Chapter 36

101 1 1
                                    

His Love

Dale's POV:

Ang sakit! Ang sakit sakit! Ang sakit makitang nagyayakapan sila sa gitna pa ng ulan.

Mali pala ang timing ko. Dapat pala di ako sumunod kayla Zach.  Alam kong masasaktan lang ako.

Napag-isipan ko kasing kausapin na si Kaira habang maaga pa. Gusto ko ng maging sigurado sa nararamdaman ko dahil di ko na kayang itago pa to habang buhay.

Pero, the hell, anong naabutan ko? Ganyan na ba talaga sila ka-close? Parang dati lang, naiinis at nabi-bwiset pa si Kaira diyan kay Dylan ah. Ganon na lang ba talaga ka-bilis ang panahon ngayon?

Wala na akong pake kung umiyak man ako ngayon, wala na akong pake kung mabasa na ako ng ulan at magkasakit. Fvcksht lang, wala ng mas sasakit sa nakikita ko ngayon.

Malayo man ako sakanila, pero feeling ko nasa harap ko lang sila.

Yumuko na lang ako. Nagtaka na lang ako ng biglang wala na akong nararamdamang tulo ng ulan.

Nagulat ako kasi pinapayungan ako ni..ni..ni.. "Naomi?" Sambit ko.

"Masamang magkasakit." Sagot niya pero di niya ako tinitignan. Nakatingin lang siya ng diretso.

"Wala ng mas sasakit pa sa nakita ko." Bulong ko pero mukhang napalakas ata.

"Tara." Aya niya at dinala niya ako sa Canteen.

Wala ng tao dito kasi nag-bell na para sa susunod na klase. Di ko alam kung bakit ginagawa ko to.

Nag-skip ako ng class. Pero ganun din naman si Naomi, di kaya magtaka si Ethan? Tsaka bakit niya ako sinasamahan ngayon?

Pero ako naman tong sumasama. Siguro dahil wala na akong choice? At nakikiayon na lang din ako aa takbo ng tadhana. Baka way na din niya to.

"Ate, pabili nga pong dalawang kape." Iniabot niya yung bayad niya at nginitian niya ako. Di pa din pala siya nagbabago. Siya pa din si Naomi Jade Yee na minahal ko noon.

Pero, oo, noon na lang yon. At di na pwedeng maging ngayon. May mahal na kaming iba, siya si Ethan at ako si.. Kaira.

Kinuha na niya yung kape at dinala niya ako sa Rooftop. Malamig sa taas dahil kakatapos lang ng ulan.

Iniabot niya saakin yung kape at naupo sa may malaking kahon doon. Karaniwan kasing dinadala dito yung mga gamit ng eskwelahan na hindi pa pwedeng gamitin o meron pang ginagamit.

Matagal ding nagkaroon ng katahimikan saaming dalawa. Masyado kasing mabilis ang mga pangyayare at di ko to ine-expect. Matagal din kaming hindi nag-usap. Simula nung Project by Partners.

Siguro dahil nasanay lang akong si Kaira na ang kasama ko at siya si Ethan naman.

"Kamusta na, Dale?" Simula niya. Huminga ako ng malalim.

Ngayon na lang uli niya ako tawagin sa pangalan ko.

"Okay naman." Sagot ko.

"Mukhang hindi naman." Pabiro niyang sagot saakin. Tama nga ako, hindi pa din siya nagbabago.

Di na ako sumagot. Wala lang talaga ako sa mood ngayon, nakakagulat nga na kausap ko ngayon yung ex ko pero mas nakakagulat na may kayakap na iba yung mahal mo, ang masaklap pa don is yung kayakap niya yung kaaway niya noon.

Maling desisyon nga talaga yung lumayo ako sakanya. Lumayo lang naman ako ng isang linggo, Kaira. Bakit ganito na tayo ngayon?

"Tell, me. We can be friends. Kalimutan na natin ang nakaraan. This is the day to start a new one."

Tinignan ko siya. Talaga bang desidido siyang maging Okay kami uli? Siguro nga, tadhana thank you baka sakaling sa pagkakataon na to, gumaan ang loob ko.

"Kasi.."

|FLASHBACK|

Nasa Gym ako ngayon. Nag-aayos ng bag ko dahil naglaro kaming tatlo nila Zach at Gavin.

"Hey, mauna na ako. Andun na si mom sa bahay e. " paalam ni Gavin.

Nag-wave na lang kami. Naiwan kami ni Zach sa loob ng Gym.

Ilang minuto ang nakalipas nakarinig kami ng malakas na tunog. Kung di ako nagkakamali galing sa Music Room yun, di naman kalayuan dito yon e.

"T*ngina, pre! Ano yon? Putek!"

Binatukan ko siya. "Bading alert. Thompson. Bading alert nanaman." Kahit kelan talaga may pagka-bading din minsan, kaya walang girlfriend e.

"Tara tignan natin." Yaya ko. Pero ang bagal kasi ni Zach kaya nauna na ako.

Pagdating ko dun. Sumilip ako. Nakita ko silang pito.

"Oyy! Wag kang choosy Jude ah. Ang tagal mong nawala sa mga usapan. Tapos aarte ka pa ngayon?" Sambit ni Andrew.

"Tama na nga yan! Di kayo nakakatulong sa plano e." Interrupt ni Dylan.

Tsimoso na kung Tsismoso. May nagtutulak lang talaga saakin na makinig. Yung tipong para bang may malalaman ako.

"Ano bang plano?" Tanong ni Matt.

"Para mapasagot ko na nga si Leah." Exhausted na sagot ni Axel. Halatang naka-ilang ulit na siya sa pagsabi nun.

"Ahh. Okay." Sambit ng lahat.

Tapos nagsimula silang kumanta. Kinanta nila yung Miss Right na composed nila mismo.

"Galing! Ang galing galing!" Sigaw ni Matt.

"Mukha kang ugok, Matt." Sigaw ni Cyril.

"So ano? Masasagot ka naman na siguro ni Leah noh, Reyes!" Tanong ni Ethan.

Di sumagot si Axel kasi tumatalon sa tuwa.

"Oo. Masasagot na yan siya. Makakapuntos na din ako." Singit ni Dylan.

Teka, kelan pa nagkagusto si Dylan sa mga estudyante dito?

"Kanino naman yan, Miguel? Ang flirt mo talaga." Tanong ni Andrew.

"Abnormal, seryoso na ako. Kay Kaira...." Paalis na ako nun kasi hinihila na ako ni Zach pero natigilan ako ng marinig ko kung ano yung sagot ni Dylan.

Tuluyan na akong nahila ni Zach palabas, buti na lang di niya kami nag-ingay kundi agaw atensyon kami at mabibisto kami.

Sa puntong yon. Doon na onti-onting guguho ang mundo ko.

|END OF FLASHBACK|

Kinwento ko lahat yon kay Naomi. Taimtim naman siyang nakinig.

"Sigurado ka na ba talaga don?"

"Nakwento ko naman na diba? Di pa ba sapat yon? Tsaka sapat na din yung nakita ko kanina." Tuluyan na akong umiyak. Ang bading pero ito yung way para malaman nilang lahat na mahal ko talaga si Kaira.

Mahal na Mahal.

Nagulat ako kasi niyakap niya ako. Yung yakap na yon, yakap na halos buong buhay kong hinanap hanap, hanggang sa dumating si Kaira sa buhay ko.

"Tahan na Dale. Di pa naman huli ang lahat e." Bulong niya.

"Sana *sob* nga" bulong ko pabalik.

Di ko na naisip ang susunod na nangyare kasi bumulagta na lang ako bigla. Pinilit kong dumilat at sumapak din pero pinangungunahan ako ng kahinaan dala na din ng emosyon ko. Tanging tinig na lang ni Naomi ang naririnig ko.. Ang pag-awat niya kay... Ethan.

Almost...Perfect [Revisions]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon