Chapter Forty-Nine

137 7 0
                                    





Chapter Forty-Nine



Parang pinipiga ang puso ko nang panay na ang pag scroll ko sa mga pictures ni Mikael.

Patuloy pa rin ang pag u-upload niya. At napapangiti naman ako kapag nakikita ko ang gwapo niyang ngiti sa mga pictures.

Pero napapawi kapag kasama niya na si Cassie.

There is something about him and her. I can't deny it. Parang ang close nila.

Magkaibigan na ba sila noon pa man? Kaya't close rin pati ang mga pamilya nila?

I looked at how Mrs. Tan laughed at every picture. May isang candid, at may mga pictures na naman na siya na mismo ang ngumingiti habang kaharap ang camera.

May picture na silang dalawa lang ni Cassie. Tapos sila na naman tatlo, kasama si Mikael.

And seeing them, it pinched my heart.

Mrs. Tan likes Cassie for Mikael. Nawawalan tuloy ako ng pag-asa. Nawawalan ng saysay ang pagsabak kong muli sa pag-aaral.

Biglang may tumawag. Si Mikael yun. Midnight na ngayon dito at tulog na sina mama.

Tinanggap ko naman kaagad.

I just listened at the background. Nakakarinig ako ng mga tawa at mga plato na ginagalaw. Pagkatapos ay may tumikhim.

Babaeng tikhim yun!

Tiningnan ko ulit ang screen. I have to make sure na kay Mikael talaga galing ang tawag.

Mikael Khuat naman ang nakalagay. Hindi mali!

But then who is this female?

"Hello?" Ani nung babae.

Nagtindigan naman ang balahibo ko. I recognized the formal tone.

It's Mrs. Tan.

"Hello?" Sabi niya ulit nang hindi ako nakasagot. "Mikael! No one's answering. Is this working?"

Hindi parin ako sumagot. Narinig ko na ang boses ni Mikael.

"That's working ma! Speak again. She must be tired."

"Hello? Elena?" Sabi na naman ulit ni Mrs. Tan.

This time, I cleared my throat. At sumagot na.

"Hello? Mrs. Tan?"

Why is she speaking to me? Ngayon pa talaga't nakaramdam na ako ng lungkot at iniisip ko na mas gusto niya si Cassie kaysa sa akin.

"Oh, hello!" At tumawa siya.

She sounds so light. Nasisiyahan yata talaga siya roon ngayon. Is it because of Cassie?

"I'm sorry. I just really wanted to greet you. Merry Christmas!" Aniya.

Ipinagaan ko ang boses ko, to sound quite happy with her greeting. Kahit ang totoo nama'y nakatitig lang ako sa kadiliman ngayon.

Hinagkan ko ang aking kumot.

"Merry Christmas din po tita!"

This is impossible. Hindi posibleng tinatawagan niya lang ako just to greet me. She has another agenda.

Is it to stop me from communicating with his son? Because she really saw that Cassie is better for Mikael?

That's fine with me now. Why? Dahil hindi naman naging matibay ang pagsasama namin ni Mikael simula nung umalis siya. Nararamdaman ko naman ang unti-unting pagguho ng relasyon namin.

Wildest DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon