Chapter Seven

154 5 0
                                    




Chapter Seven


"Baby..."

"What? Ano ba, Mikael." Suminghap ako at ginulo ang buhok. Kailangan ko na sigurong magpaputol.

"Are you okay?"

"Oo naman. Can you please stop calling or texting me?" Naiirita pa rin ako dahil kapag naririnig ko siya, naaalala ko yung nangyari sa banyo. Nakakainis. Siya pa talaga ang nakakuha. I thought my first was gonna be worth it. He was good, but doesn't mean I want to do it already. Ngayong nakatikim na ako, hindi ko mapigilang mapag-isipan yun at hanap-hanapin.

May dumaang lalaking medyo makisig sa harap ko. Naamoy ko agad ang bango niya. Napatingin siya sa akin pero kinunot ko kaagad ang noo ko. What the hell!

"I'm just concerned."

Concerned about what?

"Mikael, let's go! It's so hot here!" Boses ng babae. Si Shania yata yun. Napairap ako at binaba ko na kaagad ang cellphone. I will never be jealous. Malayo na siya. Silang dalawa. Hindi ako maaapektuhan.

Inayos ko muna ang ekspresyon ko bago bumalik sa table. Nakita kong nagsitayuan na sila. Tama nga pala, may curfew pa sila.

"Excuse me," sabi ko sa isang waiter at hiningi na ang bill.

Umalis kami agad at pinasakay ko na sila ng taxi. Sinagot ko na ang pambayad nila. I am never selfish if I have more money than I need.

Kumaway ako sa kanila. Miss ko pa rin sila. Babalik ako bukas para bisitahin sila.

"Bye, Elena! Ingat!" Sabi ni Heart sabay flying kiss.

"Balik ka bukas?" Tanong ni Kristine.

Tumango ako. Wala naman akong gagawin. I came home for them, anyway.

Nang nakaalis na sila ay luminga-linga ako. Hindi pa siguro naka-out sa duty si kuya. Sasabay na lang ako sa kanya pag-uwi.

Pumasok ako ulit sa mall at lumabas sa may fountain court. Tinahak ko ang daan papunta sa Park Inn hotel. Pinagbuksan ako agad ng pintuan at pumasok na ako. Niyakap ko ang sarili dahil mukhang nag s-snow na rito sa lamig.

Sa may R&B dining area ay may kumakain. Tatlong pamilya. Tahimik pa rin. May kumakanta sa may platform. Natatandaan ko tuloy yung birthday ko rito.

Pumunta ako sa front desk. Hindi ko namumukhaan ang babaeng nasa likod nito. Wala akong kakilala sa staff nila ngayon. Nagpalit na ba agad?

"Excuse me. I want to ask for my brother, Rainier Coroña, please." Sabi ko.

Tumango naman siya. "Yes, ma'am. Hold on a sec." At inangat ang telepono sa kanyang tenga.

"Sister mo po, sir." At tumawa siya. Baka naman close sila ng isang ito. Tumango siya ulit. "Okay, okay, sir."

Bumaling siya sa akin. "Ma'am, sabi po ni Sir Rainier, ipapadiretso ko po raw kayo sa dining area." At may sinenyasan siyang waitress. "Lalabas na po raw siya in a minute."

Sumunod na lang ako. Buti na lang ay nag-withdraw ako. Gusto ko yatang kumain ulit. Na-miss ko na ang paborito kong mashed potato rito. Kahit na yun lang at dessert.

Umupo ako sa pinakadulo, pinakamalayo sa mga pamilyang kumakain. Binigyan naman ako ng menu nung waitress. Bumalik siya sa bar. Mamamaya na ako mag o-order. Bagong kain ko lang pero gutom pa rin ako. Baka malapit na ang dalaw ko.

Mamaya ay nakita ko nang lumabas si kuya. Naka white t-shirt nalang siya ngayon at may dogtag siyang suot. Baka tinanggal niya na ang uniform niya.

Wildest DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon