Chapter Twelve

125 5 1
                                    




Chapter Twelve



Miyerkules na bukas. At natandaan ko ang mukha ni Yoshef. At yung paghanap niya sa akin. Kung bakit wala daw ako sa school last week. Hindi ko maintindihan kung bakit tila nag-alab ang loob-looban ko nun. Na para bang ipinangako ko sa kanyang magpapakita ako bukas.

Ini-set ko ang alarm ko. Maaga akong mag g-gym bukas. Hindi ko nagawang mag gym kanina dahil tinanghali ako ng gising at nagsusuka ako.

"Okay ka lang ba?" Tanong ni kuya sa akin kanina habang sinasapo ang ulo ko.

Tumango lang ako at pumikit. Mas hinagkan ko pa ang makapal na kumot sa katawan ko. Nakapatay na ang aircon pero nilalamig ako na iniinitan. Hindi ko maintindihan.

"Baka sa beef kagabi, babe?" Tanong ni ate Kate kay kuya.

Tumango naman si kuya. "Iche-check ko ang kitchen. Baka may nakalagpas na naman na sira." Bumaling na naman siya sa akin. "Gusto mo bang uminom ng gamot?"

Ano namang gamot? "Huwag na. Mawawala lang 'to."

At hinayaan na nila akong matulog nun. Hindi naman nagtagal yung masama kong pakiramdam. Nawala rin ito nung sumapit ang hapon. Mabigat tuloy ang katawan ko buong araw.

Bukas, sisiguraduhin kong hindi na ako matamlay. Sana nama'y hindi na ako gisingin ng pagsusuka bukas. Nakakainis kasi. Parang may gusto akong ilabas pero tubig at laway lang ang lumandas.

Hindi pa rin ako sanay na hindi na nagpaparamdam si Mikael. I'm not being clingy. It's just that, may binitawan siyang salita. Na hindi daw siya bibitaw. He changed his mind that quick, huh?

Or hindi ka lang nasanay na walang nangungulit sa'yo, Elena? Is that it? Oh shut up, Elena. Buti na ngang mawala siya. At burahin mo na yun. Para naman hindi ka nagi-guilty kapag tinitingnan ka ni ate Kate.

Natulog ako kaagad pagkahiga ko pa lang. Hindi ko na alam kung nakakumot pa ba ako. Basta't kinaumagahan ay medyo umikot na naman ang tiyan ko.

At heto na naman ako, hagkan ko ang toilet bowl, at parang ipinipiga ang intenstines ko, at kinukulo ang tiyan ko. What the fuck is this!

Tiningnan ko ang bowl. Ang tubig doon ay may konting laway ko lang. Fuck! I can't take this.

Sumakit na naman ang ulo ko. Kaya't kahit na hindi ko na kayang tumayo ay bumalik ako sa kama. Halos gumapang na ako.

Gusto kong tawagan si kuya. Pero when I looked at the time, six o clock pa lang. Nasa bahay pa si kuya ng mga ganitong oras. At ayaw ko namang tawagin si ate Kate. Sigurado akong busy siya sa paghahanda sa baba.

Kaya't ibinalot ko na naman ang sarili ko sa kumot. I'm sure pagkain lang ito. I'll just let this pass. Maybe one week. Kapag hindi pa rin mawawala this Saturday, magpapa check up na ako. Or maybe buy medicine for times like these. I'm sure alam naman nila kuya ang mga gamot para sa ganitong sitwasyon.

Next week na lang yata ako pupunta sa school. Kahit na gusto ko sanang pumunta dahil naamin na nga ng sarili kong gusto kong makita si Yoshef, ayaw ko namang makita niya akong kawawa. Mukhang wala pa naman yung pakialam.

Nakatulog ako at nakagising na naman ng may kumatok. Siya na mismo ang kusang pumasok. May susi yata siya.

"O, may sakit ka na naman?" Tanong ni kuya.

Pumikit lang ako ulit. I don't feel like talking.

Sinapo niya na naman ang noo ko. "Wala ka namang lagnat." Bulong niya.

Narinig kong siyang may tinawagan sa phone. Hindi ko alam kung bakit kinabahan ako roon. At sa sobrang kaba ay napatayo ako agad at inalis sa tenga niya ang cellphone niya.

Wildest DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon