Chapter OneI basically lived a life of pretense. I am part-social climber, I guess. Hindi ako masisisi ng ibang tao. They want to be rich too. So desperate, like me.
Nag-post na naman ako ng picture ng Starbucks green tea latte na in-order ko bago-bago lang. Umirap ako sa kawalan at sumimsim doon. Mag-isa ako ngayon sa coffee shop na ito dahil may isa lang naman akong pakay: mag-hunting.
May pumasok na gwapong ka-edad ko. Pinasadahan niya ng kamay niya ang kanyang buhok at naglinya para makapag-order ng inumin niya.
Jackpot.
Inayos ko ang sarili ko. I'm pretty. If he doesn't look my way, then a glance is enough. Pinanood ko siya habang may tinitipa sa kanyang cellphone at nakipag-usap sa counter para makapag-order. Tumango siya pagkatapos at naghanap ng mauupuan.
Look at me, you blind!
Pero nadismaya ako nang hindi siya napalingon sa banda ko. What the fuck? But why? Does he have a girlfriend? Or boyfriend, if he is gay?
Inis akong bumaba sa high stool na inuupuan ko, bitbit ang inumin ko, at lumabas na. I'm so pissed off, the world can burn in seconds.
Naglakad ako sa loob ng Robinsons Mall. Maraming tao kaya't nairita na naman akong nang lalo. I hate crowded places. And I hate these people. Nothing personal, really. Gusto ko lang talagang kamuhian sila ngayon.
Marami na akong nakitang mga gwapong lalaki, pero if they're not interested, taken naman! Wala na talaga akong chance sa mga gwapong ito.
Minamalas ba ako? Maganda ako, I know that for a fact. Kilala ako sa school at marami na ring nanligaw sa akin pero hindi ko sinagot dahil hindi sila pasa sa standards ko. Is my beauty really that cheap? Na hindi ako mabalingan ng mga natitipuhan ko? Or am I just rushing?
I just turned seventeen last February. Because of that, I wanted to learn how to be independent. Kaya naman, pinatira ako nina mama at papa malayo sa kanila sa Davao. They let me stay in Manila.
But that is not the only reason, though. Pinatira nila ako rito dahil I am free from them. I have my own money. At galing yun kay Mikael Khuat, 23-year-old bachelor. Na kagabi lang ay naging ex ko na.
Kumain kami sa Oriental Kitchen kagabi. He treated me on our last date. Pero hindi niya alam na last date na yun. Akala niya, napapaandar lang ang pagka-spoiled ko.
"I want us to last." Sabi niya sa akin.
Napairap ako mentally dahil sa sinabi niya. I hate it when they turn clingy. Nung sa umpisa, ako pa yung panay na habol ng habol sa kanila. But now, after months of being together, they turn sweet and clingy, at minsan obsessed pa! Nawawala tuloy yung pagka-professional nila kapag kasama ako.
"Mikael, stop it." Sabi ko sabay iling. Dumungaw ako sa labas dahil ayaw ko siyang tingnan.
"Why?"
Umirap ako. "Stop being clingy, okay? Diba napag-usapan na natin 'to?" Kumunot ang noo ko.
"You really didn't change your mind?" Tanong niya. Nalukot na ang mukha niya dahil sa lungkot.
"I don't want to meet your family, Mikael. And I can feel that you want that to happen kaya sinasabi mo ito ngayon. And I'm telling you, stop it. Let's end this. I'm tired."
One thing I like about these bachelors is that they are not persistent. They let me decide. Kapag sinabi kong ayaw ko na, hindi na sila kumonkontra pa. Tumango si Mikael sa sinabi ko at bumagsak ang balikat.
BINABASA MO ANG
Wildest Dreams
General FictionElena Coroña is a girl going wild for her dreams. May it be wealth, books, and fame. Until she found herself chasing only one of the wildest: Mikael Khuat. Complete! Chapters: 55 out of 55. Enjoy! -Rose Cabañero-