Note: remember the 'Simula' part?Chapter Fifty-Four
Fourth of May, sinundo ako ni Yoshef galing sa condo. He is wearing his tuxedo for the night.
Ako naman ay nakapang-simpleng dress lang. Sabi niya'y doon na lang daw ako mag-aayos sa venue. Dahil marami na raw'ng mabibilhan doon ng gown.
Ang bangong tingnan ni Yoshef. I just watched him as he seriously drove, his alert eyes on the road.
Napansin kong hindi siya nag-oovertake. At medyo mahina ang pagtakbo niya kumpara sa mga sasakyan sa paligid namin.
Lagi kaming binubusinahan ng mga nagmamadaling mga driver.
"Ba't ang bagal naman?" Natatawa kong tanong kahit na alam ko naman kung ano ang sagot.
Ayaw niyang maaksidente. Dahil dalawang buhay na ang dala ko ngayon.
Pero ayaw niyang sabihin nang binalingan niya lang ako, at binalik naman kaagad ang tingin sa daan.
Ibinigay niya sa valet ang susi niya. Pinagbuksan na ako ng gwardiya.
Nasa tabi ko kaagad si Yoshef.
This is where our pretense starts.
I willingly took his hand as we made our way inside the casino hotel.
Isang tapak ko pa lang sa loob ay agad nang sinalubong ng ilong ko ang bango ng City of Dreams.
If this really is the City of Dreams, I hope this place can give me my wildest dream at the moment: to get Mikael Khuat back.
Not just because he got me pregnant. But because I somehow believe that he's not over me yet. Dahil ako, hindi pa ako handang alisin siya sa buhay ko.
Because I know that he's meant to stay.
If only he can give me one more fucking chance. Just one more.
Mabilis ang pagtibok ng puso ko nang nakatapak na kami sa escalator. Mahaba ito, but it seems like time flew so fast dahil natagpuan ko na ang sarili ko sa harap ni Mikael ngayon. And beside him is a dashing Cassie Escalor, in a gold flowing dress.
Malaki ang ngiti niya sa aming dalawa ni Yoshef, habang ako naman ay halos hindi na makatingin kay Mikael, na matalim ang tingin sa akin kani-kanina.
"I'm so glad you came!" Sabi ni Cassie sa amin.
Tumango naman si Yoshef sa tabi ko at mas hinigpitan ang hawak sa kamay ko. Nakita ko ang pagdapo ng mga mata ni Cassie roon, at nanlaki ang mga mata niya sa nakita.
"You two?" Tanong niya.
Tumawa naman si Yoshef at tumango.
"Wow! Since when?"
Nagkibit-balikat si Yoshef.
"Well, I'm still courting. But I'm sure she's falling."
Uminit na ang pisngi ko sa sinabi niya. Dahil alam kong may bahid ng malisya ang mga salita niya ngayon. Because he still has feelings..
BINABASA MO ANG
Wildest Dreams
Ficción GeneralElena Coroña is a girl going wild for her dreams. May it be wealth, books, and fame. Until she found herself chasing only one of the wildest: Mikael Khuat. Complete! Chapters: 55 out of 55. Enjoy! -Rose Cabañero-