Leah Jean's Pov
Isang linggo na pala mula ng umuwi si bhesty. Ambilis ng araw!
Pero ngayon niya lang naisipan na kunin ang certificate niya. Wala eh busy siya masyado sa baby love niya at syempre pati rin saamin, natural matagal na hindi namin siya nakasama ehh. XDNandito kami ngayon sa loob ng campus, kung nagtataka kayo kong bakit dalawa lang kami ay dahil busy yung apat, sina Krisha at Jewel inaayos pa nila ang mga requirements nila dahil nga lilipat sila, sina Jhona at Diane kasama ang mga boyfie nila, yung boyfie naman namin ni bhesty ayon nagt-training, kami nalang talaga ni bhesty ang magkasama. :(
Papunta na kami ngayon sa office ni Mr. Reyes. Ngiting ngiti nga 'tong bhesty ko habang naglalakad kami, nasapian yata siya ng happiness. Charot! XD Nang makarating kami sa office ni Mr. Reyes ay agad niya naman kaming sinalubong ng ngiti.
"Buti naman at nakabalik ka na Ms. Lee" bungad niya kay bhesty.
Hindi ba ako napansin ni Mr. Reyes? Ginawa niya pa akong hangin dito ahh. Hayss..
"Have a sit"
Umupo naman kami ni bhesty.
"Ahh sir, kukunin ko po yung certificate ko" panimula ni bhesty
Wala pang ilang minuto ay iniabot na ni Mr. Reyes yung certificate ni bhesty.
"Congratulations Ms. Lee you are now grade 10 completers!" Ani Mr. Reyes at nakipag-shake hands pa kay bhesty.
"Thanks Sir, pagpasensyahan niyo na po kong hindi po ako naka-attend" aniya
"It's okay, Ms. Lee"
"Salamat po talaga Sir, sige po alis na po kami, thanks again Sir!" Paalam niya
"Thank you po Sir!" Sabat ko rin. Aba! Syempre Pov ko 'to kaya dapat may linya rin ako.
At tuluyan na kaming lumabas ng office ni Mr. Reyes. Pagkalabas namin ni bhesty ay nagtatalon talon siya sa saya.
"Yes! Finally! Nahawakan na kita! *tsup* *tsup* " sigaw ni bhesty at hinalikan pa niya talaga yung certificate niya.
"Buti pa yung certificate, hinahalikan!" Sabat ni Neil, nakakagulat naman 'to! Para siyang kabute, bigla bigla nalang kong sumusulpot ehh.
"Oh bakit nandito ka? May training pa kayo di ba?" Tanong ni Kyla
"Kakatapos lang ng training namin, Tara! hatid ko na kayo!"
Yung totoo? Pov ko ba talaga 'to? Nakakainis ka na author ahh! XD Kanina pa ako OUT OF PLACE huhuhu nasaan na ba kasi si Lawrence ko?
Speaking of...
"Hi Babe!" Bati ni Lawrence ko sabay halik sa pisngi ko.
Hayy! Buti naman at dumating ka na Lawrence ko, kanina pa talaga ako OP ehh. Hahaha!
"Tamang tama, tara kain muna tayo!" Yaya ni Bhesty ng may ngiti sa labi. Yung ngiting abot hanggang langit ganern! Hahaha!
At naglakad na kami papuntang parking lot ng magka-akbay, Grabe! Ang bango ni babe ko, bagong shower! XD
"Anong nginingiti ngiti mo dyan?" Tanong niya.
"Wala, masaya lang, bakit bawal bang ngumiti?" Pabalik na tanong ko.
Umiling naman siya at nagpatuloy kami sa paglalakad.
At nang malapit na kami sa parking lot ay bigla nalang may isang motorbike na mabilis magpatakbo at nagpaputok ng baril. Sa sobrang bilis ng pangyayari ay napatumba kami ni Lawrence at niyakap niya ako ng mahigpit. Bigla nalang kaming napatingin kay bhesty ng malaman namin na natamaan pala siya ng bala. Kahit na nagsisigawan pa ang mga tao sa paligid ay agad akong lumapit kay bhesty.
BINABASA MO ANG
He's My Guardian Angel [Completed]
RomancePaano kong mainlove ka sa isang taong hindi naman kayo pwede ? May pagkakataon pa bang magkatuluyan sila kahit na isa siyang gangster? Magkakahappy Ending pa ba kaya? Let's find out!