Chapter Forty-FiveYoshef: susunduin na kita
Sasabay daw si Yoshef sa pag e-enroll sa akin. Kahit sinabi kong okay lang na hindi, ay inusisa niya pa rin.
Maybe Mikael told him to always be by my side, ngayong wala siya. Maybe that's it. Hindi ko parin kasi talaga maiwasang isipin na baka dumidikit parin si Yoshef sa akin ay dahil may gusto pa rin siya.
Malinaw niya na yung itinanggi sa akin nung nasa Manila na kami. Na hindi raw siya tanga. Oo, hindi nga siya tanga na ipagpilitan ang sarili sa mahal ng kuya niya. Because he will just end up hurting himself and each other. Pati ako, masasaktan din dahil alam kong ako ang rason kung bakit sila mag-aaway.
Ako: okay ready na ako
I decided to tranfer to another institution, tulad nung sinabi ko kina mama at papa. Dahil ayaw kong maramdaman na nahuli ako kina Heart. It would be awkward, seeing them in another grade level, and me still stuck in grade ten.
Plus the thoughts of our schoolmates. Sigurado akong wala silang alam kung ano ang totoong rason kung bakit ako nag drop out. Maybe they just know that I make money out of writing. And they also know about the guys that escorted me in formal events.
Who knows? Maybe they could have made their own stories in their heads just to justify my situation.
I guess they love me like that. A sarcastic thought.
Ayaw kong harapin ang mga taong nasa nakaraan ko na. It's no use, pwera nalang kung may utang na loob ako sa kanila. O nasaktan ko sila. Then I should never run away from them.
Pero sila? Hindi naman sila nakatulong sa pagtustos ko sa pang araw-araw kong mga kailangan. So they don't matter. And they never will.
Narinig ko na ang kotse ni Yoshef sa labas. Nagpaalam na kaagad ako kay ate Kate, na ngayon ay natutulog sa sala.
Kahit saan nalang siya natutulog. Pero siya ang natutulog sa kwarto kapag nakauwi na si kuya.
Narinig ko rin kagabi yung pagka init ng ulo niya kay kuya. Sa mga simpleng bagay lang naman. Tulad ng hindi pagbili sa kanya ni kuya ng ice cream.
Now she's asleep in the sofa, while hugging a bowl of popcorn. Payat si ate Kate, kaya't mas mabuti na rin siguro itong buntis siya ngayo't lamon ng lamon, para naman tumaba siya kahit konti.
"Ate Kate, magpapa enroll na ako." Sabi ko sa kanya.
She woke up at tumango lang. Pagkatapos ay natulog na naman siya.
Lumabas na ako ng bahay at nakita na si Yoshef na nasa labas ng bahay. This is his second time outside our house.
Outside.
Tumikhim siya nang nakita ako. Nakasandal kasi siya sa harapan ng sasakyan niya't doon na naghintay.
"How many houses do you have?" Tanong niya nang dumiretso na siya sa driver's seat.
Pumasok kaming dalawa at ipinaandar niya na ang sasakyan.
"I don't have houses, Yoshef. Yung pamilya ko, meron."
Tumango siya. "Only this one?"
Umiling ako. "Nasa Toril sina mama at papa."
BINABASA MO ANG
Wildest Dreams
Ficción GeneralElena Coroña is a girl going wild for her dreams. May it be wealth, books, and fame. Until she found herself chasing only one of the wildest: Mikael Khuat. Complete! Chapters: 55 out of 55. Enjoy! -Rose Cabañero-