Cousin
"So, Ano? Okay ka na ba?" Tanong ni Audrey. "Okay na ako. 2 weeks na din naman na nakalipas e" Natawa na lang bigla si Leah. "Ang bilis mo naman mag move-on, Kai! Hahahahaha"
"As If naman pag-ibig ang pinaguusapan, Leah." Singit ni Chloe. Nag-pout na lang bigla si Leah. Tapos tuloy sa kalikot ng cellphone niya. Ako naman tinuloy ka na din yung pagkain, nasa Starbucks kami ngayon, free time kasi kaya naisipan kong bumawi sa mga girls. Habang iniinom ko yung Caramel Latter ko, nabulunan ako kasi nakita ko si Ate Hazel. Si Ate Hazel nga ba? Papunta siya sa Rest Room.
"Ahh, Excuse me. Magc-Cr muna ako." Umalis ako at agad pumunta sa Rest Room, wala siya sa loob ng Cr. Lumabas ako at nakita kong papunta pa lang siya..
Tumalikod ako. At nakita ko siyang pumasok sa Cr. Si Ate Hazel nga, hindi ako nagkakamali. Anong ginagawa niya dito? Napansin ko Weekend nga pala ngayon. Tuwing weekend kasi napapansin ko andito siya. Anong ginagawa niya dito? Soon malalaman ko.
Bumalik ako sa table namin. "Anong nangyare sa'yo? bakit mukhang bagot na bagot ka." Umiling-iling ako. Niyaya ko sila na maglakad-lakad na. Ayokong makita ako ni Ate Hazel, baka matanong ko siya agad.
Pumasok kami sa Forever 21. Tumitingin tingin kami ng pwede naming suotin sa upcoming Tournament. Marami kasing bisita ang darating kaya kailangan presentable daw kami at hindi mukhang gangster. Kahit hindi naman kami nagsusuot ng pang-gangaster.
"Dito muna ako ah" sabi ko sakanila sabay talikod kaya nakabangga ako. Nahulog yung mga pinamili niya. Habang pinupulot ko yun, nakita kong papasok si Ate Hazel at mukhang papunta sa direksyon namin. "Babe." babe? tinignan ko yung lalaking nabangga ko.
Andrew?! Sila ni Ate Hazel?!
"Misha?" Ano pa bang magagawa ko? Ngumiti na lang ako ng napaka-lapad. Niyakap niya ako.
"Misha! Miss na miss na kita."
"Miss na miss na din kita Ate Hazel."
Nakita ko si Andrew sa likod naka-nga nga. Binigyan ko siya ng Deadly Glare. Hindi ko dapat malaman to kay Ate Hazel, dapat kay Amdrew. Sila pala? Di ko man lamg alam, samantalang close na close kami ni Ate Hazel, pambihira naman oh.
"So, How's Tito Ken? Si Baby Ellie." Tanong ni Ate Hazel. Sinabi kong okay naman sila, Okay naman kami. Niyaya niya pa nga ako mag-lunch sa labas, tumanggi ako kasi kasama ko nga sila Leah. Tsaka magiging awkward to dahil andito si Andrew.
Tsaka na kami magtutuos. Humanda ka saakin Padilla.
"Ate, We better go na. May gagawin pa kami. Ingat kayo" tapos niyakap ko siya tsaka lumabas. Sumunod naman sila Leah, Audrey at Chloe.
"Sino yun? Bakit kasama niya si Andrew."
"Pinsan ko yun. Ewan ko ba? Malilinawan din ang lahat."
BINABASA MO ANG
Almost...Perfect [Revisions]
Fanfiction❝ too much happiness 'causes too much pain ❞ ㅡ a cliché love story wherein two person met unexpectedly, and eventually fell in love Kaira Mendez, the cheerleader and Dylan Miguel, the basketball captain never thought that they would actually fit ea...