Friend (Part 1)
Nagulat ako pagkapasok ko ng Campus, nagkakagulo silang lahat. Yung tipong para bang may riot.
"Leah! Leah! Anong nangyayare?" Taranta kong tanong. " Yung pito..." di na niya naituloy yung sasabihin niya kasi tumakbo na ako, para tignan.
Habang tumatakbo nabangga ko si...Naomi. Si Naomi? Biglang nag-flashback saakin yung kahapon sa Cafe. "Ahh, Kai. Aalis na ako, kailangan ko kausapin si Dylan." Oh No?
"Naomi? Bakit ka umiiyak, anong nangyare? Sinaktan ka ba nila?" Iyak ng Iyak si Naomi habang nakayakap saakin.
"Si..si.. si E-ethan, Kaira. Si Ethan ang sinasaktan nila." Huh? Bakit naman sasaktan nila Dylan si Ethan, Kaibigan nila yun e.
Iniwan ko saglit si Naomi sa may Corridor at agad ako tumakbo papunta sa Room namin, doon nakita ko duguan yung mukha ni Ethan. "What the hell are you doing here, Mendez?!" gulat na tanong ni Ethan. Wala ng iba pang umaakyat sa Building na to, Ako lang talaga ang may lakas ng loob. Pero pansin ko na sumunod saakin sila Chloe.
"Dylan! Anong ginagawa niyo?!"
"Wala kang pakialam!" Napatawa na lang ako na may halong pang-iinis. Okay lang siya? Si Ethan 'tong binubugbog nila. Sarili nilang kaibigan? Mapapamura ka na lang talaga sa inis.
"Hindi ako mangingialam? Oo, siguro nga di dapat ako mangialam, pero konting respeto at kahihiyan man lang Miguel! Oo, Papa mo may-ari ng campus na to! Inyo tong Campus na to!.."
"Would you shut up! May karapa---" Hindi ko na siya pinatapos dahil sumigaw na ako sa sobrang inis. "Oo! May karapatan ka. Karapatan mong makilala sa Campus na to. Pero, karapatan para saktan yung mga tao dito? Hindi mo deserve yang karapatan na sinasabi mo! Maski sa mga kaibigan mo!" Nakakunot lang yung noo niya. Onti-onti siyang lumalapit saakin, nakita ko na tumatawa lang sila Andrew at Matthew. Si Cyril naman naka poker-face lang pati si Jude. Si Axel lang ang wala dito.
Lumapit siya saakin at isinandal niya ako sa ding-ding. The fvck why are you doing this, Miguel?
Yung tingin niya parang kakainin ka ng buhay. "Wala kang alam sa mga nangyayare, Kaira. Kaya pwede ba, wag kang mag-galing galingan na para bang alam mo yung buong storya." Tumalikod siya saakin, akala ko sasaktan niya ako, pero hindi.
"Palabasin niyo yan." Lumapit si Matt at Andrew saakin tapos kinaladkad nila ako palabas. Tinulak nila ako kaya napaupo ako sa sahig. Lumapit uli si Dylan, pagkatapos sinabi niyang "Kung akala mong, Okay na tayo. Nagkakamali ka. Masyado ka lang uto-uto kaya akala mo, Okay na." Nainis na ako kaya tumayo ako agad tapos kinuha ko yung kwelyo niya. "Hoy, Miguel! Hindi ako uto-uto. Your just fvcking silly kaya akala ko, Okay na tayo! Kung akala mong mauuto mo ako uli, sasabihin ko na sa'yo ngayon na, Hinding-hindi mo na ulit mauulit yun!" Binitawan ko siya. Umalis ako dun baka sapian pa ako ng masamang espiritu.
--
"Ano nanaman bang pumasok diyan sa isip mo at pumunta ka doon?!" Pagsesermon saakin ni Audrey. "Wala naman akong ginawang masama." Sagot ko.
Binagsak na lang ni Audrey yung pagkaing dala niya, kasalukuyan kaming nasa Canteen ngayon at halatang alam nilang lahat kung ano ang ginawa ko. "Alam mo naman kung anong mangyayare pagkatapos ng ginawa mo diba? Kaira, pwede kang pag-initan ng lahat ng tao dito. Lalo na ng mga babae." mahinahong sabi ni Audrey, sanay na ako na ganito si Audrey saakin, more on 'Ate' ko na talaga siya.
"Teka nga, nac-Cr ako, Excuse me" sabi ko, sa totoo lang kahit sanay akong ganito sila saakin. Minsan di ko pa din mapigilang mainis. Lahat na lang ba ng ginagawa ko Mali? Kaya ako pumuntang Cr kasi gusto kong mapag-isa. Wala namang mali doon diba? Sila nga dapat ang may Mali. Bakit ako pa? Habang papasok ako ng CR naririnig ko yung mga bulungan ng mga babae. Hanggang sa nakabanggaan ko si Samantha, yung babaeng pumalit saakin sa Cheerleading. "Look who's here." Sabi niya na may maarteng tono. Kasama niya kasi yung mga alipores niya.
Nginitian ko siya, sarkastikong ngiti. "Oo, ako. Ako ang nandito, tabi nga diyan." tinulak ko siya patabi para naman maka-daan ako. Nai-ihi na ako e. Eeksena pa siya?
"Aba! Wala ka talagang takot ah? Halika nga dito." Sinabunutan niya ako palabas, sa pagkakasabunot niya saakin parang nawala sa pantog ko yung ihi ko e. Ang sakit ng ulo ko, palibhasa malaking babae.
"Leave It to me girls.. Ano? Palaban ka diba? Edi, labanan mo'ko. Not unless natatakot ka." Gusto kong lumaban pero para saan pa? Alam ko namang ako pa din ang lalabas na may kasalanan dito kahit na alam kong siya ang nauna. Sobra na siguro yung galit nila saakin dahil binabangga ko yung pitong yun. Wala naman akong pinagsisisihan dun e, Dahil alam kong ako ang Tama.
Aktong tatayo ako ng bigla niya akong sampalin. Napakalakas na sampal. "The fvck!" sabi ko. Wala na akong ibang nasabi kasi nanghihina na ako, sinunod-sunod na kasi niya yung mga pananakit niya saakin. Naiiyak na ako sa sakit, palaban ako, pero di ko alam kung bakit di ako makalaban ngayon.
malabo na ang nakikita ko dahil sa mga luha sa mata ko. Onti-onti na ding dumarami yung mga tao sa palibot namin, chini-cheer nila si Samantha sa ginagawa niya. Dumudugo na yung Ilong ko, di ko na talaga kaya hanggang sa "Sam! Itigil mo yan." di ko siya nakita, kung sino man siya, salamat sakanya, sa puntong yun, nawalan na ako ng malay.
--
Dumilat ako at nakita kong nasa clinic ako. "Kai? Kamusta ka?" bumungad agad saakin si Leah, Chloe at Audrey. Pinilit kong tumayo pero pinigilan nila ako. Hindi daw makakabuti sakin, dahil paniguradong sasakit lalo ang ulo ko. "Sino nagdala saakin dito?" tanong ko. "sa totoo niyan, si Dale ang naabutan namin dito e." sagot ni Chloe.
"Asaan siya?" tanong ko. Kung may aasahan man ako sa mga ganito, alam kong si Dale lang yun dahil siya lang ang kaibigan kong lalake. Sakto naman nung tinanong ko kung nasaan siya, bigla siyang pumasok sa kwarto. "Gising ka na pala." sambit niya. Pinaliwanag niya na kailangan daw ako ilipat sa Ospital mismo kasi na-sprain daw yung ankle ko, tsaka may leg cramps daw ako. Walang masyadong gamit ang clinic namin kaya kailangan talaga akong ilipat dun. "Alam na ba to ni Papa?" tanong ko habang inaalalayan nila akong makaupo sa Wheelchair.
"Alam na ni Tatay. Pupunta siya pagkatapos niya sa trabaho. Alam naman na niyang ililipat ka namin sa Ospital malapit sa subdivison niyo e" sagot ni Dale. Hindi ko na alam ang gagawin ko, kahit na alam kong kasama ko sila Leah,Audrey, at Chloe at pati na din si Dale. Feeling ko di pa din ako komportable dahil di ko kasama si Mama't Papa.
Di rin nagtagal nakarating din kami sa ospital. First time ko dito, dahil simula bata pa lang ako, di pa ako nao-ospital, Ngayon pa lang. "Dale, Gaano ako kalala? Bakit kailangan umabot sa ganito?" Lumuhod si Dale, para maging pantay na kami. "Hindi ka malala, Alaga. Sadyang nasobrahan lang si Samantha sa pananakit sa'yo kaya na-sprain yung ankle mo dahil sa pagkakaupo mo habang sinasaktan ka niya." Napakorteng kamao na lang bigla yung kamay ko. Naiinis ako, gusto ko syang gantahin pero para saan pa? Ako din naman ang lalabas na masama. Pinasok na nila ako sa Examination Area para i-check yung ankle ko tsaka yung legs ko. Para na din siguro, gamutin yung mga ibang sugat ko na hindi nagamot ng clinic. Sa puntong yun, nakaramdam ako ng antok aat agad akong nakatulog. Wala dapat akong ipagalala dahil alam kong hindi naman ako iiwan nila Dale.
Bakit nangyayare to saakin? Wala naman akong ginagawang masama, ako pa talaga 'tong napupuruhan ng sobra.
BINABASA MO ANG
Almost...Perfect [Revisions]
Fanfiction❝ too much happiness 'causes too much pain ❞ ㅡ a cliché love story wherein two person met unexpectedly, and eventually fell in love Kaira Mendez, the cheerleader and Dylan Miguel, the basketball captain never thought that they would actually fit ea...