Chapter Fifty

118 5 0
                                    




Chapter Fifty



Ang dami kong tanong. Mulat na mulat pa rin ako hanggang ngayon. I feel a mixture of joy, pain, love, hate. All kinds of emotions. Ngayong tinitingnan ko ang mukha ni Mikael.

He's sleeping peacefully, beside me, on the fifteenth of February.

I can't believe it. Pumunta siya rito. Nang walang pasabi.

Did he mean to surprise me?

Did he do it for my birthday?

Pero paano?

Nang bahagya siyang gumalaw ay napa estatwa ako sa paghiga. Inaabangan kong bumuka ang mga mata niya, pero hindi niya ginawa.

Instead, he slightly lifted his head, na para bang may hinahanap siya gamit ang mukha niya o baka naman ang ilong.

Gumapang ang kamay niya sa tiyan ko, at ibinalot niya ang braso niya sa bewang ko. Lumapit siya, nakapikit pa rin ang mga mata, at isiniksik ang mukha niya sa leeg ko.

I felt his legs wrap around mine. Hinintay kong huminto na siya sa paghahanap ng kumportableng posisyon.

Pero panay pa rin ang paggalaw niya. Nakapatong naman ang ulo niya sa unan, pero inaangat niya na naman na para bang may hinahanap na lugar ang ulo niya.

Kinagat ko ang labi ko, at ipinapatong ko ang ulo niya sa braso ko.

He stopped moving. Nagpakawala siya ng malalim na hininga, at naramdaman kong binalot siyang muli ng tulog.

Napapikit ako.

This is too perfect. I am too happy. Pero ayaw ko yun. Dahil alam ko, na sa buhay, kapag masyado kang masaya ay agad naman itong binabawi.

This moment is perfect. He's hugging me tight like he doesn't want to let me go. And I'm filled with joy.

Paano kaya ito babawiin sa akin? Anong mangyayari sa akin, sa amin, sa susunod na oras ng araw na ito?

Nang nagpakita na ang araw ay doon naman siya gumalaw muli. I barely slept a wink. Dahil parang may nararamdaman talaga ako na may mangyayari ngayong araw na ito.

I want to cherish this. Bahala nang sumakit ang ulo ko ngayong kaarawan ko.

Hinay-hinay siyang kumalas sa pagkakayakap sa akin, at kumunot ang noo niya nang sinubukan niyang umupo.

Sinapo at hinilot niya ang noo niya.

"Fuck. Headache." Sabi niya.

Napatawa naman ako. "Good morning din."

Ngayon, inimulat niya ang mga mata niya at tiningnan ako. Ngumiti siya.

"Happy birthday."

Pagod pa rin siya. At masakit pa ang ulo niya. Pero babahain ko pa rin siya ng mga tanong.

"Why did you come here, Mikael?"

Tinaasan niya ako ng kilay.

"You were ignoring me. On Valentines."

"Alam ba ng mama mo?"

Nang umiling siya ay biglang bumilis ang pintig ng puso ko. She doesn't know? So, biglaan lang pala talaga ang pag uwi ni Mikael dito?

Umiling siya at niyakap akong muli.

"Don't mind her." Bulong niya at hinalikan niya ako sa leeg. "My head is aching, baby. Please take the pain away."

Nagpigil naman ako ng ngisi, lalo na nung naramdaman ko ang umbok niya sa gilid ng binti ko.

Umamba akong hahalikan ko lang siya sa noo. Huminga naman siya nang malalim dahil doon. But that's not what I was planning to do.

Wildest DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon