Chapter Forty-Eight

68 5 1
                                    





Chapter Forty-Eight



What is the real measure of a strong relationship?

Is it the time that you spent together? The sacrifices? Kinekwenta ba yung pagtimbang sa mga tama at mali? Yung pagpalipas mo ng mga kasalan? Yung pagtiis mo sa paglimot?

Do you really define being strong as being weak?

Kung ano man yung nangyari kagabi ay hindi ko na itinanong yun kay Mikael. But I didn't let it pass.

Tumawag na naman siya. But I didn't take it.

Something in me whispers that he had a moment with Cassie last night. They are in a pub! He's drunk. Baka nakainom na rin si Cassie.

Did she really make my boyfriend as her birthday gift?

Magkaharap na naman kami ni Yoshef ngayon.

It dawned in me, na wala pala talagang nangyayari sa buhay ng isang mag-aaral. Parang kulungan ang campus. Narito ka lagi, pero hindi ka naman masaya.

May nakakausap ka, pero mas nakatuon ka parin sa pag-aaral. Binabantayan ang bawat kilos mo.

You do everything to please everybody. Na hindi ka mabahiran ng dungis ng kamalian.

Your everyday life depends on the food you eat. Nababawasan lang ang pera mo rito, pero walang bumabalik sa'yo.

Now I'm looking for reasons why I came back. It was just to be accepted by Mrs. Tan. Because I want to show her that I can be irreplaceable. That I'm good for her son.

But am I really good enough for Mikael?

"Ano na naman ang iniisip mo?" Tanong ni Yoshef.

Mas napapadalas na ang pagsama namin ngayon. He's my buddy. Parang mali kapag hindi ko siya nakakasabay sa pag-inom ng inumin sa vending machine. Parang hindi balanse kapag hindi ko siya nakakasabay sa pag kain tuwing recess at tanghalian.

Hindi naman kasi ako sumasabay kina Carmen. Iba kasi ang trip nila. They like to roam around the campus, befriending girls and guys.

Tiningnan ko siya.

"Bakit ba lagi ka nalang malungkot?" Tumawa siya na para bang mapapatawa rin ako. But I just pressed my lips together.

"Hindi mo na raw kinakausap si kuya.."

Umiwas na ako ng tingin.

"Are you breaking up with him?"

Nilingon ko siya at nanlaki ang mga mata ko. Agad akong umiling.

"No! No!" It's not like that.

Tinaasan niya ako ng kilay.

"Hindi mo na raw siya pinapansin. It's almost four days since that night, El. Hindi mo pa rin siya tinatanong kung anong nangyari?"

Wala akong lakas ng loob na tanungin siya. Dahil baka magunaw ako kapag malaman kong may nangyari nga sa kanila. Hindi ko yata matatanggap kapag humingi siya ng tawad.

I know people do reckless things when they're drunk. Pero it just feels so wrong. I'm clouded with thoughts of selfishness. Gusto kong isumbat na pwede namang i-control yun! It's not that hard!

"I asked him. Sabi niya'y--"

Umiling na ako.

"Stop it. Busy lang talaga ako." At tumayo na ako.

Napatayo rin siya.

"Saan ka pupunta?"

Umiling ako. At saka na naglakwatsa palabas.

Wildest DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon