Chapter FiveKanina pa akong kinakatok nina mama pero hindi ko binuksan. Ilang minuto na rin silang ganoon. At ilang minuto na rin akong nagpapanggap na natutulog dito.
Mas hinagkan ko pa ang kumot sa mga braso ko. I will miss Mikael. Tiningnan ko ang orasan. Nine am na. Mamayang twelve noon ang flight ni Mikael. Dapat ay ihahatid namin siya. But I don't want to come.
"Baka napagod talaga yan kahapon. Kaya hindi makagising." Narinig kong sabi ni kuya.
"Gising na yan. Tamad lang talaga." Si mama yun. Kinatok niya na naman ang pinto. "Hoy Elena! Hali na't mahuhuli si Mikael--"
"No, it's okay tita. She's really a heavy sleeper. I'll just text her." Mikael.. You know I'm not a heavy sleeper. Alam mo ring gising na ako kanina pang alas singko.
"No, it's not okay, Mikael--"
"Ma, tumatakbo ang oras. Hali na." Nagmamadaling sabi ni kuya.
Narinig ko na ang mga yapak nila palayo. Hindi ako gumalaw. Good. Tantanan niyo ako! Gusto kong mapag-isa. Mag-iisa na naman ako pagkabalik kong Manila kaya huwag niyo akong sanayin na umaaligid kayo sa akin!
Tumayo ako at tumungo sa bintana. Nakikita ko sila na abala sa garahe. Nandoon pa sina mama at kuya pero pumasok ulit sa bahay, kaya't si Mikael na lang naiwan sa labas. Humilig siya sa sasakyan, at dinungaw ang kanyang cellphone.
Texting her again?
Nakita kong inilagay niyo ito sa kanyang tenga. Oh you're calling her? Okay. Fine.
Napalingon ako nang narinig kong tumunog ang cellphone ko sa side table. Fuck. Parang natutuwa ako na naluluha. He really wants to say goodbye!
Pero ayoko nun! I hate goodbyes! I fucking hate them because they're an absolute torture, lalong-lalo na kapag hindi ikaw ang nagpapaalam kundi sila. Mas okay na sa aking ako ang may hawak ng final say. Hindi na inuunahan nila ako.
Lumapit ako at tiningnan ang screen na may mukha niya. Accept or ignore? Accept or ignore? Shit! Hinintay kong dumilim ulit ang screen nang namatay ang tawag, pero agad naman itong nasundan ng susunod niyang mga tawag.
Kinuha ko ang cellphone ko at tumingin ulit sa bintana. Nandoon pa rin siya, nakahilig sa sasakyan, nasa tenga ang cellphone, at ngayon ay hinihilot na ang kanyang ulo.
I am so stupid. Of course, I should be formal. I should be cool with him. Dahil kung ganito ako aasta, it means I'm giving him mixed signs, and I'm giving him choices: to stay or to leave.
Dapat umalis siya. Aalis siya and may closure galing sa akin. Shit.
Nagpalit ako ng damit at itinali ang buhok. Nag toothbrush ako, naglagay ng konting powder, at binuksan na ang pinto. Nagulat ako nang nakita ko si kuya roon, nakasandal lang sa dingding na hinihintay akong lumabas.
"Finally!" Aniya at tinalikuran ako. Sumunod ako sa kanya pababa ng hagdan. Damn, I'm really going to see Mikael leave.
Nadatnan kong tumayo si mama habang dala ang kinainan niyang plato. Nilingon niya kami at kumunot ang kanyang noo sa akin.
"Ba't ang tagal mong nagising? Mahuhuli na si Mikael--"
"Sorry. Hindi ko narinig." Dumiretso ako sa mesa at kumuha ng isang loaf bread. Uminom din ako ng gatas at tinungo ang garahe. Mabilis ang mga yapak ko pero parang akong lumulutang at bumabagal dahil sa pagkumbinsi ko sa sarili kong dapat ay maging cool ako. Ilang beses kong binasa ang labi ko at napalunok nang nakita ko na si Mikael sa sasakyan. May kausap na siya ngayon. Probably the girl he'll come home to. Lucky girl.
BINABASA MO ANG
Wildest Dreams
General FictionElena Coroña is a girl going wild for her dreams. May it be wealth, books, and fame. Until she found herself chasing only one of the wildest: Mikael Khuat. Complete! Chapters: 55 out of 55. Enjoy! -Rose Cabañero-