Chapter ElevenPagkapasok ko sa kwarto ay naghubad ako at nagbihis ng maluwag at malaking t-shirt. Ito pa nga yung isang puting damit pang-itaas ni Mikael. Dikit na dikit pa ang lalaking pabango nito sa tela.
Hindi ko mawari kung bakit hindi matanggal-tanggal si Mikael sa isip ko. I don't like him! Maybe it's just because of the sex.
This is just an aftershock of sex. Baka nga! Maybe.. Maybe I should stop pretending na what just happened was nothing.
Kung sana'y nagpigil na lang ako!
Dinungaw ko ang cellphone ko at nakitang walang bahid ng Mikael yun. Walang messages, walang tawag. What the hell. Sa lahat ng mga araw na pwede itong mawala, ngayon pa kung saan iniisip ko siya!
Nakakainis.
I need to talk to him. I don't know why. Basta alam kong kailangan ko siya kausapin tungkol doon!
Pero ngayong hindi naman ito nagparamdam, parang umusog na rin yung pangangailangan na ito.
Fuck.
Magsisimba pa sina ate Kate at kuya. Gusto ko na siyang kausapin. Mababaliw akong itinatago lang sa sarili ko ang nangyari. Para kasing kailangan ko ng hustisya o ano ba.
Nakatulog na naman ako at nagising nang may kumatok sa pintuan. Tumakbo ako at binuksan ito. Bumungad sa akin ang mukha ni ate Kate.
Medyo inilabas ko ang ulo at at luminga-linga.
Good. She's alone.
Hinila ko siya papasok at napatawa siya sa ginawa ko. I don't care. Atat na ako. I want it all out!
Umupo kami sa gitna ng kama. Napatingin ako sa labas. Madilim na at medyo gutom na rin ako.
"O, anong problema mo?" Banayad na tanong ni ate Kate na nagpatalon sa puso ko.
Hinawakan ko ang baba ng t-shirt na suot ko ngayon at natandaan ko na naman ang nangyari sa palikuran. Hindi ko alam kung mag CCTV ba roon. Kung meron man, malamang ay pinagpipiyestahan na yun ng mga staff sa airport.
Baka hindi na ako makabalik ng Manila dahil sa hiya.
Hindi na nga rin ako sigurado kung babalik pa ba ako ng Manila. Wala na akong babalikan. Wala nang Mikael. At wala naman siyang ini-reto sa akin. He said he'll give me a guy. Well where is it?
Siguro ang trabaho ko na lang ang babalikan ko. Hindi naman ako hawak ng kontrata para magsulat sa ilalim ni Mrs. Consolacion, but then it's good money. Kaya't sasagarin ko na pagkabalik ko.
Tiningnan ko ang inosenteng mukha ni ate Kate. And suddenly, I am so jealous. I am sure na hindi pa siya nagagalaw. Ever. Kasi makikita mong disiplinado siya. Na may pagmamahal talaga siya. Na diretso ang tingin niya sa kinabukasan niya.
Me, on the other side, is unsure of everything. Wala akong plano. Nasilaw ako sa pera at sa mga natatamo ko dahil sa rami nito. Yun lang ang nasa isip ko ngayon. Na as long as my money is flowing, life will be easy.
Hindi muna ako nagsalita. Dinamdam ko muna. Hindi ko kayang ilabas ang mga gusto kong sabihin dahil parang hindi tama.
Tinitingnan ko ang maamong mukha ni ate Kate at para bang naduduwag ako. She's probably just thinking na may problema lang ako about boys.
Part-boys naman ang problema ko. Pero hindi inosente...
Ngumiti na lang ako at madramang sumalampak sa kama.
"Hay! Naiinip lang ako dahil wala akong boyfriend." Hindi ko kayang sabihin. Alam kong hindi ko kaya.
Tumawa siya. "Ang laki naman ng problema mo!" Aniya at humiga sa tabi ko. Nakatingin siya sa ceiling. Tumingin din ako roon.
BINABASA MO ANG
Wildest Dreams
General FictionElena Coroña is a girl going wild for her dreams. May it be wealth, books, and fame. Until she found herself chasing only one of the wildest: Mikael Khuat. Complete! Chapters: 55 out of 55. Enjoy! -Rose Cabañero-