Leah Jean's Pov
Papunta ako este kami ni Lawrence ko ngayon sa bahay ni Kyla, Bakit? Para magtambay sa house nila. Obvious ba?! For sure maraming foods there! ^___^
Habang nagd-drive si Lawrence ay nakatingin siya saakin. Daan ba ako? Saakin siya naka-focus ehh.
"Gusto mo bang ma-aksidente tayo?!" Pagtataray ko pero syempre slight lang!
"Hindi" mabilis na sagot niya.
"Ehh bakit saakin ka nakatingin imbis na sa daan!" Sigaw ko.
"Ang Ganda mo kasi" aniya
Lihim naman akong napangiti sa sinabi niya.
Sssscccreeeeeessshhhhh...
Bigla nalang nag-brake si Lawrence, muntikan naman akong tumilapon buti nalang talaga at naka-seatbelt ako. Yung kaninang ngiti ko naman ay napalitan ng takot at kaba.
"Sorry! Yung aso at pusa kasi nag aaway sa mismong daan" ani Lawrence
Imbis na tarayan ko siya ay natawa ako. Ewan ko ba! Siguro dun sa sinabi niya or sa expression niya. Nagawa niya pa kasing ngumiti ehh muntikan na kaming ma-aksidente. Nababaliw na yata siya or Ako lang talaga yung baliw.
Nagsimula ulit siyang magdrive.
At nang makarating kami sa house ni Bhesty Kyla ay dire-diretso lang akong pumasok wala nang doorbell di uso yun saamin ehh."Bhesty!!" Sigaw ko.
Nagulat naman siya sa pagsigaw ko.
"Ohh bhesty" bungad niya sabay yakap saakin.
"Pwede bang tumambay kami rito ni Lawrence?" Tanong ko.
Napakamot naman siya sa ulo niya na para bang sinasabing 'sabi na ehh' Hahaha. XD
"Oo naman" sagot niya.
Wala pang isang minuto ay dumating si Neil.
"Hi Baby Love" bati niya kay Kyla.
Agad namang sinalubong ni bhesty ang boyfriend niya at tska niyakap.
"Inggit ka noh?" Bulong ng katabi kong si Lawrence.
Agad naman akong lumingon kay Lawrence at nagulat nalang ako ng 1 inch lang ang pagitan ng mukha namin sa isa't isa.
Nagising ang diwa ko ng sumigaw ng..
"Kiss!" yung dalawang lovers kaya bigla kong naitulak si Lawrence.
Agad naman akong naglakad papuntang comfort room, Sinundan naman ako ni bhesty.
Lawrence's Pov
"Sayang yun dude!" Ani Neil ng nanghihinayang.
Tumawa lang ako. Sayang nga. Pero syempre nirerespeto ko parin siya. Mahirap na baka hindi ako sagutin.
Mag iisang oras na sila sa CR, kaya naisipan ni Neil na sumunod nalang. Wala akong choice kundi sumunod narin.
Narinig ko nalang na nag uusap yung dalawang magkaibigan."Bhesty, ayaw ko ng lumabas! Ayaw kong makita ako ni Lawrence. Nakakahiya!" Ani Leah
"Anong kinahihiya mo naman bhesty? Hindi naman dumampi yung labi niyo sa isa't isa" paliwanag ni Kyla kay Leah
Natatawa naman kami ni Neil kay Leah.
"OA na kong OA, pero ayaw ko talagang lumabas, Dito lang tayo!" Sabi ni Leah na para bang nahihiya talaga.
"Lumabas na kayo dyan wala na si Lawrence dito" ani Neil kina Kyla at Leah ng nakangisi.
"Bhesty! Dito ka lang! Wag mo kong iiwan!" Sigaw ni Leah kay Kyla.
BINABASA MO ANG
He's My Guardian Angel [Completed]
RomancePaano kong mainlove ka sa isang taong hindi naman kayo pwede ? May pagkakataon pa bang magkatuluyan sila kahit na isa siyang gangster? Magkakahappy Ending pa ba kaya? Let's find out!