Chapter 51

98 3 1
                                    

Stage Play

"Bye, Pa!" Sambit ko at hinalikan ko si Papa sa pisnge.

"Pasalubong, Noona ah!" Hirit ni Ellie. Natawa na lang ako, talagang nagising siya ng maaga para lang paalalahanan akong pasalobungan siya.

"Teka, pupunta ka ba mag-isa?" Tanong ni Papa.

"Hindi po, nasa labas na si Dylan." Sambit ko.

Hinatid na lang ako ni Papa sa labas ng bahay. Di pa sumisikat ang araw kaya medyo madilim dilim pa.

"Hi, Tito. Magandang umaga, po." Bati ni Dylan sabay mano kay Papa.

Tss, Tatanda na to si Papa kaka-mano ni Dylan pero, di alintana dahil sa gwapo ba naman ni Papa.

"Mag-iingat kayo ah." Paalala ni Papa at tuluyan na siyang pumasok sa loob dahil pang-umaga ang pasok niya ngayon.

Nagulat ako kasi pagkabukas na pagkabukas ni Dylan ng pintuan, andun si Tita Kath.

Kasama namin siya? Bakit di man lang sinabi ni Dylan.

"Good morning, Tita." Sambit ko pagkapasok na pagkapasok ko sa loob ng kotse.

Katabi ko kasi siya sa backseat at si Dylan naman sa harap.

"Goodmorning," inaantok pa ba siya o masama lang talaga ang timpla ng araw niya.

Masama, agad? Di pa nga sumisikat ang araw.

Tahimik lang kami buong biyahe. Di din nagtagal nahinto ang kotse sa tapat ng isang malaking bahay, mansyon ata to e.

"Tita?!" Sigaw nung babae sa may tapat ng pintuan.

Halatang kanina pa siya nag-aantay. Lumabas si Tita Kath ng kotse. Sumunod si Dylan, para ihatid si Tita Kath.

"Fiona! I'm sorry, Pinagantay ko ata kayo ng Mommy mo?" Nagbeso beso pa sila.

"Mom. We better go now." Paalam ni Dylan, pero nakapagtataka di niya pinansin yung Fiona.

"Dy? Babalik ka mamaya." Tanong nung Fiona.

"Di." Matipid na sagot ni Dylan habang papunta sa kotse.

Pinalabas ni Dylan si Manong Driver. "Kuya, Ako na po magda-drive." Masunurin naman si Manong Guard kaya agad na bumaba.

Pumasok siya sa kotse at mabilis na nag-drive paalis.

Di ko siya iniimik. Bahala siya diyan.

"Babe, daanan muna natin sila Cy tsaka Axel ah. Si Matt kasi sasabay na kay Drew tapos si Ethan at Jude naman may susunduin pa."

Di ko pa din siya iniimik.

"Babe, inaantok ka pa ba?"

"Hindi."

"Okay ka lang? Masama ba pakiramdam mo?"

"Okay lang ako."

"Idlip ka na lang muna." Di ko na siya sinagot.

Di din nagtagal nakarating din kami sa bahay nila Axel. Nasa labas na siya at naka headset.

"Dre. Hop in." Sambit ni Dylan.

Sumakay naman siya sa tabi ko.

"Goodmorning, Kai." Nginitian ko na lang siya. Bakit di niya kasama si Leah? LQ ba sila?

Itatanong ko pa sana kaso ayon, naunahan na ako ni Dylan.

"Saan si Leah?"

"Mauna na daw ako. May Emergency daw e."

Almost...Perfect [Revisions]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon