Chapter Forty-Three

80 5 0
                                    





Chapter Forty-Three


Naabutan kong nag-iimpake si Yoshef kinabukasan. Bukas kasi ang pintuan ng kwarto niya, kaya't tumambad sa akin ang mga naipilo niyang mga damit na inilalagay niya na ngayon sa kanyang bag.

Maybe I did want him out before. Nung hindi pa kami nag-uusap noon. But now, he can stay as long as he wants. Para may makasama naman ako.

Aalis din kasi si Mikael next week. Wala na rin akong planong tumambay dito kapag wala na si Mikael. What's the use?

"Yoshef? Anong ginagawa mo?"

Hindi na ako nilingon ni Yoshef nang sinagot niya ako. He continued packing, neatly piling his clothes. Nakakamangha tuloy. Parehas naman silang malinis ni Mikael, pero si Yoshef, parang mas pa.

"I'm packing. Mom's leaving this afternoon. Magpapabook na rin ako ng flight."

Nailabas ko na ang mga salita bago ko pa ito mapag-isipan.

"Stay."

Ngayon, nilingon niya na ako. Nalilito siya.

"I mean.. Alam mo ba na aalis si Mikael? For London?"

Kumunot naman ang noo niya at umiling. Medyo matagal akong nakagising kanina kaya't hindi ko na naabutan si Mikael sa pag-alis. Nauna na rin silang dalawang kumain.

"He's leaving. For work--"

"Pumayag ka?" Na tila hindi tama ang naging desisyon ko.

Tumango ako. "Why not, right? And, I also have a plan of going back to school--"

Tinaasan niya ako ng kilay. "Really?"

"Yes." Hindi ko na kailangan ipaliwanag pa. Sa amin nalang yung tatlo nina Mrs. Tan at Mikael.

Pumayag na rin si Yoshef. Sabi niya'y sabay na lang daw kaming umuwi sa Davao next week. Compared to the past few days, ay mas naging magaan na ang loob ko kapag kasama siya. Gumagala kami habang umaalis si Mikael. Minsan naman ay humahabol na si Mikael sa amin kapag nagagabihan kami. Sabay na kaming tatlo na kumakain sa labas.

It was all soothing. Peaceful. To feel this kind of peace when you're with other people is a rare thing. Mahirap mapag-isa kapag may kasama.

Just two more days before Mikael's departure, ay napagpasyahan naming tumungo sa Tagaytay. Ako lang yata ang na-excite.

Hindi pa ako nakatatapak ng Tagaytay. Dito lang talaga ako, nakapirmi.

The two, however, looked calm. Siguro ay dahil sanay na rin sila roon.

Sumakay kami sa MUX ni Mikael. Siya na mismo ang nag drive. Nasa front seat ako, habang si Yoshef ay nasa likod.

Medyo matagal yun. Mga dalawang oras nang ginising ako para kumain ng buko pie. Dito raw yung pinakamasarap na buko pie.

Maya-maya ay idiniretso niya kami sa People's Park. Tumakbo naman ako patungo sa may mga kabayo. Marami nang mga lalaki ang nag-aalok sa akin na sumakay sa kabayo nila.

"Ma'am. Ikaw lang ho ba mag-isa? Isang oras po kayong pwedeng sumakay ng kabayo.."

"Pwede rin po na dalawa, ma'am. Igigiya ko lang po ang kabayo kung saan niyo gusto.."

Naramdaman ko na ang kamay ni Mikael na gumapang sa bewang ko. Nang nakita yun ng mga lalaki ay siya na naman ang inalukan nila.

"Gusto mo?" Tanong niya.

Umiling naman ako. It looks fun, pero naaawa ako sa kabayo.

"Doon na lang tayo." Sabi ko, sabay turo sa kung saan.

Wildest DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon