Mommy
"Very Impressive Ms. Mendez and Mr. Miguel, napaka-ganda ng ginawa niyo." Nagulat ako, di pa kami masyadong tapos ni Dylan sa kabilang building gine-greet na kami ni Mrs. Lee. Aangal pa sana ako kaso inakbayan ako ni Dylan, sign na yun na huwag akong kumontra. Pero agad ko namang inalis yung kamay niya, ano siya 'hello?'
"Salamat Ma'am." bati ni Dylan. Ang gulo lang talaga, di pa nga kami tapos sa kabilang building diba? Hays. Lumabas na kami sa Office ni Mrs. Lee kasi inutusan niya kami na ituloy na daw yung ginagawa namin para matapos kami agad.
"Teka nga, Dylan! Bakit binabati na tayo ni Mrs. Lee? Di pa nga tayo tapos tsaka di pa niya nakikita yung ginawa natin kasi wala pa sa kalahati e. " Nakangisi lang siya habang kinukuha yung gamit namin papunta sa kabilang building.
"Tinapos ko na kasi Kai." Nagulat ako sa sinabi niya. Tinapos niya yun in just 2 days? Ibig sabihin pumunta siya dito nung Saturday at Sunday? Di man lang niya ako sinabihan? Tumakbo ako papunta sa building na tinapos ni Dylan.
Napanganga na lang ako. Damn he is good.
"Ano? Ayos ba?" Nagulat ako, sinundan pala niya ako. "Bakit di mo ako sinabihan? Partners tayo dito diba?! Mamaya sabihin nila ang sama ko dahil iniwan ko sa'yo yung gawain!" Pagmamaktol ko, ang unfair naman talaga e. Siya lang gagawa nun? Teka! Bakit ba? Eh. Ayos nga yun e. Wala na akong po-problemahin, pero hindi e. Hays ewan! Basta di ko na hahayaang si Dylan nanaman ang tatapos ng kabilang building.
Naglakad na kami pabalik sa kabilang building ng biglang tumawag si Mama. Bilin ni Mama na tatawag siya saakin kapag free time niya, ang saya ko lang kasi makakapag-usap uli kami ni Mama. Through video call nga lang kaya nag-iba ako ng direksyon.
Papunta ako ngayon sa Library. May WiFi kasi sa Library kaya dun ako pumunta, kailangan kasi ng WiFi kapag magvi-video call e. Sinagot ko na yung tawag ni Mama.
"Hi Mama!"
"Hi Misha! Alam kong nasa school ka anak. Gusto lang talaga kasi kita tawagan, sana naman hindi nakaka-abala si Mama sa'yo?" Kitang-kita kay Mama na pagod siya, sa mga mata pa lang niya pero pilit pa din siyang naka-ngiti.
Tatapusin ko talaga ang pag-aaral ko, para hindi na bumalik si Mama sa Paris para mag-trabaho, at para mabuo na din ang Pamilya ko, alam ko kahit hindi sabihin ni Papa, miss na miss na din niya ng sobra si Mama.
"Okay lang , Ma! Free time din namin kasi gumagawa kami ng Projects by Partners"
"Talaga? Sino ang partner mo?" Hindi ako nakapag-salita kasi agad ding sumulpot si Dylan. "Kai! Saan ka ba pumunta? Salita ako ng salita dun, wala naman akong kausap. Andito ka lang pala."
binulungan ko si Dylan na kausap ko si Mama, at dahil tinatanong din ni Mama kung sino ang partner ko, pinakilala ko na si Dylan. "Hi Po!" bati ni Dylan matching with Smiley face. "Hello, Dylan? Tama ba?"
BINABASA MO ANG
Almost...Perfect [Revisions]
Fanfiction❝ too much happiness 'causes too much pain ❞ ㅡ a cliché love story wherein two person met unexpectedly, and eventually fell in love Kaira Mendez, the cheerleader and Dylan Miguel, the basketball captain never thought that they would actually fit ea...