Chapter 13

88 3 0
                                    

Alexa Kyla's Pov

Nasa grocery kami ngayon ni Kuya wala na kasi kaming stock sa bahay ehh. Syempre matakaw ako. Hahaha Lol.

Kuha lang ako ng kuha kahit anong makita ko basta masarap kainin sige lang. Punong puno na nga yung cart namin ehh.

"Ang dami naman neto bunso" ani Kuya.

Nginitian ko lang si Kuya. Alam na niya ang ibig sabihin nyan. Hahaha.

Nag iisip pa ako kong ano pa ang pwedeng i-stock na pagkain sa bahay, baka kasi maisipan ng mga kaibigan ko na tumambay sa bahay namin lalo na at mahilig magtambay sa bahay bahay yung mga yun.

"Oh may kulang pa ba bunso?" Tanong ni Kuya saakin.

"Wala na pala kuya, tara na sa counter Kuya" sabi ko.

Habang nagbabayad na nang pinamili si Kuya ay nandito lang ako sa tapat ng counter naghihintay na matapos.

"Kyla.."tawag saakin nung babaeng hinding ko kilala. Ako ba talaga tinatawag niya? Hindi ko siya nilingon baka mamaya kasi mapagkamalan akong assuming..

Nilapitan naman ako nung babae. Sabay sabing "ikaw si Kyla Lee di ba?"

So ako nga yung tinatawag niya.. Hindi ko talaga siya talaga ehh. Wala naman akong amnesia.

"Kyla?" Tanong niya.

Napa'Hmm?' nalang ako baka kasi kidnapper rin ito ehh wala pa naman si Neil ko.

"Hindi mo ba ako kilala?" Tanong niya.

Malamang kaya nga kita hindi pinapansin ehh.

"I'm Danielle" aniya.

Danielle? May kilala ba akong ganung pangalan? Sa pagkaka alam ko wala ehh.

"Miss, hindi kita kilala" sabi ko nalang. Ehh nakakairita na siya ehh.

"Hindi mo ba talaga ako kilala? Ako yung nag iisang minaha----"

Naputol ang sasabihin niya kasi sumulpot si Kuya.

"Tara na bunso" ani Kuya kaya naglakad na kami paalis.

"Kyla.." tawag ulit nung babaeng yun.

Wala na ba siyang ibang alam na sabihin kundi pangalan ko lang?

"Oh bunso kilala mo ba yun?" Tanong saakin ni Kuya.

"Hindi kuya ehh, sabi niya siya daw si Danielle" sabi ko naman.

Bahala siya dyan! Hindi ko siya kilala. FC ganern! Pero infairness kilala niya ako. Sino kaya yung impaktang yun?

Harper Neil's Pov

"Dude, dumating na si Danielle, kanina lang." Balita ni Clarence saakin

"Ha?,Bakit naman kaya bumalik pa yung babaeng yun?" Tanong ni Miggy.

"Baka may planong sirain ang relasyon nina Neil at Kyla" Ani Terrence na kumakain ng fries sa couch habang nanunuod.

Bigla naman uminit ang ulo ko sa sinabi ni Terrence.

"Wag na wag niyang gagawin yan kundi ---" naputol ang sasabihin ko ng tumunog ang phone ko.

Hindi ko sana sasagutin ang tawag dahil umiinit ang ulo ko.

"Si Kyla tumatawag" sabi naman ni Blue sabay abot saakin ng phone ko.

Pinakalma ko muna ang sarili ko at sinagot ang tawag niya.

[Hi Baby Love, Miss mo na ba agad ang gwapo mong boyfriend?] bungad ko sakanya na para bang walang nangyari.

Tumikhim naman ang mga A8 na kasalukuyang nakikinig sa usapan namin.

He's My Guardian Angel [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon