Chapter Fifty-Two

81 6 0
                                    






Chapter Fifty-Two


"Elena Cassandra T. Coroña."

At nagpalakpakan ang mga batchmates ko.

Huminga ako ng malalim at ibinalandra ang ngiting noong isang buwan ko pang ineensayo sa harap ng salamin.

Mahirap palang magpanggap na maging masaya. Lalo na kapag durog na durog ka. Literal na durog, na pati'y kaluluwa mo'y nahihirapan.

I ended up not throwing away the ring. Instead, bumili ako ng kakulay niyang chain, at isinuot ito sa leeg ko.

I promised, that someday, I get to remove it from its choke. Kapag magiging masaya na ako, doon ko na kakalimutan ang lahat.

Mikael is a good memory. I will not throw him away or shut him out. Because I learned a lot when I was with him.

He taught me to grow up. Kahit na hindi direkta yun. And he taught me, na nasa huli ang pagsisisi.

The pain is still fresh. Ano ba naman ang magagawa ng isang buwan? Hindi ko muna pipilitin ang sarili kong makalimot. It will come. Everything has their own time.

Umakyat na ako sa stage. Finally, I'm moving up to grade eleven next school year. I can feel it. Ramdam ko na ga-graduate ako ng high school. And I can finally proceed to college.

I am planning to be a Physical Therapist. Or maybe Occupational. May relative kami sa New York, at aniya'y willing siyang kupkupin ako pagtungtong ko ng kolehiyo para doon na ako mag-aral.

I was enlightened by the offer. Because finally, I get to step out of the tropics.

Tinanggap ko ang aking diploma at nag bow na pagkarating ko sa gitna. Cameras feverishly flashed, at bumaba na ako.

I got honors. Buti nalang at nakaabot pa ako sa lista ng First Honors. All thanks to Yoshef. Para na rin akong nag ch-cheat dahil lagi akong nagtatanong sa kanya tungkol sa mga lessons nila last year. May benefits pa rin pala ang pagkakahuli sa mga kaibigan mo.

Pagkatapos ng program ay dumiretso na ako sa pamilya ko at sa mga kaibigan ko. Tinanggap ko ang mga yakap nila't puri.

"Finally! Squad goals na talaga tayo!" Sabi ni Stephanie at inilabas niya ang kanyang camera.

Pagkatapos ng pag picture ay dumiretso na kami sa restaurant ng Park Inn. Manlilibre na naman si kuya sa amin.

Wala si ate Kate ngayon. Malapit na siyang manganak. Nasa ospital na siya kasama ang kapatid at tita niya. I'm planning to stay with her tonight.

Pagsapit ng gabi ay sumabay na ako kay kuya sa ospital. Namataan naming tensyonadong nakatayo si ate Kate habang nakakapit sa kama.

Tumakbo kaagad si kuya patungo sa kanya. Naghihingalo si ate Kate habang hinihigit ang damit ni kuya.

"Ba't ang tagal mo!" Sigaw niya.

Napatawa na lang ako.

Ate Kate brought baby Kara to the world after a week. Ako pa ang nagpangalan dahil yun daw ang gusto ni ate Kate. Instead of thinking outside the box for a good name, ay minabuti kong tingnan ang nasa loob ng kahon. I combined ate Kate and kuya Rainier's first syllables. At least, sila talaga ang pinagmulan ng pangalan, kaysa naman galing sa iba. What else are you looking for kung nandiyan naman silang dalawa?

As for summer, pinili ko na namang mapag-isa. Pupunta raw sina mama at papa sa probinsya. Sina ate Kate ay dito muna sa ospital dahil magpapagaling si ate Kate dahil na C-section siya.

I booked a flight to Manila. I just feel like going back. I am officially signing off as a freelance writer kay Mrs. Consolacion.

Wildest DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon