Chapter Nine

119 4 0
                                    





Chapter Nine



Hindi muna ako babalik sa school for a week. Busy kasi sila. Ayaw kong maabala at ayaw ko ring sumama sa mga group discussions nila. Hindi naman ako nakaka-relate.

Kaya't naghanap nalang ako ng mapaglilibangan sa loob ng hotel. Plano kong mag gym pero next week na lang ako magsisimula. For this week, gusto ko munang i-exercise ang aking artistic side. Baka kasi makalimutan ko.

Kaya dumiretso ako sa National Bookstore sa SM. Bumili ako ng Secret Garden na coloring book. Uso kasi yun ngayon. Pampatanggal daw ng stress. Since mukhang ma s-stress ako dahil mag-isa ako for a week, this will be a big help.

Bumili na rin ako ng coloring pens.

Aalis na sana ako pero dumiretso pa ako sa loob ng Forever 21. Bumili ako ng tatlong damit na sleevless at crop tops. I'd rather wear loose shirts ngayon, pero matagal na since nung nakasuot ako ng mga ganito. And I miss it. I will rock these. Mag g-gym din naman ako next week.

Yun lang ang ginawa ko buong linggo. Tumutunganga ako sa loob ng suite ni kuya na walang telebisyon. Tapos natutulog. Kumakain. At naiirita sa mga pangungulit ni Mikael.

Tomorrow will be Sunday. Mag g-gym na ako!

Pagkagising ko ay dumiretso ako sa baba para kumain ng breakfast. Buffet ang breakfast. Umupo muna ako at dinungaw ang cellphone ko.

May texts na naman si Mikael at tatlong missed calls.

Mikael Khuat: baby sleep now.

Mikael Khuat: good night baby. I know you don't want to talk. I understand.

Mikael: remember what I said. Tell me if you feel anything unusual.

Bakit ba lagi niya na lang ipinagdidiinan yun? Inaabangan niya bang magkasakit ako o ano? Ang sahol naman. Kung magkakasakit man ako, hindi niya na malalaman yun. I will never say it. Malayo naman siya. Wala siyang ideya kung madapuan man ako ng dengue rito o ano.

Tiningnan ko na ang paligid. May mga Chinese na kakalabas lang ng elevator at dumiretso rito para makakain. Dinumog nila ang buffet table.

Mamaya na lang akong kukuha kapag wala nang tao.

Medyo matagal pa bago akong tumayo at kumuha ng pagkain dahil may mga sumunod pang mga tao na kumain ng agahan. Kaya't laging may taong nakaaligid sa mesa. Ayaw kong may taong titingin sa akin kapag lumapit ako o may kukunin ako sa mga pagkain. Nakakilang kahit normal lang na gawain yun.

Kumalam ang sikmura ko at hindi ko na natiis. Tumayo na ako at tinungo ko na ang buffet table. Medyo nayamot pa ako, pero nawala rin nang nakita ko na si ate Kate na nakatayo sa may bandang roon. Dumapo ang tingin niya sa akin at ngumiti siya.

"Ate Kate!" Niyakap ko siya. Parang may gusto akong sabihin sa kanya na hindi ko alam. Pumulupot ang tiyan ko sa kaba.

Hinimas niya ang likod ko. "O, kumusta na rito?" Tanong niya.

"Okay lang." Tiningnan ko ang buffet table. "Kumain ka na?"

Tumango siya. "Oo. Sa bahay pa."

Three years na silang magkarelasyon ni kuya. At sa loob ng three years na yun, lagi akong napapatanong sa sarili ko kung nagawa na ba nila 'yun'. Nakikita ko silang naghahalikan pero smack lang yun. Malamang dahil nakakaasiwa naman ang PDA. Pero I'm sure they're going somewhere, right?

Pero sa tingin ko, hindi pa naman nagagalaw si ate Kate. Medyo may hiya pang nababalot sa pagitan nila ni kuya. Kapag daw kasi'y nagawa na ng babae't lalaki 'yun', napaka-kumportable daw dapat nila sa isa't isa. Pero sila, medyo may hiya pa rin.

Wildest DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon