Chapter FortyMas maaga umalis si Mikael ngayon kumpara noon mga nakaraang araw. Sabi niya'y kailangan niyang punatahan isa-isa ang mga branches ng business nila.
Tumango naman ako. I did the usual routine. Cook for him. Pero ngayon, I cooked for Yoshef too.
Tulog pa siya. Buti naman. Maybe I should just disappear. Mag g-gym ako bago pa siya magising. Because if I stay here, dalawa lang: we'll talk, or we'll be coated with complete silence.
Nang umalis na si Mikael ay agad kong napagpasyahang maligo na muna. Kaya't tinahak ko ang distansya papunta sa aming kwarto, praying that Yoshef won't wake up.
But God didn't listen.
Biglang bumukas ang pintuan at bumulaga si Yoshef.
Judging from his face ay wala akong nakitang bakas ng antok doon. He must have been awake for hours now! But then he didn't get out of the room right away?
May kutob na kaagad ako. Tumalon ang puso ko. Realization hit me in the face.
He planned this! He woke up hours ago! At hinintay niya lang na makaalis si Mikael para masolo niya ako.
Halos tumakbo na ako papunta sa pintuan, pero pinigilan niya ako. Hinawakan niya ang dalawa kong braso at ipinirmi sa kinatatayuan ko.
"Yoshef?" Tanong ko.
His eyes expressed anger. Na para bang nabasa niya ang isip ko, na ayaw kong makipag-usap sa kanya. Na iniiwasan ko siya.
Napailing siya. "Iniiwasan mo ba ako?" Tanong niya.
Napatawa naman ako at napalunok. Bakit ba alam niya na lang lagi?
"H-hindi! Bakit ko naman gagawin yun?"
"Then why are you running?"
Umiling ako. "Naiihi na kasi ako. Kaya pwede ba, pwede bang mag-CR muna ako? Hindi ko na mapigilan."
Mukhang napaniwala ko naman siya sa palusot na yun. Reyna na ako ng kasingunalingan. Maraming naniniwala sa mga paluslot kong walang kwenta.
Tumango siya at binitawan niya ako. Hindi na ako nagdalawang-isip na umalis agad. Pumasok ako sa loob ng kwarto namin ni Mikael at malakas na isinarado yun. I even locked the door, dahil wala na akong planong lumabas pa hanggang sa makauwi si Mikael.
I sat on the floor, my back on the door. I can't just lock myself up in here. It's a stupid move! Talagang kukumpirmahin ko lang na iniiwasan ko nga siya.
And he'll ask why, for sure. At ano namang sasabihin ko? Na ang awkward dahil nagkagusto ang magkapatid sa akin? Na ramdam kong gusto niya parin ako at awkward dahil kaming dalawa lang ngayon?
Biglang may kumatok at napatalon ako.
"El?" Boses ni Yoshef.
Napapikit naman ako at tinabunan ng palad ko ang aking labi. I can do this. I can lock myself up in here until Mikael comes home. Umuuwi si Mikael kapag pumatak na ang alas syete. Madalas ganon.
It's now 7 am. I'll just have to wait until seven in the evening. This is stupid, pero ayaw ko talagang harapin siya. There is something about him na alam kong ayaw ko nang makita pa. I want him to disappear. Let me move on first before I accept him back as family.
Pinakinggan ko lang ang mga nangyayari sa labas. I heard the kitchen faucet, the dishes, then his footsteps. Nang napadaan siya sa bands ng pintuan ko ay napapikit na naman ako.
I know he stopped. And I think he will knock again and will call out my name.
Pero nang narinig ko na ang paglagpas niya at ang pagpasok niya sa kwarto niya ay napahinga ako ng maluwag.
BINABASA MO ANG
Wildest Dreams
General FictionElena Coroña is a girl going wild for her dreams. May it be wealth, books, and fame. Until she found herself chasing only one of the wildest: Mikael Khuat. Complete! Chapters: 55 out of 55. Enjoy! -Rose Cabañero-