Alexa Kyla's Pov
Hindi ako mapakali mula kanina pa. Ehh kasi naman naiisip ko yung moment na niyakap ako ni Harper.
Hayy kainis naman oh!
Makatulog na nga.KINABUKASAN, nahuli ako ng gising, nagising nalang ako ng katukin ako ni kuya.
"Kyla, gising na! nandito ang mga kaibigan mo may lakad daw kayo"
Agad naman akong nag ayos nang sarili ko at lumabas ng kwarto. Nakita ko nalang si Kuya na nakikipagkwentuhan sa mga bhesty ko.
"Lakad? May lakad tayo bat di ako na-orient?" Tanong ko sakanila habang naglalakad papunta sa kanila, at nagsi tinginan naman sila saakin.
"Anong di ka na-orient dyan? Ikaw kaya nagsabi na may lakad tayo ngayon!" Bulyaw ni Leah
"Nagtext ka pa nga saakin kagabi ehh" sabi naman ni Diane
"Ganun ba? Wala akong matandaan sa mga pinagsasabi nyo ah" ani ko pero sa totoo lang wala talaga akong matandaan kasi ang nasa isip ko lang ay si Harper. Nababaliw na ata ako.
"Tama na yan satsat magbihis ka na para maka alis na tayo" singit naman ni Krisha sabay tulak saakin papuntang kwarto ko pero syempre hindi niya ako kaya kasi mas mabigat ako sakanya
"Oh bunso, narinig mo naman di ba? Sige na magbihis ka na at para makaalis na kayo." Pagsasang ayon naman ng kuya ko
"Ikaw kuya ahh gusto mo na akong paalisin sa bahay ahh" sabi ko ng may pangangasar. At kusa na akong nagpunta sa kwarto ko.
Ligo
Bihis
Ayos
Tapos na! Pagkalabas ko ng kwarto."Gora na tayo mga bhesty!" Sigaw ko
At nagsi labasan na kami ng bahay and syempre nagpaalam ako kay kuya
"Bye kuya!" Ani ko with matching wave pa.
"Ingat kayo ha! Uwi ng maaga" bilin nya
At naglakad na kami palayo. Habang naglalakad kami ay syempre kwento dito, kwento dyan samantalang ako walang imik lang.
"Oh bhesty, ang tahimik mo naman dyan, nakakapanibago yan ah" pangangasar ni Jewel saakin
"Baka naman may tinatago ka saamin ahh?" Mapang asar na tanong ni Jhona
"Hula ko kaya hindi nakatulog ito ng maayos kasi iniisip niya yung moment na niyakap siya ni Harper" sabi naman ni Leah na may kasama pang pangangasar.
"Hala! Yun ba ang dahilan bhesty?" sabay sabay pa nilang tanong saakin.
"Tara na nga malapit na tayo oh" pagbabago ko ng usapan
"Wooh umiiwas si Kyla!" Sabay sabay na sigaw nila.
Dahil sa pangangasar nila iniwan ko sila tumakbo ako hanggang kaya ko pero dahil kaibigan nila ako hinabol nila ako.
Leah Jean's Pov
Napikon yata namin si Kyla tinakbuhan nya kami ehh pero nahabol namin siya. Syempre mabilis kaming tumakbo. Lol xD Kaya heto kami ngayon nasa pizza parlor kumakain ng pizza!
"Di ba si Sharpener yun?" Tanong ni Jewel sabay turo
"Sharpener?" Tanong ni Kyla
"Ay I mean si Harper!" Pagtatama ni Jewel
Kaya napalingon kaming lahat sa tinuro ni Jewel
Hindi pa namin siya tinatawag ay automatic na siyang napatingin saamin.ang lakas ng sense niya ahh.
Kaya agad agad siyang naglakad papunta saamin"Hi Girls, Hi Kyla!" Bati niya saamin at kay Kyla na ang haba ng buhok abot hanggang langit LOL XD
"Hello Harper!" Sabay sabay na sabi naming lima
BINABASA MO ANG
He's My Guardian Angel [Completed]
RomancePaano kong mainlove ka sa isang taong hindi naman kayo pwede ? May pagkakataon pa bang magkatuluyan sila kahit na isa siyang gangster? Magkakahappy Ending pa ba kaya? Let's find out!