Chapter EighteenWe ended up in my room. In times like these, when a guy is wet, and a girl mentally lusts over him, and they end up in one's room, may mga milagro talagang nangyayari.
So I removed his wet shirt, at iginala ko ang tingin ko sa basa niyang katawan. Someday, he'll just have a body like Mikael's.
At kung bakit nasingit na naman si Mikael ay hindi ko na alam.
Yumuko si Yoshef, kaya't bumagsak ang tubig galing sa buhok niya sa sahig.
Tumingin siya sa mga mata ko.
"You ready?" Tanong niya.
Tumango naman ako, at unti-unti siyang tumalikod. There, I saw his secret.
Ito ang rason kung bakit hindi siya makagalaw kanina sa tubig. Why he froze just like that at hinang-hina siya sa pool.
It's because of his scarred back.
Napasinghap ako at napapikit. Para akong nanonood ng aktwal na pagkalatigo ni Hesus sa likod. Where just days ago ay makinis pa ang balat niya, ngayon ay may mga lakra na ng gasgas na balat dito. Pati ang maliit niyang tattoo sa likod ay nasira dahil dito.
"What the hell, Yoshef?" Sabi ko.
I couldn't say anything more! Para akong binuhusan ng mainit na tubig at namumula ng todo-todo, hindi dahil sa pagkahiya kundi dahil sa pagkaawa.
Why and who would even do this? This is injustice!
Hinarap ako ni Yoshef. I saw pain in his eyes pero binago niya agad. Umiling ako. There is nothing that his eyes can't hide.
Umupo ako sa kama, at umupo naman siya sa sahig. Tiningala niya ako.
There is something in this moment na intimate. He is sharing something with me, kahit na pakiramdam ko'y hindi niya ito kailangang gawin.
At pakiramdam ko rin ay hindi ko dapat tinatanggap.
But then, I feel pity for him. And I think he feels assurance in me.
Napapaisip tuloy ako kay Mikael and all the men before him. Maybe that's why they are drawn to me. Dahil may kung ano silang nararamdaman na comfort sa akin. Kahit na wala naman akong iniisip na ganun.
Is it because I'm too approachable?
"Bakit may ganyan ka?" Tanong ko. "At bakit mo 'to pinapakita sa akin?"
Hindi siya sumagot. I think he doesn't want to. So what does he want, then?
"Yoshef, if you want me to treat that, okay lang. I can take care of you. Or if not, then just say it."
I really feel pity. Naaawa ako sa kanya. Whatever is the cause of this mark, sigurado akong makakapatay ako ng tao.
What did he do to deserve this?
Maybe he did something that's why he deserves this. Medyo bad boy type si Yoshef. Baka naman kasali siya sa isang fraternity? And this is just a simulation to test their strength?
If he is, then ito ang pinakaunang pagkakataon na makakilala ako ng isang lalaking gago pero kinaawaan ko.
And he's my friend. I think.
"Please." Yun lang ang tangi niyang sinabi.
It was like an agreement with minimal words. Kinabukasan ay pinapunta niya ako sa bahay niya. Ibinaba ko ang sarili ko sa clubhouse ng Ladislawa, at nakita kong nakaupo na siya sa may upuan sa pool. Naglakad agad ako patungo sa kanya.
BINABASA MO ANG
Wildest Dreams
Fiction généraleElena Coroña is a girl going wild for her dreams. May it be wealth, books, and fame. Until she found herself chasing only one of the wildest: Mikael Khuat. Complete! Chapters: 55 out of 55. Enjoy! -Rose Cabañero-