dapat balikan.

Almost...Perfect [Revisions]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon