Chapter Four

203 6 0
                                    




Chapter Four



Hinila ko ang bag kong malaki at mabigat. Hindi ito luggage pero hinila ko yun. Tinatamad kasi akong nararamdaman ang bigat nitong pumatong sa balikat ko. Kaya't wala na akong pakialam kung pinagtitingnan ako ng mga tao. Ang sa akin lang ay ayokong magdala ng bag.

Tinatahak ko na ang daan papuntang terminal three ngayon dito sa Ninoy Aquino International Airport. Lilipad ako pauwi ng Davao. I miss my family. I miss my life.

Nag check in na ako agad at naghanap ng mauupuan sa terminal three. Hindi pa naman masyadong maramihan ang mga tao. May ibang nakaupo sa upuan, may ibang nakaupo sa sahig. May ibang nagcha-charge.

Umupo na ako agad sa pinakamalapit sa door na papasukan mamaya kapag papapasukin na sa eroplano. Mga higit dalawang oras akong maghihintay para sa flight ko ngayon.

I've learned how to ride the plane alone just this year. Nakuha ko naman agad at hindi ako natatakot sa kahit ano rito. Pabalik-balik na din naman ako rito noon pa, since bata pa ako.

Habang naghihintay ay tinitext ko si Mikael. Susunod siya sa akin ngayon. Hindi kami nagkasabay kanina dahil may ginawa pa siya.

Kaninang umaga, nagising ako na nakahiga sa braso niya. Tulog pa siya nang madatnan ko. We were already sharing the comforter. Balot ang katawan niya ng damit, habang ako naman ay panty't bra lang. Hindi ako nahiya. Ever since we started playing, wala na akong pakialam kung hindi ako naka shorts kahit pa nandiyan siya. Namangha lang talaga ako dahil hindi niya ako ginalaw. Buti naman. He is very respectful.

Mikael: I'm here, baby.

Ako: Terminal Three.

Mikael: Food? Anything you like?

Ako: Krispy Kreme, please, baby.

Mikael: Okay baby.

Sanay na ako sa tawagang 'baby'. Galing pa kay Laurent hanggang sa ngayon ay nadadala ko na ang callsign. Nanlalambot naman ako. At mas nagaganahan ako kapag tinatawag ako ng ganun. Parang nanghihimas sa pagka babae ko.

Mikael: Saw you.

Lumingon ako at nakita ko na siyang naglalakad patungo sa akin. May dala siyang apat na boxes ng Krispy Kreme. Papatabain niya ba akong lalo?

Ngumiti siya at hinalikan niya ako sa pisngi. Inamoy ko agad ang bango niya nang umupo na siya sa tabi ko. Literal na inamoy. Nilapit ko ang mukha ko sa leeg niya at hinalikan ito.

Bumaling ako sa apat na boxes na dala niya.

"Ang dami naman?" Tanong ko.

Binuksan niya ang isang box na assorted ang flavors. Kinuha ko yung parang chocolate cake.

"For you and your family." Aniya at napangiti naman ako.

Kanina, habang nagbo-book siya ng ticket dahil sa utos ko ay nagtatanong siya kung pwede ba daw siyang sumama. Hindi ko pa kasi siya pinapasama kanina. Bakit ko naman kasi siya isasama? Makikilala niya ang pamilya ko. And that will mean something to my family. Magugustuhan siya agad ni mama, for sure. He's a big catch. Kung bigla lang siyang mawawala, hahanapin talaga siya ni mama.

"It's okay if I don't get to meet them. Just let me be with you. Last three days. I'm making the most of it." Awang-awa na ako sa kanya kanina pa. Kanina pa niya ako binibigyan ng mga suhestisyon na maaayunan ko para lang makasama siya. Hindi ko na kinaya't pinayagan ko na lang.

"Answer my needs, then!" Yun ang kondisyon ko sa kanya. Agad naman siyang pumayag. Ang habol ko lang naman ay ang hindi mabawasan ang savings ko.

Kaya ngayon, inaabuso ko na naman siya sa paghingi ng donuts. Hindi ko alam kung bulag ba siya o nagbubulag-bulagan sa ginagawa ko. Bahala na siya.

Wildest DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon