Chapter Fifty-Five"Ang alin?" Tanong ko.
Napapikit siya at umiling na. Naglahad siya ng kamay sa akin.
Tumigil ako sa paghinga dahil sa ginawa niyang yun. Kumaripas sa takbo ang puso ko. And there's that pinching sensation again.
Napatulala lang ako sa kamay niya.
What happens if I take it? Baka sasabog ako. Baka lumabas lang sa bibig ko ang mga itinatago ko pa ngayon sa kanya.
What happens if I don't? He may take it back. He may never offer his hand again.
I blinked and took his hand. Marahan ang pag giya niya sa akin patungo sa unahan ng linya. It's like my hand is floating and he's the cloud.
Nang bumukas ang pintuan ng grand ballroom ay sinabihan niya na kaagad akong maglakad.
Kaya't naglakad kami sa red carpet.
Sa dulo ng red carpet ay may isang malaking camera na may lighting sa taas. Mukhang automatic ang pagkuha nito ng litrato dahil pagkahinto namin sa dapit gitna ay agad itong nag flash.
Lumiko kami ni Mikael, at nakita ko na ang kabuuan ng ballroom.
The movies didn't lie. Ganitong ganito pala talaga ang mga ballrooms. With the big space, maraming mga lamesa't upuan. Mabibigat at mahahaba ang mga kurtina. Malaki at kumikislap ang mga chandelier sa kisame.
Napangiti ako. And I somehow talked to the flesh inside me.
Look, we're inside a ballroom. And I'm holding your daddy's hand.
Nagtindigan ang balahibo ko sa ginawa kong yun. Umiling ako. What the hell am I doing.
Umupo kami ni Mikael sa isang table. He offered to pull the seat for me pero tumanggi ako. Pinauna ko siyang umupo at umupo ako na may tatlong upuan sa pagitan namin.
He glared at me because of it.
"Dito ka umupo sa tabi ko." Matigas niyang sabi.
Umiling ako saka umupo sa gusto kong upuan. Doon lang ako nakahingang muli ng maayos. I've been holding my breath since our skin touched. Hindi yun nakabubuti sa akin.
Nagpasukan na ang ibang mga guests at nagsimula na ang program. Yoshef is beside me, while Cassie is beside Mikael.
Ipinatawag si Mikael sa simula, and he made a speech.
"Thank you all for coming." Sabi niya. "I didn't prepare my speech."
Tumawa ang madla sa sinabi niya. Nakayuko lang ako at ipinagsalikop ang mga daliri ko.
"But let me just say, thank you, to all of you. Especially my brother.."
Binalingan ko si Yoshef. Diretso ang mga mata niya kay Mikael ngayon.
"...my friends..."
Hindi ka niya kaibigan, El.
"To Cassie."
At biglang may nagtilian sa paligid. Napatingin ako kay Cassie, na ngayon ay pinapawi na ang mga tumutukso sa kanya.
The side of my lip lifted because of it. Not because I'm happy, but because I'm sad.
"Happy birthday to me." Pagtatapos ni Mikael, at saka nagsimula na ang sayawan.
Yoshef asked me to dance. Tiningnan ko ang dami ng taong nasa gitna ngayon, at umurong ang tiyan ko dahil doon.
Umiling ako. "I don't want to.. Sorry. Masakit ang ulo ko.." Masakit ang puso ko.
Napaupo si Yoshef sa tabi ko dahil doon. Hinawakan niya ang batok ko at saka minasahe.
BINABASA MO ANG
Wildest Dreams
General FictionElena Coroña is a girl going wild for her dreams. May it be wealth, books, and fame. Until she found herself chasing only one of the wildest: Mikael Khuat. Complete! Chapters: 55 out of 55. Enjoy! -Rose Cabañero-