Chapter SixteenNagising akong walang tao ang bahay. Ni hindi ko lang man narinig na umalis ang sasakyan. Si Spike na lang ang kasama ko ngayon.
Tinungo ko ang mesa at nakita kong may itlog at corned beef na roon. May garlic rice rin. Kumain ako at saka naligo.
Babalik ako ng hotel.
Tiningnan ko ang repleksyon ko sa salamin. Namumula-mula pa rin ang mukha. Ganito ang pag epekto ng alcohol sa akin, kahit hindi maramihan ang consumption.
Nung nag alas onse ay kumuha na ako ng taxi at tumungo sa hotel. It's Friday, and I'm weak. Siguro hype na hype sina Heart ngayon sa school. Gusto ko tuloy pumunta, para sa kanila, at pati na rin kay Yoshef. Last night, when he walked with me. Did it even mean anything? Gusto ko tuloy siyang tanungin ngayon, puntahan sa school at baka maulit pa yung nangyari kagabi, pero mabigat talaga ang pakiramdam ko.
Next week na lang siguro.
Pagkapasok ko sa kwarto ay agad akong natulog. Nakagising na naman ako nang alas nuwebe. Kumalam ang sikmura ko dahil hindi ako nakakain ng tanghalian at hapunan.
Umupo ako sa dulo ng kama, at dinungaw ang view sa labas ng malaking bintana. Puros mga street lights ang agad mong mapapansin. Madilim at walang ka-bituin-bituin ang langit.
Yun lang ang ginawa ko. Tinitingnan ang kadiliman ng paligid, at ang kadiliman din sa buong kwarto na ito.
I am all alone. My brother went home with ate Kate. And I am all alone in here. I've always been alone, kaya't dapat sanay na ako. Pero iba ito. Dahil nung nasa Manila ako, kahit sumapit ang ilang linggo ng pag-iisa ay alam ko sa utak kong may makakasama na naman ako. Those temporary men, and their role in making me successful kept me alive and busy in Manila.
Pero ngayon, ngayong walang Mrs. Consolacion, walang kasama, walang makulit na Mikael, I feel lonely. And alone.
I have money. But I'm alone. I live in a fancy hotel. But I'm alone. Walang pagkukulang sa kailangan at luho ko. But I'm alone.
I might as well die and not care because I'm alone anyway.
Lumipas ang mga oras at alas tres na ng natulog ako ulit. Dinaya ko ang katawan ko sa pamamagitan ng pagbabasa ng libro. Kaya naman nung nagising ako the next day ay maghahapon na.
It's a weekend. Saturday. Nung nag-aaral pa ako, this is a day intended for chores. O kaya naman ay gala, araw ng paggawa ng projects, or just a day for chilling.
This is my day of chilling. But then I chill all the time. Nakakapagod din pala kapag wala kang problema.
Lumabas ako at tinungo ang lobby. Nakita kong nakaupo si ate Kate sa may upuan, kaya't tinabihan ko siya kaagad.
"Ate, musta?" Tanong niya.
"Masama ang pakiramdam ko eh." Sabi niya at ngumisi nang kaunti.
"Ha? Tinawagan mo na si kuya?" Since I don't know anything about taking care of others.
Tumango siya. "Susunduin niya ako. Sasabay ka ba sa amin sa bahay?"
Umiling ako. Mainit doon.
Ilang minuto rin kaming tahimik at tinitingnan lang ang mga pumasok na guests. Hanggang sa tumambad sa amin si kuya. Day off niya ngayon.
Tumayo kaming dalawa. Iniisip kong maliligo ako sa pool ngayon.
"Okay ka lang?" Malambing na tanong ni kuya kay ate Kate.
"Oo. Masakit lang ang ulo ko."
"Kuya, mag s-swimming ako ha. Magkano ba?"
Umiling siya. "Charge mo na lang sa akin. First time mo pa naman. Pero next time, ikaw na ang magbayad." Humalakhak siya.
BINABASA MO ANG
Wildest Dreams
General FictionElena Coroña is a girl going wild for her dreams. May it be wealth, books, and fame. Until she found herself chasing only one of the wildest: Mikael Khuat. Complete! Chapters: 55 out of 55. Enjoy! -Rose Cabañero-