Chapter Twenty-Four

114 4 0
                                    





Chapter Twenty-Four



Why is he here? Bakit siya nandito? Kung kailan gusto kong hindi siya makita, doon din siya magpapakita.

I admit, I liked the fact na nandito siya. Pero nung hindi niya lang man ako pinansin ay gusto kong maiyak. I expected things differently and now I'm upset!

Medyo mabagal ang pagbaba ko dahil nag-eexpect pa rin ako.

Come on, Mikael! Stop me!

"Wait!" His voice cracked sa isang salita na 'yun.

Naramdaman kong nagdiwang ang loob-looban ko.

Tumigil ako sa paglalakad para maabutan niya ako. Narinig ko ang mga yapak niya pababa. Mabibilis yun.

Nakatalikod ako sa kanya kaya't hindi ko na namalayang nasa likod ko na siya, at nagulat ako nang hilahin niya ang braso ko.

Napaharap ako sa kanya, at tila kiniliti ang tiyan ko sa nakita. Bumaliktad ang pag-iisip ko. I let my body decide, as I unfolded my fingers and let them crawl on the cloth of his polo.

Tumigil ako sa siko niya. Now we're holding each other arm to arm, like any of us will fall any second.

Suminghap siya at pinikit ang mga mata. Tiningala ko lang siya.

Two months made you even more attractive, Mikael. And stronger. Ramdam na ramdam ko ang biceps niyang mas tumigas kumpara nung noon na nahahawakan ko pa siya.

Why did I even let you go?

Mas humaba ang buhok niya, and the top slightly curved, kaya't mas manly siyang tingnan. Ginulo niya pa ito. He looks like he's been from a rough night.

Tiningnan niya ako, at napakurap ako. His eyes were like soft metal, na akala mo ang tigas pero napapatupi kapag nahawakan.

Magsasalita na sana siya, pero hindi na natuloy dahil bumungad ang boses ni Yoshef galing sa baba.

"El?"

Hindi siya mag-isa. Umalingawngaw din ang boses ni Heart.

"Baka nawala na Yoshef! Diba stairs lang ang nandiyan? Baka sa ibang parte na yun ng bahay." Sabi ni Heart.

Hinihintay ko lang na makita ko sila sa hagdan, pero mukhang hindi na yata matutuloy dahil narinig kong tumigil ang mga yapak nila.

"Are you kidding?" Angal ni Yoshef.

"Anong kidding?! Excuse me! Tinutulungan lang kita rito okay?" Pasigaw na sagot ni Heart.

Baka mag-aaway na naman sila dito.

Akala ko ay naghihintay lang si Mikael na magpakita sa dulo ng hagdan, pero nang nilingon ko siya ay nagkamali ako. Dahil sa akin lang siya nakatitig, na tila walang naririnig, at walang takot na makita kaming magkahawak.

There is nothing wrong with our position right now. Pero it feels wrong, lalo na kapag makikita ni Yoshef at Heart. Maaaring kilala siya ni Yoshef kaya't narito siya ngayon. Si Heart, siguro kikiligin yun nang walang hiya-hiya.

"Diba stairs na yan diyan?! Hindi naman yun aakyat nang walang permiso, hoy!" Sigaw ni Heart. Her voice is fading. And so is Yoshef's.

Binitawan ko ang braso ni Mikael, pero mas humigpit lang ang kanya sa akin. Pinandilatan ko siya. It's like he's telling me not to say a word.

Pero umiling ako. I don't want to be with him for now.

"Heart! Yoshef!"

Marahas akong binitawan ni Mikael. Ginulo niya ang buhok niya at iniwan ako roon. Umakyat siya sa ikalawang palapag at narinig ko ang pagbukas at malakas na pagsarado ng pintuan.

Wildest DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon