Chapter Thirty-Nine

108 4 0
                                    





Chapter Thirty-Nine


"Let's go?"

I took Mikael's hand. Maaga ang flight namin ngayon. Alas kwatro pa lang ay gising na kami ni Mikael at nag-ayos na patungo sa airport.

Nakapag-ayos na ako ng gamit kagabi. Shoulder bag lang ang dala ko. I'm going to Manila, but I guess I won't stay for long.

Wala rin naman sigurong plano si Mikael na magtagal doon. He will go there for business. Whatever it is ay hindi raw yun magtatagal, aniya.

Ipinahatid kami ni kuya sa airport gamit ang hotel car. Maaga pa siyang pumasok para lang maabutan kami sa paglabas.

Niyakap ko kaagad siya, and there's something in that hug that scared me. Na para bang mas kakailanganin ko ito sa susunod.

"Kung magtatanong sina mama, sasabihin kong ikaw ang kausapin niya."

Tumango naman ako. Hindi ko pa rin sila nasasabihan. They'll just ask me why. At sa tingin ko'y kailangan ko munang timplahin ang sagot doon.

Nang nakarating na kami sa airport ay kinuha na ni Mikael ang bag. Inihanda niya na agad ang tickets namin sa kamay niya. Hinawakan niya ang kamay ko at naglakad na kami papunta sa loob.

Laking gulat ko naman nang nakita ko sina Kristine, Heart, at Abiel na nakatayo roon.

Talagang seryoso pala sila nung sinabi nilang ihahatid nila ako!

Niyakap ko silang tatlo. Silang tatlo lang. Wala sina Stephanie at Mina.

"Wala sina Steph at Mina. Hindi pinayagan eh." Sabi ni Kristine.

Tumango naman ako. It's okay.

"Ang hassle naman nito para sa inyo.."

Ang aga pa!

Umiling si Kristine at napakunot ang noo. "El, walang hassle kapag marami kang kapatid."

Napatawa naman ako.

Literal nila akong inihatid hanggang sa harap ng glass doors ng airport. Napatingin naman sila kay Mikael nang ngumiti ito sa kanila.

Nadatnan ko pang sinisiko ni Abiel si Heart, at si Kristine naman ay napakagat-labi.

Nang nakapagpaalam na kami ay nag check in na kami ni Mikael. It suddenly feels like it's a long time since I've been here. Nearly half of two months, and I suddenly miss the rush of airports.

Nang nag alas sinko ay pumasok na kami sa eroplano. Tulog ako buong biyahe. Nagising nalang ako nang naramdaman ko nang lumapag ang eroplano.

Umalis ako sa pagkakahiga galing sa dibdib ni Mikael. Napagising din siya dahil doon. Kinusot niya ang kanyang mga mata at nginitian ko.

"Good morning again." Tawa niya at lumapit sa akin, pero tinulak ko naman siya at napalinga sa paligid.

Gising ang mga tao sa paligid. Baka may makakita pa. Nakakahiya!

"What?" Protesta niya.

"PDA?"

Umiling naman siya. "Just.. Here." Sabi niya at dinampian ng halik ang panga ko. Napapikit naman ako dahil doon.

Iba ang dating ng Manila sa akin. Now that we just landed again, ay parang bumabalik na naman ako sa dating ako. Yun bang trabaho na ang iniisip.

Nung sa Davao kasi ay mga kaibigan at pamilya ko ang hinahanap ko. And that, to me, was relaxing. Pero ngayong nandito na naman ako ay pinapangunahan ko na naman sa pag-isip ang mga bagay-bagay. Tulad ng saan ko gustong gastusin ang pera ko, o kung saan ako magsusulat, o kung anong gagawin ko sa mga araw na hindi ko kailangang magsulat.

Wildest DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon