Chapter Forty-OneYoshef: ma is there!
Inangat ko ang tingin ko kay Mrs. Consolacion, and walking beside her now is Mrs. Tan. Nakasuot siya ng brown na leather dress, at itim na closed shoes. Nakasuot din siya ng sunglasses. Sumisigaw ng kayamanan ang mga suot niyang bangles at relo.
Napatayo ako nang mabilisan ang paglapit nilang dalawa sa akin. Mrs. Consolacion glared at me, at itinuro niya ang katabi niya sa pamamagitan ng kanyang mga mata.
Kumalabog ang puso ko dahil doon. What is she doing here? Will she make a scene?
Tumikhim si Mrs. Consolacion at nginitian ako. Napatayo na rin si Sofia sa tabi ko.
"Yan yung babae.." Aniya sa likod ko.
Tumango naman ako.
"Mrs. Tan." Sabi ko kay Mrs. Tan, na ngayon ay nakatitig na sa akin. Even through her dark lenses ay kitang-kita ko pa rin ang mga mata niya.
"Hinahanap ka niya sa akin kanina, El. I told her na you were in Davao. And now you're here. I didn't know." Sabi ni Mrs. Consolacion.
Tumango ako. Of course. Nobody knows. Hindi naman ako bumalik dito para magtrabaho ulit. I came here for Mikael.
"Can we please talk, Elena?" Pormal na tanong ni Mrs. Tan sa akin.
Agad naman akong tumango. I don't know. There is this force that made me want to just follow her orders. Not because I am a slave for her at the moment, but because of that lingering hope that we can resolve our issue.
I hope I can explain my side. Na sana makitaan niya naman ako ng magandang rason para maging karapat-dapat kay Mikael.
This is funny. Dahil I've never been in long term relationships before, at nagsisimula palang ako kay Mikael.
He is my first, and I want him to be my last. That's silly, coming from an inexperienced seventeen-year-old. But what's wrong with dreaming, right?
Iniwan na namin sina Sofia at Mrs. Consolacion, at dumiretso kami sa may coffee shop sa labas lang ng publishing house. Umupo kami sa may banda ng salamin, which is good, dahil may mapupuntahan pa ang mga mata ko. Hindi ko kailangang tingnan siya nang diretsahan kapag ayaw ko.
Walang nagsalita nung una. I was busy with my phone, and it's rude, but she didn't seem to mind. Hula ko ay parehas kami na hinintay muna na dumating ang aming mga inumin bago magsimula.
Yoshef: please stay inside.
Ako: nasa coffee shop lang ako. nag uusap kami ng mama mo.
"So.."
Napaangat ang tingin ko kay Mrs. Tan nang siya na mismo ang unang nagsalita. I quickly hid my phone sa loob ng aking bag.
Tiningnan ko siya, na ngayon ay hubad na ang mga mata. Inilagay niya ang kanyang shades sa mesa at pinaglaruan muna ito bago ako tiningnang muli.
This is all so hard for me to take in. Yung "Mrs. Tan" pa ang tawag ko sa kanya at hindi "tita" dahil wala pa akong karapatan.
I want her to accept me. Yun lang talaga ang gusto kong patunguhan ng usapan namin ngayon. That hopefully, we can look past this age issue. Dahil sa totoo lang, mas marami pa akong naranasan kumpara sa mga ka-edad ko.
If this is about immaturity, at gusto niya na maging mature ang maging girlfriend ni Mikael. Then fine. I will do whatever it takes just to prove to her that I can and am mature.
I just need time.
"Mrs. Tan, about what happened sa bahay niyo. I'm sorry. Hindi ko naman po sinasadya." Sabi ko.
BINABASA MO ANG
Wildest Dreams
Fiction généraleElena Coroña is a girl going wild for her dreams. May it be wealth, books, and fame. Until she found herself chasing only one of the wildest: Mikael Khuat. Complete! Chapters: 55 out of 55. Enjoy! -Rose Cabañero-