Part of Me
"Misha!! Ano? Hindi ka ba papasok? Mala-late ka na!!"
Narinig ko yung tawag ni Papa. Pero ni hindi man lang ako gumalaw sa higaan ko. Ang sarap lang talaga matulog.
Pumasok si Ellie sa kwarto ko. Umupo siya sa tabi ko. "Noona? Diba may Cheerleader Squad kayo this morning? Baka ma-late ka" Minulat ko yung mata ko. Oo nga pala kelangan maaga ako dun. Shet! Late na ba ako? Hindi pa naman. PA KAIRA! PA! PERO MALAPIT NA! Lagot ako neto. Buti na lang sinabi ni Ellie. Walang-wala sa Sigaw ni Papa yung mga Cute and Angelic na panggigising saakin ni Ellie ah.
"Uh? Thank you baby girl. Sige na labas ka na, magpapalit lang si Ate. Kain ka na, para di ka ma-late." Lumabas na si Ellie.
Shocks, natataranta ako. Hmmm? Kaira kalma.
*kring..kring*
"Dale!!!!!"
[Don't worry di ka pa late. Just Hurry Alaga mala-late ka na]
*End Call*
Huh? Ano daw? Hindi siguro siya nakapag-almusal.
Dali-dali akong naligo at nagbihis. 30 minutes na lang, late na talaga ako. Bumaba ako sa kusina para mag-paalam, di na ako kakain sa school na lang.
"Sigurado ka ba Misha?"
"Opo, Papa bye na po, bye Ellie."
"Bye Noona, Kuya Lucas is outside eh, inaantay ka niya."
Whut? Loko talaga yun. Lumabas ako sa bahay at nakita kong nandun nga siya. Nakasandal sa kotse niya.
"Anong ginagawa mo dito?" Kung kanina nung sinalubong niya ako naka-ngiti siya, ngayon naman naka-kunot na yung noo niya. "Ayaw mo? Okay." Aktong aalis na siya, pero pinigilan ko siya. "Teka,teka,teka, Joke lang naman. Tara na? Ayokong ma-late."
"That's my girl." Tapos pi-nat niya ako sa ulo.
Umalis na kami papunta sa School. Buti na lang hindi traffic, nasa gitna kami ng Stop Light ng makita ko si....
"Dale si Naomi. Sabay na natin!"
Hindi umimik si Dale, tinignan ko siya pero blanko ang ekspresyon niya. "Dale? Sige na. That's good deed, Alaga." Sabay kindat. "Wag na mag-go go na yung light." Hindi ko siya pinakinggan, minsan kasi selfish si Dale e.Binuksan ko yung bintana tapos kumaway-kaway ako, hindi pa naman nakakalayo si Naomi e.
"Naomi! Naomi!"
Nag-go na yung light kaya umandar na din kami, nag-stop kami sa pwesto ni Naomi, mabagal lang naman siya maglakad kaya naabutan namin siya. Buti na lang sumunod si Dale saakin.
Huminto si Naomi, nagulat siya. Hindi ata dahil sa hinintuan namin siya, kundi dahil kay Dale.
Bakit kaya?"Naomi, sabay ka na. Baka ma-late pa tayo e."
Umiling-iling si Naomi "wag na Kaira, Okay lang." Nagpatuloy siya sa paglalakad. Nakahinto lang kami, sinenyasan ko si Dale na sumunod pero hindi siya sumunod. "Dale?! Ano?!" Umandar na siya.
"Naomi, sige na? Magka-klase naman tayong tatlo diba, Dale?"
Hindi pa rin umimik si Dale. "Alaga, makisakay ka para pumayag." Bulong ko sakanya.
Bumalik ako kay Naomi, nginitian ko siya. Naramdaman ko na huminga si Dale at nagsalita "sumabay ka na. Mala-late tong Alaga ko." Mahina pero rinig ko at ni Naomi, blanko lang ang ekspresyon niya at diretsong nakatingin sa daan.
"Sige na please?"
Tumango na lang si Naomi at sumakay sa back seat. Pinaandar na ni Dale yung kotse. Walang imikan kaya nag-headphones na lang ako.
--
"Sorry po talaga Ma'am. Sorry po talaga." Pagmamakaawa ko kay Mrs. Suarez, meron kasing banggaan na nangyare nung malapit na kami sa highway papunta sa school kaya na-late talaga kami ng sobra.
"I'm sorry too, Kaira. But, I guess I should replace you then." Natulala ako, replace me? No you can't, simula pumasok ako sa eskwela nagche-cheerleader na ako tapos tatanggalin lang ako dahil late ako. Isang beses pa lang naman to nangyare ah. Di ko maintindihan.
"Ma'am, I promise I will make it Up to you." Lumabas na si Mrs. Suarez sa Cheerleading Gym. The heck, why is this happening?
Sinundan ko siya hanggang sa Field, kung saan maraming tao dahil may nagpa-practice ng Football. "Ma'am please?" Lumuhod na ako sa harap niya. Nakatingin lahat sila saamin. Nanahimik ang lahat, pati ang practice ng Football players nahinto. "Ma'am, you can't just take it away from me. Buhay ko na to Ma'am, since pumasok ako ng eskwela, nasa Cheerleading Squad na ako. Ma'am this a Part Of Me." Umiyak na ako. Iniiyakan ko ang Importanteng bagay na gusto kong gawin. Bakit ba kasi kailangan mangyare to, na-late lang ako? What the heck.
"I'm sorry." Tuluyan ng umalis si Mrs. Suarez, ako tulala at tameme lang.
I hate this f*cking life.
Tumakbo ako papunta sa Cr ng mga babae. Dun ako umiyak ng umiyak. Iniyak ko lahat, minsan talaga ayoko magkamali dahil ayokong mabawi saakin yung mga bagay na gusto ko at pinaghihirapan kong maabot. Kasi feeling ko I'm not worth it.
Lumabas ako kasi narinig ko na nag-bell. It means wala ng tao, tumakbo ako papunta sa bench. Umupo ako dun at pinagmasdan ko ang Ulap. Naisip ko si Mama, gustong gusto ni Mama na masaya ako sa ginagawa ko. What if na lang kung nalaman niya na yung bagay na nakakapagpasaya saakin, Wala na? Lalo pa't sa walang kwentang dahilan.
Naiyak nanaman ako. This time, nakayuko na ako, nag-skip ako ng class. Di ko rin maiintindihan yung mga lecturesdahil iniisip ko yung pagkakatanggal ko sa Squad.
Umalis na ako sa bench at pumunta sa locker ko. Alam na kaya ni Dale to? I need Dale right now. Kahit sila Leah, Audrey at Chloe.
Nakaupo lang ako sa tapat ng locker ko sa may gym. Ililigpit ko na yung mga gamit ko dito. Wala na din namang silbi kung aantayin ko pang paalisin ako dito, edi magkukusa na lang ako.
Di ko pa din mapigilang huwag umiyak. Since pinanganak ako, passion ko na ata ang pagche-cheerleader kaso sa tingin ko dito na ata matatapos to.
Natapos ko na ligpitin lahat, palabas na ako ng may biglang pumasok, matangkad, maputi, maganda. Siya ata ang pinalit saakin.
"I'm sorry, may tao pala."
Nakayuko ako, sana alam niyang ako yung pinalitan niya, masyado talaga silang mabilis magpalit, parang planado na. Planado? Hmm? Hindi. Mali yung iniisip ko, ayoko ng gulo.
"Okay lang." Naglakad na ako palabas. Ayoko munang makipag-usap sa kahit na sino maliban sa mga taong kilalang kilala ako.
I need them, right now.
BINABASA MO ANG
Almost...Perfect [Revisions]
Fanfiction❝ too much happiness 'causes too much pain ❞ ㅡ a cliché love story wherein two person met unexpectedly, and eventually fell in love Kaira Mendez, the cheerleader and Dylan Miguel, the basketball captain never thought that they would actually fit ea...