Alexa Kyla's Pov
Ngayong araw na 'to sana ang labas ko sa hospital, pero dahil sa makulit si baby love ko ay na-extend pa ako dito ng 2 days. Hayss.. pwede naman kasing sa bahay na ako magpahinga, nagpupumilit kasi si baby love ehh. Okay na okay na nga ako ehh! Hayss. Si baby love talaga!
"Gising ka na pala" bungad niya, kagigising niya lang ehh, pero kahit na bagong gising siya ang gwapo niya parin.
"Oh bakit ka nakangiti dyan?" Tanong niya
"Ang gwapo kasi ng baby love ko ehh" sagot ko.
"Yeah, I know baby love, wag kang maingay baka marinig nila, pagkaguluhan nila ako!" Aniya atsaka niya pa talaga tinakpan ang bibig ko.
Ang lamig na nga sa room ko dala ng aircon, mas lalo pang lumamig dahil sa dala niyang hanging habagat. Ang taas talaga ng self- confidence.
"Oh natahimik ka dyan? Gusto mong i-kiss kita?" Tanong ulit niya.
Imbis na sagutin ko ang tanong niya ay hinampas ko nalang siya sa braso.
"Isang kiss lang baby love habang tulog pa sila" sabi niya ng nakangisi.
"Hmmmm... haaay! umaga na pala!" Ani Leah, kaya napatingin kami sakanya.
"Ayy sorry, wrong timing ba ang gising ko?" Tanong niya.
Umiling lang ako samantalang si Neil may binubulong na kong ano. Hindi ko marinig ehh. Bulong lang kasi. Hahaha!
"Ano ba yan! Minsan na nga lang...." pabulong na sabi niya
"May sinasabi ka ba Neil!?" Tanong ni Leah
Umiling lang siya, natawa ako sakanya.. may sinasabi siya ehh.. hahaha! Hayss! Bigla nalang may tumawag kay baby love ko..
"Excuse lang, si Terrence tumatawag" aniya saamin atsaka siya lumabas ng room ko para sagutin ang tawag.
"Bhesty nagugutom ka ba?" Tanong ni bhesty Leah saakin.
Umiling lang ako, hindi naman talaga ako nagugutom ehh. Busog na busog nga ako ehh sa pag aalaga at pagmamahal nila saakin. Hahaha! Naks! XD
"Ang saya mo yata ngayon bhesty?" Tanong ni bhesty Jhona na kagigising lang.
"Hindi naman, slight lang!" Sagot ko ng nakangiti.
Actually ang mga kasama ko ngayon ay ang mga bhesty ko. Complete Attendance nga kami ehh. Hahahaha! Sina Mama at Papa naman ay may inaasikaso daw as usual paper works pero bumibisita naman sila dito pag free time nila. Si kuya naman nasa labas daw bumibili ng pagkain..
Nagulat kami ng biglang bumukas ang pinto. Nagmamadaling nagpaalam saamin si baby love ko.
"Leah, kayo munang bahala kay baby love ko ahh, may aasikasuhin lang ako saglit" aniya atsaka siya lumabas ng room ko. Di nagtagal ay bumukas ulit ang pinto.
"May nakalimutan ako" aniya atsaka siya lumapit saakin at bahagyang hinalikan ako sa noo.
"I love you baby love" bulong niya habang kayakap niya ako.
"I love you too, ingat ka baby love ko ahh" sambit ko.
Tumango lang siya saakin atsaka na siya lumabas ng room ko.
"Anong nangyari dun?" Naguguluhang tanong ni Jhona ng tuluyan ng lumabas si Neil ko.
"May appointment daw" sagot ko.
"Sssshhh, wag nga kayong maingay, kita niyong natutulog pa ako rito ehh!" Reklamo ni Krisha sabay kamot sa ulo.
"Grrr, wag mo kong yakapin Jewel, hindi ako yung unan mo!" Naiinis na sabi ni bhesty Krisha. Ganyan talaga yan si bhesty Krisha ehh.
BINABASA MO ANG
He's My Guardian Angel [Completed]
RomancePaano kong mainlove ka sa isang taong hindi naman kayo pwede ? May pagkakataon pa bang magkatuluyan sila kahit na isa siyang gangster? Magkakahappy Ending pa ba kaya? Let's find out!