Chapter 26

138 2 1
                                    

New Face

Axel's POV:

Uwian na ng bumaba ako sa mula sa Rooftop. Oo, nag-skip ako ng klase malamang hinahanap na nila ako. Pero pagbaba ko mula Rooftop wala namang nag-interrupt saakin hanggang sa..

"Sorry bro." Yung boses na yun.

Kinuha ko agad yung kwelyo niya at isinandal siya sa may pader.

"Hey, Easy. Anong ginawa ko sa'yo Axel?"

"How could y--" natigilan ako kasi naalala ko yung sinabi ni Leah kanina. Kailangan ko palang ayusin to. Di ko dapat palawakain.

"What?!"

Binitawan ko siya. "Ah I-Im so-sorry dude."

"Ano bang problema mo? Kanina sa Canteen, tapos ngayon uli?" Tanong ni Dale.

"It's just.." Napa-face palm na lang ako.

"Aish. Nevermind." Tumakbo ako. Tumakbo ng tumakbo, lumabas ako ng campus napadpad ako sa parke, akala ko walang tao kaya habang umaatras ako habang naka-face palm ako. May nabangga ako, sisigaw pa sana ako...

"Aray!" Sambit niya.

"Sorry. Lagi na lang ako ang may kasalanan, ako na lang lagi ang dahilan. Pasensya na." Iniabot ko sakanya yung kamay ko kahit na basa to dahil sa luha ko.

Umiiyak ako? Ang bading naman!

Pero, kasi never pa kaming nag-away ni Leah ngayon lang. Kaya siguro umiiyak ako, samahan pa ng di ko maintindihang nararamdaman ko.

Hinawakan nung babae yung kamay ko kahit na basa. Nagulat ako kasi akala ko magiinarte pa siya. Pero hindi. Wow!

"Okay ka lang ba, Kuya?" Tanong niya.

Nag-*Ok sign ako. At naupo sa may bakanteng upuan. Napa-face palm na lang uli ako kasi di ko na kasi talaga alam ang gagawin ko.

Nabigla ako kasi may humagod ng likod ko para pakalmahin ako. Yung babae pala uli yon.

"O-okay la-lang a-ako." Sambit ko.

"Talaga? Pero ngayon lang ako nakakita ng lalaking umiiyak, maliban sa Papa ko ah. " I gave her a weak smile.

"Na-busted ka ba o binalewala ka?"

"BINALEWALA NIYA AKO!" sigaw ko. Nanlaki naman yung mata nung babae .

"Okay! Okay! Kalma, Kuya." Napaupo na lang uli ako. Hays, I'm acting weird sa harap pa ng hindi ko kakilala.

"Importante siya noh?" Tanong niya.

Nag-*nod na lang ako.

"Why won't you talk to her. Para naman maliwanagan ka na?"

"Kinausap ko na siya. Sabi niya I should fix this."

"Sorry naman. Eh, yun naman pala e. Edi ayusin mo na."

Binigyan ko siya ng are-you-damn-serious face. "Oo seryoso ako. Ayaw mo gawin yun kasi, may humahadlang? Hindi tao kundi yang nararamdaman mo?"

Napakunot-noo na lang ako. "Paano mo nalalaman lahat ng to? Ano ka ba buntot ko kaya alam mo lahat ng nangyayare saakin?"

Tumawa lang siya. Wow talaga, kakaiba tong babaeng to.

"Bakit ba ako nakikipagusap sa di ko kakilala? Mamaya kaluluwa ka lang pala."

Binatukan niya ako, aba? Close kami?

"Di ako kaluluwa noh. Sadyang parehas lang tayo ng nararamdaman dati. Saakin Past na, tapos na yon. Eh, ikaw? Dinadamdam mo pa din hanggang ngayon. Pero di mo alam kung ano."

Magsasalita pa sana ako ng biglang may nag-text saakin.

*toot* *toot*

From: Dylan Miguel

Dre, sa bahay tayo mamayang 6pm ah. Wala si Keith at Mommy.

Tamang-tama para naman makapag-chill chill na muna ako.

To: Dylan Miguel

Okay dre. I'll be there.

"I've better leave. Thanks for everything." Sambit ko.

"Wala pa nga akong naitutulong e. Haha, anyways, maging klaro ka lang sa mga bagay na ginagawa at gagawin mo. Goodluck! Magkakaayos din kayo." Sabay thumbs up at kindat pa si Ate.

Nag-smile na ako sakanya at tumalikod na. Pero bumalik ako sa tingin sakanya.

"Ah? Ms? Ano nga palang pangalan mo?"

Tumayo siya at lumapit siya saakin.

Iniabot niya yung kamay niya..

"I'm Bea. Bea Angela Sy."

|TIME SKIP|

"Oy! Axel, maglaro ka naman!" Sigaw ni Matt

"Daydream pa more. Hahahaha" tawa ni Ethan.

Nagising na ako sa katotohanan. Inaalala ko pa kasi yung mga sinabi saakin kanina ni Bea e.

"Asaan si Jude?" Tanong ko. Tumingin ako kay Dylan. Di siya tumingin saakin.

Hanggang ngayon pa din ba, di sila magka-ayos.

"Bakit niyo ba pinag-uusapan yung taong wala naman dito?" Sagot ni Dylan.

"Busy siguro? Kasi diba kasama siya sa Division." Sabi ni Cyril.

"Ang talino naman niya. Hahaha" panglalait ni Andrew.

"Ulul. Ako dapat yon. Kaso, I choose Journ." Sagot ni Cyril.

"Andun ka kasi andun si Chloe?" Pang-aasar ni Matt.

"Holy sh*t may gusto ka kay Chloe, dude?" Tanong ni Ethan.

"Mga loko kayo. Wala ulul." Sagot ni Cyril.

Yan puro asaran sila. Ako eto mukhang tanga lang sa harapan nila kasi lumilipad pa din isip ko.

Lumabas ako. Sa may garden nila Dylan.

Doon inisip ko lahat ng sinabi ni Bea, kailangan ko maging sigurado sa lahat ng gagawin at ginagawa ko. Kakausapin ko na lang si Dale.

"Inom ka muna, malalim ata iniisip mo." Iniabot niya saakin yung isang lata ng coke. "Salamat"

"Mahal mo na noh?"

Naibuga ko yung coke na nainom ko.

"Seriously?! Sayo talaga nanggagaling yan Miguel?!" Sigaw ko

"Oo!! Bakit ba?!! Di ba halata?!!" Sigaw din niya.

"Aray ang sakit sa tenga." Pagiinarte ko.

"Kingina mo kasi e. Sigaw pa, tuluyan na akong di makakarinig dahil sa'yo."

Nag-peace sign ako.

Sinabi ko sakanya yung nangyare saamin ni Leah hanggang kay Bea.

"Tama si Bea e. Dapat makipag-ayos ka na kay Dale. Wala namang masama dun e, pinapaiiral mo lang yang pagseselos mo."

"Oo na Dre. Mahal ko na, okay? Sorry. Sorry, kung di ko agad nalaman! Bullsh*t! Ang manhid ko p*ta!"

"Pero, delikado ka." Pagaalala ni Dylan.

"Wae?"

"Mamaya di ka niya gusto."

Mamaya di ka niya gusto.

Mamaya di ka niya gusto.

Mamaya di ka niya gusto.

Mamaya di ka niya gusto.

Baka nga hindi niya ako gustuhin? Dahil sa mga inaasta ko.

Pero wala namang masama kung i-try ko diba? Di ko pa nga naipapakita yung pagmamahal ko sakanya. Wait for me bes, mamahalin pa kita ng todo. Hindi lang bilang kaibigan, kundi bilang kasintahan.

Almost...Perfect [Revisions]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon