Chapter 38

91 3 2
                                    

Third Person's Pov

Agad na nakarating ang balita sa mga magulang ni Kyla na siyang kinakatakot nila.

"Anak, wag mo kaming iiwan ha" sambit ng kanyang ina habang may mga luhang pumapatak sa kanyang mga mata.

"Baby girl, lumaban ka! Kaya mo yan!" Sambit ng kanyang ama.

"Excuse me po, Ma'am and Sir. Kailangan na po natin siyang dalhin sa Operating Room" sabat ng nurse


PAGKATAPOS ng ilang oras na paghihintay ay lumabas na ang doctor para ibalita sakanila..

"Doc, ang anak ko po?" Mangiyak ngiyak na sambit ng ina.

"Ma'am, Sir. Pasensya na po kayo, ginawa po namin ang lahat ng makakaya namin" paliwanag ng doctor

"Hindi! Hindi pwede! Nagkakamali kayo Doc, hindi yan totoo!" Pasigaw na sabi ng ina.

"Yun po ang totoo Mrs. Lee, wala na po ang anak niyo, pinilit po namin siyang i-survive pero hindi na po kaya ng katawan niya, marami pong dugo ang nawala sakanya na siyang kinamatay niya" paliwanag ng doctor sa mag asawa tsaka na 'to naglakad palayo.

Napahagulhol naman ang ina sa narinig niya. Hindi niya tanggap na wala na kanyang unica hija.
Pumasok sila sa Operating Room kong saan nandun ang kanilang anak. Mas lalong napahagulhol ang ina ng makita niya ang kanyang anak, lumapit 'to para yakapin ang anak niyang wala ng buhay.

Lubos na nalungkot ang lahat sa pagkawala ni Kyla lalo na ang kanyang pamilya at ang kanyang mga kaibigan, lalo na si Neil na hanggang ngayon ay sinisisi parin ang sarili niya na dahil sa kanya kaya nangyari ang lahat ng yan.

Harper Neil's Pov

Sa isang iglap nawala siya, kung kailan okay na kami, kung kailan masaya kami tska pa siya mawawala. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko, dahil saakin kaya siya namatay. Ako ang may kasalanan ng lahat nang 'to!

Niyakap ko siya sa huling pagkakataon, masakit para saakin na mawala ang babaeng pinakamamahal ko, na kahit kailan hindi ko na siya makikitang nakangiti saakin, na hindi na niya ako mayayakap ng mahigpit gaya ng pagkakayakap ko sakanya ngayon, na hindi ko na siya makakasama sa bawat araw na nabubuhay ako. Masakit, masakit mawalan ng minamahal, sana hindi nalang nangyari ang lahat ng 'to.

"baby love, di ba sabi ko sayo lumaban ka, bakit mo ako iniwan? Ang daya mo naman ehh, iniwan mo nalang ako ng basta basta hindi mo man lang naisip na nandito pa ako, kami ng mga kaibigan mo, lalo na ang pamilya mo. Pero kahit na iniwan mo ako, tandaan mo mahal na mahal kita. Kung saan ka man ngayon sana masaya ka na" bulong ko sakanya tsaka ko siya hinalikan sa noo niya.

Humagulhol naman sa iyak ang mga kaibigan ng baby love ko. Alam kong masakit rin para sakanila na mawala siya pero ano bang magagawa namin eh sandali lang pala ang buhay na pinahiram sakanya.

"Bhesty naman ehh, masyado ka kasing mabait yan tuloy maaga kang nawala, hindi mo man lang kami hinintay. Mamimiss ka namin bhesty. Mahal na mahal ka namin kahit hindi mo kami naririnig alam naming mahal na mahal mo rin kami gaya ng pagmamahal namin sayo, sana masaya ka na sa kung nasaan ka man ngayon" sambit ni Leah habang may mga luhang pumapatak sa mga mata niya.

Hindi parin sila tumitigil sa pag-iyak. Kahit ako mismo umiiyak na rin, Ganito pala ang mawalan ng minamahal. Masakit, sa sobrang sakit hindi maipapaliwanag ng kung ano man ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Paano na ako mabubuhay ngayon kong sakanya lang umiikot ang mundo ko? Paano na ako ngayon? Hindi ko kayang mabuhay ng mag-isa, siya nga lang ang dahilan kaya ako nabubuhay e.

He's My Guardian Angel [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon