Chapter Thirty-Two

100 6 0
                                    





Chapter Thirty-Two


Hindi ko alam kung paano ko pa nakayanang umupo sa front seat, katabi niya. Matulin ang pagpapatakbo niya ng sasakyan, at halos mapunit naman ang seatbelt niya dahil sa pagkakahawak ko.

I'm afraid we'll both die because of this speeding. Pero hindi ako umangal. I feel like I have no right.

Paulit-ulit na nagre-replay ang nangyari kanina. And I can't help but feel angry and guilty at the same time! Galit ako sa sarili ko, dahil duwag ako. Guilty naman ako dahil hanggang ngayon ay hindi parin tumitigil ang pagluha ni Mikael.

Tiningnan ko ang basa niyang kamay na nakahawak sa manibel. It's been wet, dahil patuloy ang pagpahid niya ng mga luha niya sa pisngi niya.

I want to take it all back. I want to tell him that I was just lying. Na ang totoo ay natatakot lang talaga ako na malaman niya yung nagawa ko. Sino ba namang gustong ipagmalaki yun?

I've been so lost. I am a lost soul. I've been guided less, lived life on my own too early, and now I've made poor decisions. And I'm still making poor life decisions right now, habang tinitingnan ko si Mikael na umiiyak.

Dumungaw ako sa labas ng bintana. May nakita akong magkakaibigan na nagtatawanan lang habang papalabas sa Jollibee. I'm sure they're talking about their projects, or even crushes, or their enemies. How simple their lives are, I envy. They're still growing up.

I am, too. But then I guess I've been exposed in the wrong environment. And now I'm a misplaced mess. I'm a failed experiment.

Iniliko niya ang sasakyan sa harap ng isang bangko. Gusto kong magtanong kung anong ginagawa namin dito, pero hindi ko na tinuloy. He might not answer me. Maiiwan lang yung tanong ko sa hangin.

Without saying a word, he wore his sunglasses, at lumabas. Hindi ko alam kung kailangan ko bang sumunod sa loob. He didn't lock the car. He just killed the engine and left. Should I go in?

Pinanood ko siya na pinagbuksan ng guard ng glass door. Tumango lang siya sa guard. I waited for a sign: maybe, lilingon siya. Kung lilingon siya'y susunod ako sa kanya sa loob.

But he didn't. He just walked straight ahead. And my heart crushed again.

Pinigilan ko ang hikbi ko. This is my fault, anyway. I broke him once, now twice. Hanggang kailan ko pa ba ito ipagpapatuloy?

Why can't I just make up my mind?

I know I want him! Pero may hindi rin akong maintindihan. May humihila sa akin pabalik, telling me that I'm not ready for him. That I should be more mature. That I should be better.

Nang nakita ko na siyang papalabas na ay inayos ko kaagad ang mukha ko. I wiped the tears, at yumuko nang binuksan niya na ang pintuan.

Pumasok na siya at binuhay na ang sasakyan.

"I transferred the money." Sabi niya. At naramamdaman ko ang titig niya sa akin. Hindi ko siya binalingan. I don't want to see him hurting, or even angry. I don't want to see him.

Ever.

Tumango ako. "Thank you."

Napatawa siya at umiling-iling. "I don't understand you, El." Sabay tingin sa likod para maiatras na ang sasakyan.

Instinct pushed me to look behind me too. Nasanay na ako sa mga magulang ko na kapag nagba-backing ay sumasabay ako sa pagtingin sa likod. To guide them whether or not they should stop or not.

Nang tumingin na ako sa likod ay agad na huminto ang pagpapa-atras niya sa sasakyan. At napatingin na ako sa kanya dahil doon.

And I shouldn't have. Dahil nakita kong nasa labi ko nakatuon ang kanyang mga mata.

Wildest DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon