Chapter Twenty-EightNahiya ako sa ginawa ko kay Cole. Kumalas din ako kaagad at inayos ang sarili. Whatever that was, it was simply pushed by loneliness.
Iba talaga ang nagagawa ng tao kapag nalulungkot. Daig pa ng isang lasing na nalagok na pati ang alak ni satanas sa pagiging pabaya't tanga.
Umiling-iling ako habang inaayos ang nagusot kong pang-itaas.
Inilibot ko ang mga mata sa paligid. Nasa room ko kami ngayon. Wala namang mga tanong na ipinaulan sa akin sa front desk kaya't dire-diretso lang ang pagkapasok namin sa elevator hanggang sa dito na mismo sa kwarto.
"I'm sorry.." Yun lang talaga ang magawa kong sabihin. I'm sorry because he looks so frustrated right now.
I've never felt sorry for men that I frustrate. In fact, I find it satisfying. Yun bang alam mong hindi naman kayang madisplina ang mga lalaki sa ganito, pero kapag sayo'y tila tutang tumitiklop at sumusunod.
But now that I'm facing Cole, iba. Nagi-guilty ako. I like Cole. He's a good friend, and he might be a good catch as a lifetime friend. Pero baka dahil sa pagkapabaya ko ngayo'y aalis siya. That would be a waste.
I'm trying to open up my doors to new people but life closes it shut.
Umiling siya at inayos na rin ang damit. Tumayo siya at pinasadahan ng kamay ang buhok. Now it's swept to the back.
"It's okay, El. Mali rin 'to. I shouldn't have. You're still young.."
Tumango naman ako kahit na nainsulto ako sa pagkasabi niyang bata pa ako. Oo alam kong bata pa ako. I'm seventeen. Pero I'm not a normal teen. I know, I saw, and I already experienced things that should have been in my adulthood life.
"But are you okay, though? Why are you crying? I know it's not because of me..."
Gusto kong mapatawa sa sinabi niya. He's kind in a way, pero hindi siya yung tipong gustong umangkin ng kasalanan.
"It's not you, Cole. Kalimutan mo na lang yun."
At sana nga pati ako'y makalimot.
We just decided to eat dinner together. Masaya ako dahil Cole is cool with it. He acted like nothing happened. Panay pa ang turo-turo niya sa mga natitipuhan niyang mga design sa hotel.
"Dapat siguro'y gawin kong ganito ang bahay ko." Aniya, tinutukoy ang kabuuan ng hotel.
Tumawa naman ako. I'm sure he can do anything.
He paid the bill. Inihatid ko siya sa kanyang sasakyan.
"Thanks, El." Sabi niya sa akin nang binuksan niya na ang pintuan.
Tumango naman ako at naghintay sa pagpasok niya pero hindi niya ginawa. Tumayo lang siya habang panay ang titig sa akin.
His stares made me want to hide. Para kasing gusto niya pa ring malaman kung bakit ako umiyak kanina. And I don't want him to know.
Tinagpo ko ng kaway ang mga mapanuri niyang mga mata. He blinked because of it and grinned.
"Sorry, El. I just can't help thinking about the kiss we shared.." Sabi niya sabay iwas ng tingin.
Nagulat naman ako sa sinabi niya. Hindi ko naman ginawang big deal yung nangyari kanina but I guess ay hindi siya maka move on.
Sino ba namang lalaki ang magiging okay kapag naiwanang nagnanasa.
I could have just said na I'm sorry. Or apologize again and again and pull of a joke para mawala ang usapan.
But what came out of my mouth was unexpected.
BINABASA MO ANG
Wildest Dreams
General FictionElena Coroña is a girl going wild for her dreams. May it be wealth, books, and fame. Until she found herself chasing only one of the wildest: Mikael Khuat. Complete! Chapters: 55 out of 55. Enjoy! -Rose Cabañero-