Chapter TenNagpaalam muna ako kay kuya na magsisimba lang ako. Tumungo ako sa front desk. Nandoon pa rin yung babaeng nakausap ko nung last time. Ngumiti siya sa akin.
"Good morning, ma'am. What can I help you with?"
"Can I see my brother? Sa office niya?"
"Oh, I'm sorry ma'am pero mga working employees lang po ang makaka-access sa office nila." Medyo nahiya pa siya sa pagtanggi niya sa akin.
Oh yeah, right. I forgot. "Uh, pwedeng pakisabihan na lang siya na magsisimba muna ako?"
Tumango naman siya at kinuha na ang telepono. Kausap niya na si kuya at medyo binaba niya at hinarap ako.
"Ma'am, magpapahatid po ba raw kayo? The hotel car is available."
Hindi ko alam kung gusto ko ba yung ideya na yun. The last time kasi, nung hindi pa general manager si kuya, ay naging abusado raw yung naging una nilang manager. Lumalaki raw ang gastos nila at ginagawang own service ang hotel car.
Napangiwi ako at napakamot sa ulo. Tinatamad din akong mag-drive at ayokong mag-abang ng taxi.
"Okay lang ba yun?"
Mas lumaki ang ngiti ng babae. "Yes, of course, ma'am! You are an exclusive guest here."
Kaya naman ay iginiya na ako ng isang guard papunta sa itim na hotel car ng kotse. Pumasok agad ang driver at ipi-nark ito sa harap ko. Pinagbuksan ako ng guard at nagpasalamat ako.
"Kuya, sa Redemptorist Church po." Ani ko sa driver.
Tumango naman ang driver. Medyo matanda na siya.
Pinalakasan niya ng konti ang aircon at pinausad na ito sa kalsada ng J.P. Laurel.
Nang nakarating na kami ay bumaba na ako. Tinanong niya ako kung maghihintay pa ba raw siya. Kinuha ko na lang ang number niya para matawagan ko kapag kailangan ko na.
Pumasok na ako sa loob ng simbahan. Bago pa lang nag alas tres kaya't medyo wala pang tao at nag rorosaryo pa ang mga servers. Naka dark blue sila.
Umupo ako sa bandang matatamaan ng electric fan na nakasabit sa taas. This church is still the same. Mga glass figures, glass windows na may events sa Bible. Nadagdagan lang yata ng mas maraming electric fan.
Umupo lang ako at luminga-linga. May mga pumapasok na. May mga ibang nakaupo rin na pinagtitinginan ako. Hindi ko alam kung dahil kilala nila ako o dahil pinag-uusapan nila ako. Nakita ko yung isang babaeng hindi naman maganda na inirapan ako at may ibinulong sa katabi niya. Hinawi niya ang buhok niyang flat na flat dahil sa rebond.
Nakakainis! Akala mo naman lahat ng mga nagsisimba, anghel na. Demonyo pa pala. Natutubuan tuloy ako ulit ng sungay.
Nang mag 3:30 na ay medyo puno na ang mga upuan. May tumabi na sa aking isang babae na may dala-dalang sanggol. Sumunod naman ang asawa niya yata. Marahan niyang inaalog sa bisig niya ang batang tulog na tulog. Napatingin ako sa kanila, hanggang sa hinarangan ng isa pang lalaki ang paningin ko.
Umupo sa tabi ko ang naka itim na polo at puting pantalon na lalaki. Tumikhim siya at hinawi ang medyo mataas niyang buhok kaya't medyo magulo itong tumayo. Medyo shaved pala ang ibabang parte ng buhok niya. Bagay sa panga niyang halos makahiwa ng balat ng tao.
Diretso lang ang tingin niya sa altar ng simbahan. Matagal pa bago ako nakabawi at umayos sa pagkaupo.
May isa pang mag-nobyo na umupo sa kaliwa ko kaya't mas napausog pa ako ng husto sa tabi ni Yoshef. Hindi lang man siya gumalaw nang nagtama ang tuhod ko sa tuhod niya. Medyo nakabukaka ang mga paa niya kaya napilitan akong ipagdikit ang mga hita ko para may espasyo pa sa pagitan namin. Medyo nairita tuloy ako sa braso ng babaeng katabi ko na tama ng tama sa akin dahil nakikipagharutan sa boyfriend niya. Tss.
BINABASA MO ANG
Wildest Dreams
General FictionElena Coroña is a girl going wild for her dreams. May it be wealth, books, and fame. Until she found herself chasing only one of the wildest: Mikael Khuat. Complete! Chapters: 55 out of 55. Enjoy! -Rose Cabañero-