Chapter FifteenIninom ko ang inumin sa loob ng baso. Iniiwas ko talagang madapuan ng mga mata ko ang mukha niya. Panay kasi ang titig niya sa akin.
Nabusog ako sa madaliang paglagok nung Milo at tumayo kaagad ako. Gusto ko nang umuwi.
Tumayo rin naman agad si Yoshef. "Uuwi ka na?" Tanong niya.
"Oo. Thanks sa libre." Sabi ko, tinuro ang basong wala nang laman.
Tumango lang naman siya. Kinuha niya ang dalawang empty cups at naglakad patungo sa basurahan ng mga biodegradables para itapon ito. At bumalik naman siya agad sa mesa at kinuha na ang bag niya. Ipinasok niya ang ID niya roon at pati na rin ang polo niya.
Dapat umalis na lang ako habang abala siya. Now I'm stuck with his eyes boring into me.
"Saan ka?" Tanong niya.
Sasama ba siya? Ay fuck.
"Sa SM."
"SM? Gagala ka pa? Sama ako."
Sasama siya?
Umiling ako. "Hindi, hindi. Sa Park Inn ako nakatira.."
Medyo ipinroseso niya pa yun sa utak niya, at saka tumango. "Sabay ka na lang sa akin."
Pagkasabi niya nun ay alam ko kaagad na may sasakyan siya. Sino namang magsusundo sa kanya? Baka mama pa o papa niya. Wag na!
Hindi niya na ako hinintay. Agad siyang naglakad palayo. Sumunod naman ako sa kanya.
"Yoshef, okay lang. Hindi na ako sasabay. Maglalakad ako." Lumunok ako. Nakakapagod kayang maglakad galing dito patungo sa SM!
Nilingon niya ako. "What? Sabay ka na. Okay lang."
Umiling ako. "Hindi. Ayoko."
"Ayaw mo?"
Tumigil kami sa paglalakad. "Bakit?"
I shrugged. "Gusto kong maglakad.."
Tumango na lang siya at mamaya'y may kinausap sa phone. "Oo, wag na." At nung binaba niya yun ay agad siyang tumingin sa akin. And for the first time in forever, nakita ko siyang ngumiti.
Nanginig ako dahil doon.
"Lakad tayo. First time kong maglakad." Medyo galak niyang sabi at nauna na sa paglalakad.
Medyo kulay asul na ang paligid. Malapit nang dumilim. Nakatanggap ako ng text galing kay kuya. Nagtatanong lang siya kung sasabay ba daw akong kumain sa kanya. Sa bahay daw sila kakain ni ate Kate.
Tiningnan ko ang batok at kabuuan ng likod ni Yoshef. Kahit alam kong gusto kong sumama sa kanya nang mas matagal pa ngayon, ay ayaw ko namang lubus-lubusin. Baka kasi iniisip niyang ganito ako ka-easy.
Boys will be boys. Hindi ko naman alam kung matino ba itong si Yoshef. He could be a jerk. Na pwedeng magpahiya sa akin any time. Na kapag bumigay ako agad, ay ipaglalantakan niya sa buong campus.
Who knows, right? Even if he looks like a good guy, a serious one, and a well-bred one, he's just a boy. Nothing like Mikael or any one. Iba pa ang takbo ng mga isip nila. They're still like girls in their teenage years: naghahanap ng maliit na bagay na maipaghahambog.
Nilingon niya ako dahil hindi na pala ako naglalakad sa pag-iisip. Kumunot ang noo niya at napawi ang ngiti niya dahil sa inasta ko.
Fuck. Seryoso na naman siya! Kanina, masaya yun eh! Ano ba, Elena.
"Okay--"
"Oo. Lika na." Sabi ko, at iniwasan ang mga mata niya habang nauna nang naglakad.
Nang nakalabas na kami ng gate one ay agad din kaming tumawid sa kabila para dire-diretso na ang daan patungo sa mall.
BINABASA MO ANG
Wildest Dreams
General FictionElena Coroña is a girl going wild for her dreams. May it be wealth, books, and fame. Until she found herself chasing only one of the wildest: Mikael Khuat. Complete! Chapters: 55 out of 55. Enjoy! -Rose Cabañero-