Chapter Twenty-Six"Do you like my stepbrother?"
Nagbibiro ba siya? Gusto niya ba talagang sagutin ko yan sa harap mismo nina Yoshef? And what does he wants me to say? My real feelings? Because then, I won't hesitate telling him na I don't!
I like Yoshef. He's been nice to me. Nung una, I was attracted to him. Dulot na rin siguro ng medyo pagka-maldito niya. I like guys who are hard to get. Dahil alam kong hindi nila ako papatulan.
Dahil wala naman talaga akong intensyon na magpapatol! Because I only have one guy in my mind and it's Mikael!
And now he's questioning my feelings!
Tumingin lang ako sa kanya, at sa kina Cole at Yoshef. I don't think that there is any pressure here. Cole also said na he likes me. At alam kong bilang kaibigan yun. Baka magkaparehas sila ng intensyon ni Yoshef? Maybe he likes me as a friend. Dahil kung ganon, then I will be grateful!
Hindi ko tuloy mapigilang makaramdam ng inis kay Yoshef. Para itong patibong na pinagplanuhan nilang tatlo para mapaamin ako. Mikael be the leader, and Yoshef his side kick. Si Cole rin, kasama.
I wish this was just planned. Na gusto lang talagang malaman ni Mikael kung gusto ko ba siya. I pray mentally as I look at the innocent faces of Yoshef and Cole.
What I'm wishing for is impossible...
Tumawa si Yoshef sa gilid ko. "Kuya what are you doing? I didn't mean it like that."
Tinaasan siya ng kilay ni Mikael. "Oh? Akala ko nagpapatulong ka lang.." At uminom na naman siya ng alak.
Hindi ko na mamukhaan ang ekspresyon ko sa mukha ko.
"El? Are you okay?" Tanong sa akin ni Cole.
Napatingin na naman silang lahat sa akin.
Tumango naman ako. Kumunot ang noo ni Cole.
"You look pale. Yosh." Sabi niya.
Naramdaman ko ang kamay ni Yoshef sa likod ko. "Okay ka lang ba El? Nahihilo ka ba? O ano?"
Umiling ako. I don't feel anything, really! I just feel uncomfortable. Pero namumutla? Why would I?
Maybe I should take this advantage. Since I feel really uneasy in the presence of Mikael, gagamitin ko na lang itong paraan para umalis at mapalayo sa kanya.
Kinunot ko ang noo ko at sinapo ang ulo ko. "Um, my head is throbbing a little.."
Tumayo naman si Yoshef nung tumayo ako.
"Siguro mag ba-banyo lang muna ako." Sabi ko, sabay amba na aalis na muna.
Nang tumalikod ako ay narinig ko ang gulat at singhapan nila sa likod. Kaya't nilingon ko sila.
Their eyes were all wide, at laglag panga. Nakadirekta ang mga mata nila sa likod ko. No, nasa ilalim pa ng likod ko!
Nagtindigan ang balahibo ko. Oh no. Don't tell me..
Dinamdam ko ang tela ng bestida ko sa likod, at nanginig na ako nang naramdaman ang bakat ng dugo roon. Basa ito at medyo malapit nang manigas!
What the hell! I want to run! Bakit ngayon pa? Sa harap pa ng mga lalaki?! At wala pa akong dalang pads!
"El! Natagos ka yata!" Sabi ni Cole. Nakita kong napatayo na rin siya.
Napapikit si Mikael. Sina Damien at Rusty naman ay napaiwas ng tingin. Na para bang napaka bayolente ng pagkakita ng tagos ng isang babae.
BINABASA MO ANG
Wildest Dreams
General FictionElena Coroña is a girl going wild for her dreams. May it be wealth, books, and fame. Until she found herself chasing only one of the wildest: Mikael Khuat. Complete! Chapters: 55 out of 55. Enjoy! -Rose Cabañero-