Diane's Pov
Tatlong araw nang tulog si bhesty Kyla. Nag-alala na kaming lahat para sakanya, pero imbis na mag-isip ako ng kung ano ano ay nagdasal nalang ako na sana magising na siya. Nandito kaming mga kaibigan niya ngayon, kahit tatlong araw na kaming laging puyat ay keri parin namin, basta para sakanya.
Nakakabilib nga si Neil ehh, hindi talaga siya natulog ng tatlong araw para bantayan si bhesty. Kinakantahan pa nga niya minsan si bhesty ehh. Bakas talaga sakanya ang lungkot. Ngayon alam na namin na hindi maipapaliwanag ng isang salita lang ang pagmamahal niya sa kaibigan namin, Nakikita talaga namin sakanya kung gaano niya kamahal si bhesty Kyla.
Nagpaalam muna sina Krisha at Kristoffer na bibili muna ng makakain sa labas.
"Mga bhesty, Bili muna kami ng pagkain, may ipapabili ba kayo?" Tanong niya
"Pabili kami ng tatlong box ng pizza, kasi for sure pagna-amoy ni bhesty Kyla ang pizza magigising na siya" ani Leah at natatawa pa.
"Oo nga no? Malay niyo di ba?" Pagsasangyon ni Jewel
Nagthumbs up naman si Jhona, susubukan lang naman, baka kasi mamaya sa sobrang gutom na niya magising na siya di ba? Biruin niyo tatlong araw, kaya paniguradong paggising nyan gutom na gutom yan si bhesty.
Lumabas naman ng kwarto sina Krisha at Kris para bumili ng pizza.
Naiwan naman kaming apat dito. Sina bhesty Leah at Jhona nasa couch habang nanonood ng tv. Samantalang si bhesty Jewel katabi ko habang nag-facebook, at heto ako nakatingin lang kay bhesty Kyla at kay Neil na wala pang tulog. Ang tigas ng ulo ehh sabi ng matulog siya! Hayys!
Sina tito at tita naman umuwi muna saglit sa house nila bhesty.Napalingon naman kami ng bumukas ang pinto. Bumungad saamin ang A9.
"Hi Girls!" Bati nila saamin. Ngumiti lang kami sakanila.
"Oh dude!" At nakipag-fist bump sila kay Neil.
"May dala pala kaming prutas para kay Kyla" sambit ni Louis atska niya nilapag sa table.
"Salamat sa inyo mga dude!" Sambit ni Neil.
"Musta na siya?" Nag-aalalang tanong ni Clarence kay Neil.
"Okay na siya, hinihintay nalang namin ang paggising niya" sagot ni Neil.
"Buti naman kung ganun" ani Clarence.
"Nakilala mo ba kung sino yung mga yun, Neil?" Tanong ni Terrence
"Hindi ehh, masyado kasing mabilis ang pangyayari" sagot nito.
Napailing nalang sila sa narinig na sagot ni Neil at napasuntok nalang sa pader si Ram. Kung maka-asta naman siya parang siyang boyfriend ni bhesty ahh.
"Sa susunod Neil, mag-ingat ka naman, lalo na pagkasama mo si Kyla" pasigaw na sabi niya.
Napatayo naman si Neil sa inasta ni Ram at aakmang susuntukin na niya si Ram pero pinigilan siya ng mga tropa niya.
"Wag mong ipamukha saakin na pabaya akong boyfriend ha! Dahil una sa lahat hindi ako ganun. Aksidente lang ang lahat!" Sigaw niya sabay turo kay Ram.
"Hindi mangyayari yan sa kanya kung hindi mo siya pinabayaan!" Sumbat ni Ram.
"F*ck! Tumigil nga kayo! Walang may kasalanan sa nangyari okay!? Ang mahalaga okay si Kyla!" Sabat ni Terrence.
Bigla naman nag-walk out si Ram. Nagpaalam naman na sila atsaka nila sinundan si Ram.
"Dude! Pagpasensyahan mo na si Ram" ani Blue atska niya tinapik si Neil.
"Sige alis na kami, kakausapin namin si Ram" paalam ni Terrence.
BINABASA MO ANG
He's My Guardian Angel [Completed]
RomancePaano kong mainlove ka sa isang taong hindi naman kayo pwede ? May pagkakataon pa bang magkatuluyan sila kahit na isa siyang gangster? Magkakahappy Ending pa ba kaya? Let's find out!