Chapter Thirty-EightNapagdesisyunan ko nang sumama kay Mikael bukas. Linggo ngayon, at bukas na ang alis niya patungong Manila.
Bumaba na ako para makakain ng agahan, at namataan ko si kuya na nakahilig sa front desk. Tumango siya nang nakita na ako at sumama patungo sa mesa na ipina-reserve niya.
Kailangan kong sabihin sa kanya ang plano kong pag-alis. Leaving out all the family matters of Mikael, of course.
Sabay na kaming kumuha ng pagkain galing sa buffet table. Pagkatapos ay umupo na kami.
Tumikhim siya saka ako tiningnan.
"Sasama ka kay Mikael?"
Tumango ako. "Oo. Sasabihin mo ba kina mama?"
Umiling siya. "Ikaw na magsabi. Wag mo lang sabihin na magkasama kayo sa isang unit."
Gusto kong matawa dahil nag-assume siya kaagad na hindi kami magbubukod. Pero gumaan narin ang pakiramdam ko dahil hindi ko na kailangang bumuo ng kasingunalingan.
Ngayong araw ay sasama ako sa gala nina Heart. Medyo matagal na rin simula nung huli kaming nagkita. At kailangan ko ring ipaalam ang gagawin ko.
The last time was unfair for them. Bigla nalang akong naglaho nun. Iniunti-unti ko ang pagkatiklop sa eskwelahan at sa mga buhay nila hanggang sa naglaho na lang ako.
I know that they know kung ano ang nangyari sa akin. Kung ano ang nangyari sa akin sa Manila, that I got a job. Pero hindi lahat.
At hindi rin nila alam ang tungkol kay Mikael.
I think, no, I know that they deserve to know. They're my family too. Ngayong nararamdaman ko na ang pwersa ng pag-ayaw ng pamilya ni Mikael sa akin ay parang mas kakailanganin ko yata sila para mapanatag.
Dumiresto na ko sa Hukad. Doon daw sila kakain. Kahapon pala naganap ang kanilang Moving Up Ceremony. That must be why napadaan sina Mr. at Mrs. Tan. To be with Yoshef during the event.
I don't know much about Mikael and Yoshef's family yet, pero nang namataan ko si Yoshef sa mansyon nila noon na mag-isa ay inisip ko na rin na hindi na sila nakatira sa isang bahay.
O may kusang bumukod.
That is Mikael's property, yung nasa Ladislawa, yung tinitirhan ni Yoshef ngayon. Maybe he separated and lived with Mikael. But since Mikael's busy ay siya na lang ang napiling mangalaga at tumira sa bahay.
Bakit kaya hindi sila magkakasama?
But then I ask myself too. Diba nakabukod din ako sa pamilya ko? Si kuya, may sariling trabaho na kaya't sa kanya na ang lumang bahay namin. Sina mama, tumira na roon sa property na matagal na naming gustong tirhan. At nang dahil na rin sa perang nakuha ko nang bumukod ako sa kanila ay napatayuan na yun ng matayog na bahay.
Nakabukod ako sa kanila. Magbukod-bukod kami, but that doesn't mean we're a weak family. I even think that it made us stronger. Distance tests the strength of a relationship. And friendship.
And so far, okay naman kami. No problems.
Pinagbuksan ako ng pintuan ng guard sa restaurant. I searched the whole area, at nakita ko kaagad ang lima na nagtatawanan sa isang table.
Ngumiti ako at lumapit. Nakita kaagad ako ni Heart, at tumayo siya at sinalubong kaagad ako ng yakap.
"Omygod, I'm being clingy! Pero we missed you! Kahit na parehas lang na lupa ang tinatapakan natin!" Tili niya.
Nilingon ko naman ang paligid. Buti naman at konti pa lang ang kumakain. May isang pamilya na napabaling sa amin dahil sa tili ni Heart pero hindi rin naman nagtagal.
BINABASA MO ANG
Wildest Dreams
General FictionElena Coroña is a girl going wild for her dreams. May it be wealth, books, and fame. Until she found herself chasing only one of the wildest: Mikael Khuat. Complete! Chapters: 55 out of 55. Enjoy! -Rose Cabañero-