Chapter Forty-Two

86 5 0
                                    





Chapter Forty-Two


Lutang ako habang naglalakad patungo kay Mikael, na ngayon ay hindi pa rin namamamalayang nakikita ko siya kasama ang babaeng iyon.

Ayaw ko siyang husgahan. Ayaw kong bahiran ng masamang elemento ang pagkatao niya. Kailangan ko lang muna siyang tanungin.

Kung sino siya. Kung siya ba yung babaeng tinutukoy ni Mrs. Tan. If they're close. Or did they just meet?

Is this all about business? What?

Nagpatianod ako sa bilis ng mga yapak ko. I don't care anymore.

Nakita kong papunta sila sa restaurant. Kaya't doon din ako dumiresto.

Para akong isang tigreng dahan-dahan na sinusuri ang pagkain ko sa bandang malayo.

Dumiretso ako sa mesa namin ni Yoshef. Napatingin siya sa akin. I saw that our food is already served.

Napaayos siya sa pag-upo. Umupo na rin ako. Pero ang mga mata ko ay nasa likod niya na ngayon, kung saan nakangiti pa rin sina Mikael habang kinakausap nung waitress.

Iginiya sila sa isang mesa sa medyo malayo na bakante.

I suddenly feel some kind of pain. Napapaisip ako sa sinabi ni Mrs. Tan. About me being very replaceable because I'm not stable.

Who am I compared to that girl? They're both working, that's for sure.

Ako? I'm just a high school girl na hindi nag-aaral.

Tiningnan ko na si Yoshef ngayon. His eyes are focused on the food.

Yoshef is good. He's the same age as me. He liked me before.

Paano kung kami nga talaga ang bagay? O baka naman, ibang lalaki na ka-edad ko. Maybe I was just rushing things, nung sinabi ko sa sarili ko na walang kaedad ko ang maygusto sa akin.

I'm still growing up. So why am I rushing things, right?

Napaangat ang tingin ni Yoshef sa akin. And worry crossed his face. Napakurap naman ako.

"Okay ka lang?" Tanong niya.

Tumango naman ako. This is nothing. Mabuti na rin siguro na hindi alam ni Mikael na nandito kami. I can just observe them from afar, and somehow accept my defeat.

Funny how I feel like giving up already. Hindi naman puro. Mababawi pa kapag pinilit.

I'm just...insecure.

"No you're not." Akusa ni Yoshef.

Ngumiti ako. "Hindi. Okay lang."

"Is this about Mikael? Kanina ko pa siyang tinatawagan pero busy yata.."

Hindi naman ako sumagot. You really have no idea, Yoshef.

"Is this about Mikael?" Tanong niya ulit na nakakunot na ang noo. He really is worried.

Umiling ako. Dapat hindi niya na rin malaman. Pero hindi naman sumang-ayon ang lintek kong matang napatingin sa direksyon ngayon nina Mikael.

At napalingon na tuloy si Yoshef dahil doon. At wala na akong nagawa nang napatayo na siya at naglakad patungo sa mesa nila ni Mikael.

I stood up too, unknowingly. Clueless of the reason. Basta na lang akong napatayo.

Nagulat pa si Mikael nang nakalapit na si Yoshef. Napatingin lang ang babae kay Yoshef. Tumayo na rin si Mikael, na tila niyayaya pa siya na umupo kasama nila.

I can just hide here. Sit again. Pero hindi ako nakagalaw nang nilingon ako ni Yoshef. Napatingin na rin si Mikael sa akin, at nanlaki ang kanyang mga mata.

Wildest DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon