The Quiz
Kaira's POV:
"Oy, galingan mo ah." Sabi ni Leah saakin.
"Oo, Ako pa ba? Tss." Nakangisi kong sabi. "Aba, ang yabang ng bebs ko ah." Sambit ni Audrey.
Natawa na lang kami, nasa waiting shed kami kasi inaantay namin yunh sasakyan na susundo saamin papunta sa school na paglalabanan namin, di ko sure kung saan e.
"Mag-ingat ka don ah, alam kong may mga btches dun. Di naman mawawala yon sa isang eskwelahan." Sambit ni Leah
"Oo, kagaya na lang ni Samantha." Naiiritang sabi ni Audrey.
"Speaking?" Sambit ko. Papunta siya sa direksyon namin. Kasama niya si Jina at Merry. Nakapemewang pa talaga siya, tumayo ako para salubungin siya, pipigilan pa sana ako nila Leah kaso sinabi ko na kaya ko na to.
Maliit na ahas lang naman si Sam.
"Hello, loser. Goodluck ah, Although, matatalo ka naman. Kagaya nga ng nickname ko sa'yo. Loser!"
"HA-HA-HA. Ang lakas mo talagang pumunta dito sa pwesto ko para lang manlait ah."
Nakataas ang kilay niya at nakangisi. "Actually, I'm not here for you btch. Hindi ako magaaksaya ng panahon sa isang katulad mong talunan."
"Talaga lang ah."
"Yes, I'm here for my bee." Sabay turo sa pintuan at nakita kong kakapasok lang ni Cyril kasama si Jude at Ethan.
Naupo si Jude at Ethan sa tabi nila Leah at Audrey habang si Cyril naman papunta sa direksyon namin ni Sam.
"Hi, Bee!" Salubong ni Sam at agad namang pumulupot kay Cyril. See? Ahas nga tss -_-
"Bee, What's happening? Inaaway mo nanaman ba si Kai?"
Tinignan ako ni Cyril at the same time tinignan din ako ni Sam na nakakunot ang noo."No, bee. Of course not. I'm just telling Kaira na galingan niya sa Quiz." Sabay ngiti, ngumiti naman ako ng sarkastiko. Ang plastik ng ahas na to.
"Oh, Is that so. Well, Oo nga Kai. Galingan mo!" Sabay tapik saakin.
Nginitian ko siya ng pilit. At tumalikod, bumalik na ako dun at naupo sa tabi ni Jude.
"Oh, Bakit nakabusangot yang mukha mo?"
"Paano ba pumatay nang ahas?"
Walang sumagot dun sa tanong ko.
"Uy, may kausap ba ak---" may tumakip sa mata ko mula sa likod. Ano nanaman bang pakulo to?
"The heck! Sino ba to?!" Natanggal ko yung kamay niya.
Sabi na eh, si Dylan lang. Inirapan ko siya, wala akong panahon makipaglokohan, ang aga-aga iniinis na ako ng Samatha na yan, dadagdag pa siya?
Tumabi siya saakin. "Ano bang problema?"
Tinignan ko siya with poker face "chismoso talaga?"
Natawa siya at ginulo niya ang buhok ko. "Ito naman, nag-aalala lang."
What? Bakit naman siya mag-aalala. Wow lang ah, feeling close na talaga tong si Dylan.
"Oy, wag masyadong seryoso. Tara na nga, libre kita gutom lang yan." Aktong hihilain niya ako papuntang canteen.
"Dylan, busog ako. Tsaka wag mo nga akong dinadaan daan diyan sa libre libre mo." Pagsusungit ko.
"Tara na" No choice, nahila niya ako papuntang canteen. Nilibre niya ako ng isang burger at isang lemonade.
Naupo kami uli sa isang lamesa. Walang tao kami lang, kasi class hours ngayon.
Di nanaman ako mapakali kasi feeling ko may nakatingin saamin.
"Dylan, tara na. Ayoko na dito." Suggest ko. Hinawakan niya yung kamay kong nakapatong sa lamesa. Nagulat ako kaya iniwas ko yung kamay ko at napayuko ako.
"Sht. Ang cute mo kapag nahihiya." Sambit niya.
"Aba. Pupurihin na nga lang ako nagmura pa?" Sagot ko pabalik. Abnormal to ah.
"Don't worry Kai, the page has been blocked. Amd from now on. Wala ng page ang school." Napakunot ang noo ko "what do you mean?"
"Ahh, Basta. Tara na nga, baka nandun na sundo natin." Hinila niya ako palabas ng canteen.
Sumusobra na siya ah, masyado na siyang nage-enjoy hila hilain ako ah.
|TIME SKIP|
"What is the greatest integer function of 4.6?"
"What is the period of y=tan2x?"
"Find the equation of the line though (2,-3) and perpendicular to 3x-4y-1=0."
"Find the equation of the line with slope of 1/2 and x-intercept of 3."
"The minimum value of y=2x+kx+3 is 1. What is/are the value(s) of K?"
Lahat ng questions na yan nagci-circulate pa din sa utak ko. Di lang talaga ako mapakali kung mananalo kami or ewan.
Basta nangangatog paa ko ngayon dahil sa kaba.
"And our 1st place.. Goes to Dy-Miguel University!!!" Napabitaw ako sa pagkakahawak sa kamay nila Jude at Dylan.
"Pa-panalo? Ta-tayo? Panalo tayo!!!" Niyakap ko si Jude, pati din si Dylan. Lumapit saamin si Mr. Jung kasama si Chloe.
"Congrats, pets! Ang gagaling niyo! No doubt kaya kayo ang napasama dito. Good job!" Sabay thumbs up.
"Kaira! Congratulations!" Sambit ni Chloe at niyakap niya ako. Nakipag-shake hands din siya kay Jude at Dylan.
"Okay! Manlilibre si Sire!" Hirit ni Dylan. "Ahahahaha, of course. Mamayang uwian, diretso tayong Yellow Cab. Libre ko" sagot ni Mr. Jung
Napakasaya ko, shocks! First time ko sumali, panalo pa. Haha
Nag-picture taking kami, formal shot tapos wacky. Naka-peace sign ako tapos nakaduling tapos si Dylan naka-akbay saakin tsaka naka-peace sign din.
Paano ko nalaman? Syempre dahil kay Chloe, siya ang kumuha ng picture namin. Nagulat nga ako ng makita kong may crop yung samin ni Dylan.
"Ahaha, Pasensya ang cute niyo kasi tignan." Natawa na lang ako.
Tinawag ni Mr. Jung si Chloe para kumuha pa ng ibang pics kaya naiwan ako.
"Pst." Kalabit niya saakin. "Tss. Bakit?"
"Sungit neto. Haha, Congrats Ms. Mendez." Sabay abot saakin ng kamay niya.
Napangiti na lang ako "Congrats din Mr. Miguel." Sambit ko.
Habang magkahawak ang kamay namin, may isang babaeng nag-interrupt samin, tagadito siya.
"Dylan."
Napatingin kami ng sabay sakanya. Pero, nabaling uli ang tingin ko kay Dylan. Kita sa mukha niya na sobra siyang nagulat dahilan na din kaya nabitawan niya ang kamay ko.
Nabaling uli ang tingin ko dun sa babae. Para lang siyang ka-edad namin, kilala niya si Dylan?
"Can we talk?" Tanong uli nito.
Masyadong mabilis ang mga pangyayare para kay Dylan kaya hindi siya makasagot.
"Megan?"
Megan? Megan as In Megan Rodriguez? Kilala ko siya, siya..ang ex-girlfriend ni Dylan.
BINABASA MO ANG
Almost...Perfect [Revisions]
Fanfiction❝ too much happiness 'causes too much pain ❞ ㅡ a cliché love story wherein two person met unexpectedly, and eventually fell in love Kaira Mendez, the cheerleader and Dylan Miguel, the basketball captain never thought that they would actually fit ea...