Chapter EightPagkarating ko sa school ay ganun pa rin ang eksena. Napapatingin ang mga estudyante sa gawi ko, napapatigil, napapabulung-bulungan. Pero hinahayaan ko na lang. May mga guro na ring nakapansin sa akin. Halos lahat sila'y nginitian ako at binati. Mga plastic. I know you all hate me.
Sinundo ko na naman sina Stephanie. Medyo seryoso ang mood nila ngayon habang may mga dala-dalang folders. Nag-uusap-usap sila tungkol doon.
"Bakit bukas agad ang reporting? Nakakainis!" Reklamo ni Heart. Napakamot siya sa ulo niya kaya't nagulo ang kulot ng buhok niya.
Wala namang imik si Mina. Medyo bumago lang ang ekspresyon niya nung may tiningnan siya sa tabi ko. Hindi ko na pinuna kung ano yun. Mga lalaki yun at wala akong interes sa kanila.
"Elena, san ka ngayon? Busy kami eh." Tanong ni Kristine. "Baka hindi kami makakasama pag lalabas ka.."
Umiling ako. "Okay lang. Gusto ko lang kayong makita."
Tumango naman sila. Naglakad na naman kami patungong gate one. May pupuntahan daw sila ngayon. Magkikita sila ng mga kagrupo nila dahil pag-uusapan nila yung group activity nila. May reporting sila bukas at kailangan nilang ayusin yun dahil strikto raw yung teacher.
"May plano ka bang mag-school ulit? Haynako, wag mo nang gawin, Elena. Mamamatay ka nang maaga." Sabi ni Stephanie sa akin sabay para ng jeep. Sabay silang tatlo nina Kristine at Abiel.
Kumaway sila bago umalis ang jeep.
Ngayon, kaming tatlo na lang nina Mina at Heart ang naiwan. Tahimik lang si Mina. Mukhang marami na namang iniisip. Si Heart naman, parang naiinip na may hinihintay sa cellphone. Kanina pa siya padyak ng padyak ng sapatos niya.
Nakita niyang nakatitig ako sa kanya. "Elena, sama ka sa akin!" Sabi niya.
"Hmm? Saan?"
"Sa bahay nung isa naming kagrupo. Mayaman kasi yun. Napakayabang pa! Pag kasama ka, sigurado akong titikom ang bibig nun. Kilala ka nun!"
Kumunot ang noo ko. "What? No way. Ma O-OP ako!"
Umiling siya. "Hindi nga! I swear! At maiirita ka roon sa kanya. I promise. Inaway na ako nun last time. Inaaway niya pa rin ako ngayon. Sige na. Please."
Hindi sana ako papayag. Pero nang sabihin niyang inaway siya nun ay medyo uminit ang dugo ko. I've always been protective of my bestfriends. Siguro, babae yun. At insecure yun dahil maganda si Heart! Well whoever she is, humanda siya. Ramdam kong superior ako sa taong yun kahit ano mang gawin. I got more money kung mayaman man sila.
Tumango naman ako at nagdiwang si Heart sa saya. Pumara siya ng taxi dahil mainit daw kapag jeep at maraming mga adik pag sumakay na naman kami ng tricycle papasok sa subdivision. Pumayag naman ako. May pera naman akong dala.
Nakarating kami sa Ladislawa. Pumasok ang taxi sa loob at ipinara ni Heart ang taxi sa harap ng clubhouse.
"Hindi ko pa alam kung nasaan yung sa kanila eh. Tatawagan ko lang muna." Sabi ni Heart nung nakababa na kami. Mainit pa kaya't sumilong kami agad sa loob ng clubhouse. May tatlong lalaking lumalangoy sa swimming pool. Ka-edad namin.
BINABASA MO ANG
Wildest Dreams
General FictionElena Coroña is a girl going wild for her dreams. May it be wealth, books, and fame. Until she found herself chasing only one of the wildest: Mikael Khuat. Complete! Chapters: 55 out of 55. Enjoy! -Rose Cabañero-