Chapter Twenty-Five

97 7 1
                                    





Chapter Twenty-Five


If smiling was a crime, then Mikael would be arrested.

Bumagsak ang puso ko sa ngiting ibingay niya sa akin. Hindi ito nagtagal. Lumipat din kaagad ito kay Yoshef, na ngayon ay mas idinikit pa ang sarili sa akin.

My grip on his arm tightened, because of that smile. I've never seen a devil, pero nung nakita ang ngiting yun sa kanya kanina, ay tila nilamon na ako ng impyerno.

Yoshef is my only support now. Kahit na wala siyang kamalay-malay kung para saan. Mukhang hindi kasi ako makaayos ng tindig sa Mikael na nasa harapan ko ngayon.

"Yosh!" Maligaya niyang bati kay Yoshef.

Medyo lumayo ako nang nakitang gusto nitong mayakap ang kapatid, pero nang ikakalas ko na sana ang hawak ko sa braso ni Yoshef ay hinawakan niya naman ito at ipinirmi lang roon.

Napatingin ako sa kamay ni Yoshef na nakapatong na sa akin ngayon. He's telling me not to let go.

Nilingon ko si Mikael, and his glare at our hands didn't escape my sight. Kita ko ang pag-igting ng panga niya at tila pagbabanta ng mga mata niya. Hindi ito nakatakas sa mga mata ko. Kahit na ilang segundo lang itong dumaan.

It was there! Now it is replaced by an even wider smile.

"Kuya!" Sabi ni Yoshef.

Habang nakakapit pa rin sa braso ni Yoshef ay nagyakapan ang dalawa. Mikael patted Yoshef's back. Tiningnan ko siya, pero hindi niya lang man binalingan ang direksyon ko.

Kailangan pa siyang sabihan ni Yoshef.

"Kuya, this is Elena." Hinawakan na naman ni Yoshef ang kamay ko na nasa braso niya. He patted it lightly, like he's assuring me. "Elena, this is my stepbrother, Mikael Khuat."

Matigas ang tingin ni Mikael sa akin. At hindi ko nagawang ngumiti sa kanya kahit na tumambad siya ng pekeng ngiti. Don't fuck with me, Mikael. Don't look at me if you don't want to!

Tinaasan niya ako ng kilay. "I can see that she's really pretty. Is she your girl, huh?" Tanong niya kay Yoshef.

Umiling si Yoshef at tumawa. "She's a friend." Tiningnan ako ni Yoshef na may ngiti sa kanyang mga mata. "A special friend."

Napatawa rin si Mikael. Slowly, his index finger pointed Yoshef and mine's hands. "Friends, huh?" At ibinaba niya naman kaagad. He smiled at his brother. "We shall meet your special friend later at dinner, then."

At dumiretso na siya. Maraming bumati sa kanya. Halos lahat ng mga tao sa sala ay pinalibutan na siya.

Wow, Mikael. Acting like you don't know me? I can play that game better.

Pero, parang nawala na yata yun sa akin ngayon. Hindi ako makaramdam ng angas at tapang. I feel hopeless! Desperate! I feel weak!

"Sorry sa kuya ko." Ani Yoshef na mukhang guilty pa. "He's kind of intimidating."

Ngumiti ako. "Okay lang."

"Well, he called you pretty. Big deal na yun, coming from a successful man like himself. Diba?"

Sapilitan akong tumango sa tanong niya. I can't agree with him. That remark was nothing compared to his compliments before. I used to be his world. He used to look at me like I'm the most beautiful diamond. Pretty? That's an insult coming from a successful man like himself, Yoshef.

If only you know.

Umirap ako. "Hali ka na nga. Gutom na ako."

So this is how it feels like to fake your feelings. Nakakapagod. Lalo na kapag alam mong malungkot ka pero pinipilit mong maging masaya. Para kang nagbubuhat ng mabigat na bagay pero sinusubukan mo pa ring ngumiti dahil gusto mong palamunin ng buo ang pride mo. Gusto mong makita ng mga tao na malakas ka't hindi nanggugulay.

Wildest DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon