Chapter Thirty-FourNatapos ang paglilibot namin na sina Shania at Mikael lang ang napagod. Pawis na pawis sila pagkarating sa amin. Ang saya-saya nila. At masaya rin kami ni Laurent.
I feel lighter than before. Na para bang nabawasan ang dinadala kong bagahe galing sa Manila. I am planning to reconnect with my exes, and apologize. Even though I'm unsure whether or not it's a good idea, ay ayaw ko nang makaramdam ng kung anong guilt. Dahil mahirap pala kapag lagi kang bumabalandra sa isip ng ibang tao. Naaapektuhan mo ang buhay nila habang ikaw ay abala sa pagpapakasaya.
"We should take a picture!" Sabi ni Shania at lumapit siya sa isang babae para magpa request na picture-an kami.
Pawis pa rin siya, at dahil doon ay pinunasan ni Laurent ang mukha ni Shania gamit ang kanyang panyo.
Napangiti ako at binalingan si Mikael. He's sweaty too. But he's sweaty hot. Parang yung mukha niya kapag nagwo-work out.
Who would want to wipe away the sweat off of that attractiveness?
Nag picture kami at nang kinuha na ni Shania ang phone niya ay doon na ako kumuha ng tissue galing sa bag ko at pinunasan na rin si Mikael.
Medyo nailang pa ako sa ginawa ko. I am not a sweet and caring person. Mas sanay akong ako ang inaalagaan.
But then Laurent's words are haunting me.
Paano kung mahal lang ako ni Mikael dahil sa pagkadesperado niyang makuha ako?
Ngumiti lang si Mikael sa akin habang ginagawa ko yun. He pulled me closer, his hands on my waist.
"Sweet El." Aniya na nagpainit ng pisngi ko.
Dinalian ko ang pagpunas sa kanya dahil naiilang ako. It's my first time to do it. Hindi pa ako sanay.
"I had a good time." Sabi ni Shania nang nasa pintuan na kami ng mga kotse namin.
Pinagbuksan na siya ni Laurent at naghintay na matapos ang usapan namin.
Sinulyapan ko si Laurent and he smiled at me. Napangiti na rin ako. I feel light and free.
"Ako rin." Sabi ko.
"Dinner again some time!" Sabi niya. "Okay?"
Tumango naman ako at si Mikael. Pagkatapos ay pumasok na siya sa loob. Nang isinarado na ni Laurent ang pintuan ay binalingan niya kaming dalawa ni Mikael. He smiled at me, at nagkamayan naman sila ni Mikael.
"See you soon." Sabi ni Laurent.
"Yes. Congrats!"
Hindi ko na sila hinintay. Kusa na akong pumasok sa front seat at hinintay si Mikael. Pumasok na rin siya at ibinuhay na ang sasakyan.
I watched Laurent's car as they drove ahead of us. I didn't expect this night to turn out like this. I expected a fight. A misunderstanding.
Pero hindi naman pala talaga malala ang buhay.
I sighed at hinintay na lang na umatras si Mikael. But he didn't move. In fact, nang binalingan ko siya at nakatitig lang pala siya sa akin.
Which made my heart gallop. Para kasing may gusto siyang malaman.
And I'm suddenly scared. Did he see me and Laurent hug? Then I'm ready to tell him the truth. Na he's my ex and we just talked. If he wants to dig deeper, then I'll tell him my secret.
Baka sa ganitong paraan ko masusukat ang tatag ng pagmamahal niya sa akin. He told me so many times before that he loves me. Then he should love not only the present me, but also the past me.
BINABASA MO ANG
Wildest Dreams
General FictionElena Coroña is a girl going wild for her dreams. May it be wealth, books, and fame. Until she found herself chasing only one of the wildest: Mikael Khuat. Complete! Chapters: 55 out of 55. Enjoy! -Rose Cabañero-