Chapter Thirty-Six"Is that Yoshef?" Tanong ko kay Mikael, na ngayon ay mabilis na hinila ako palabas ng sasakyan at isinarado ang pintuan sa likod ko.
Gusto kong tumutol, lalo na nang nagtama ang mga mata namin ni Yoshef. I couldn't extract any emotions from them right now dahil malayo kami sa isa't isa at medyo natatamaan ng kadiliman ang mga mata niya.
Pero whatever he wants to convey with his eyes, ay ayaw ko na itong salubungin.
Narinig ko ang pagtunog ng locks ng sasakyan ni Mikael. Pagkatapos ay hinawakan niya ang aking kamay at hinila.
Kumawala naman kaagad ako sa kanyang hawak. He can't hold my hand in front of Yoshef!
Binalingan ako ni Mikael at pinandilatan ng mata pero hindi niya na sinubukang angkinin pang muli ang kamay ko.
Nauna siya sa pagsalubong kay Yoshef, na ngayon ay nakatayo na.
Mikael is taller than Yoshef, dahil nga mas matanda naman si Mikael sa kanya. Yoshef's just as young as me.
"Yosh." Sabi ni Mikael.
Tumango si Yoshef at tinapik niya ang braso ni Mikael bilang pagsalubong. "Magkasama pala kayo ni Elena?" At tiningnan niya ako. Ngumiti siya sa akin, and I can't smile back!
Tumango naman si Mikael. "Yes."
Nilingon ako ni Mikael, at iniabot ang kamay niya sa akin, but he stopped mid-way, at tiningnan naman ang kapatid niyang nasa aking lang nakatuon ang atensyon.
Ipinagdiin niya ang kanyang labi at binawi kaagad ang kamay. Nauna na siya sa pagpasok sa loob, leaving me with Yoshef. And that made me almost cry. It's like I'm watching him walk away from me.
"El, hindi ko alam na naging good friends na pala kayo ni kuya." Ani Yoshef, at hinawakan niya ang likod ko habang naglalakad ako patungo sa kanilang bahay.
I should leave, right? May kutob akong hindi maganda dito. Parang may kung ano kasing nakaabang sa loob na hindi ko alam, at kung aalamin ko pa ay baka gumuho pa ang mundo ko.
"Um, yeah.." Gusto kong mag-isip ng rason! Ng kasingunalingan to cover it all up. Pero napunta parin ang utak ko sa katotohanan.
There's no use in hiding anymore. In time, he will finally know. So he might as well solve it piece by piece.
"I worked with him noon. Nagsulat ako ng article niya sa magazine and libro.."
Nagulat naman si Yoshef doon. And I felt relieved dahil alam kong hindi niya alam iyon! Na hindi siya gumawa ng background research o nag-stalk man lang. I can lead this path to wherever I want to bend it to.
"Wow. I didn't know. I just assumed na hindi kayo magkakilala dahil, well, nung first meeting.."
Yes, nung first meeting. Yung may bahid ng galit at panlalamig si Mikael sa akin. He acted like he didn't know me.
Hindi na lang ako sumagot.
Nang nakatapak na ako sa kanilang sala ay narinig ko ang mga boses galing sa kanilang dining room. Napatingin ako kay Yoshef dahil doon.
There are other guests? Friends?
Tumikhim naman si Yoshef. Naging seryoso ang kanyang ekspresyon, at naramdaman ko ang pagkawala ng magaan niyang pakikipag-usap kanina.
"Our parents are here."
And goosebumps travelled down my spine! I knew I shouldn't have come! Dapat ay umalis na lang ako nang nauna na si Mikael. I should have listened to my thoughts!
BINABASA MO ANG
Wildest Dreams
Fiction généraleElena Coroña is a girl going wild for her dreams. May it be wealth, books, and fame. Until she found herself chasing only one of the wildest: Mikael Khuat. Complete! Chapters: 55 out of 55. Enjoy! -Rose Cabañero-