Chapter NineteenAbsent for a week si Yoshef. Pinupuntahan ko naman siya sa bahay niya. He gave me meds na kailangang ipahid sa sugat niya sa likod.
Lagi akong nagtatanong tungkol doon. Na kung bakit may ganun siya. Pero hindi naman siya sumasagot.
"Si Kent ba may gawa nito?"
Hindi ko na mapigilan. What happened sa hotel, with him and Kent na magkainitian. There must be something in between. Kaya ba naiirita si Yoshef sa kanya ay dahil binugbog siya ni Kent?
Eh si Kent, bakit naman siya naiirita kay Yoshef? Because he didn't kill him yet?
This is all so impossible. I see this in movies. Hindi ko alam na maaaaring mangyari sa totoong buhay.
There really are demons living on earth.
Nung nag Wednesday ay pumunta ako ng school. Dumiretso ako sa gym, maybe hoping that Yoshef will be playing there, pero wala. Alam ko namang wala dahil nagpapagaling pa siya.
Why am I suddenly so foolishly hopeful?
Tumalikod na ako at tinahak na ang daan patungo sa classroom nila Heart.
Nagulat sila nang nakita ako na papalapit sa kanila. Most of it was Heart.
"E-El?" Nauutal pa siya.
Tiningnan ko sila isa isa. Nakayuko sina Abiel at Kristine. Absent yata si Stephanie kaya wala siya rito. Si Mina naman, kalma lang.
And whenever everyone is panicking, and Mina is calm, it means something's wrong.
Kumunot ang noo ko sa kanila.
"Bakit?" Tanong ko kaagad.
Umiling lang sila nang mabilis. Si Mina, calm as ever, ay walang reaksyon.
"We thought you were sick.." Sabi ni Mina.
"Again." Dagdag ni Abiel.
Tumawa ako. "No. I'm fine. San kayo?"
"Uuwi na eh. Ikaw?" Sabi ni Kristine.
Tumango ako. I suddenly forgot why I came here. Maybe to just visit them? I don't know.
Naglalakad na ako patungo sa bahay ni Yoshef. Open na open pa rin ang gate at agad din na sumarado nang nakatapak na ako sa loob.
Tinulak ko pabukas ang pintuan at nakita kong nakahiga si Yoshef sa kanyang tiyan.
His upper body is bare. At nakahapa pa siya, kaya't kitang-kita ko ang sugat niyang natabunan na ng bandage. Ipinabalot niya raw ito kahapon.
Lumuhod ako ng dahan-dahan sa tabi niya, at marahan na hinawakan ang bandage. Medyo nabahiran na ng pula na dugo ang pagkaputi nito.
I really feel pity for Yoshef. Naghahanap ako ng ibang makapang damdamin, pero yun talaga ang namumuno. Maybe I was crushing on him the first time I saw him, and the next days I saw him, and nung nasa simbahan. Pero ngayong nalaman kong mag-isa siya at may umapi sa kanya, I have this dominating feeling to stick with him for as long as he wants me to.
Na I can take care of him. Asikasuhin siya kapag kailangan niya. Because he's alone. And maybe attention is foreign to him.
It's funny, na I almost gave his actions meaning the last time. Yung pagtingin niya, yung pag libre niya, yung paghanap niya, yung pagtambad niya sa mga sugat niyang tinatago niya.
Maybe this means nothing to him. Maybe ignorante lang siya sa fact na I care, na somebody actually cares. And maybe he's glad na he opened up to me, and I responded immediately.
BINABASA MO ANG
Wildest Dreams
General FictionElena Coroña is a girl going wild for her dreams. May it be wealth, books, and fame. Until she found herself chasing only one of the wildest: Mikael Khuat. Complete! Chapters: 55 out of 55. Enjoy! -Rose Cabañero-