Chapter 6

120 3 0
                                    

Alexa Kyla's Pov

Pumasok ako ng school ngayon ng  mag isa. Walang kasabay, walang kausap. Wala! As in wala talaga! Ewan ko ba kong nasaan na ang mga loka loka kong kaibigan. Buhay pa kaya sila? Hindi sila nagpaparamdam ehh, buti pa ang hangin nararamdaman ko sila hindi, hayy! -_-
Nang makarating ako sa classroom namin ay tahimik lang akong umupo at inilabas ang phone ko para makapaglaro muna habang wala pa ang mga classmates ko.

"Ang boring naman masyado! Bat kasi wala pa yung mga classmates ko anong oras na oh!" Reklamo ko

"Wala kasi tayong klase ngayon"
Napalundag nalang ako sa gulat ng nagsalita si Harper

"Nakakagulat ka naman Harper"

"Ikaw ang nakakagulat dyan, kinakausap mong sarili mo. Epekto yata ng kagwapuhan ko kagabi?"

"Umagang umaga ang lakas na ng hangin, Grabe! buti nalang hindi ako tinangay"

"Halika na nga may pupuntahan tayo!"

Hindi pa ako pumapayag ay hinila na niya ako, ewan ko ba sa lokong ito kong saan lupalop kami ng earth pupunta.
Pero infairness yung pagkakahawak niya sa kamay ko ang higpit, alam mo yung parang tatakas ako ganern!

"Oh bat natahimik ka dyan?"

"Masama ba? Anong gusto mo mag ingay ako?"

"Ang sungit talaga neto"  aniya ng nakangiti

"Ngiti ka naman dyan, tignan mo oh halos lahat ng tao napapatingin saatin tapos yung kasama ko namang maganda hindi man lang ngumiti."  Pahabol na sabi niya

"Yan na nakangiti na ako oh!" Sabi ko naman sabay turo sa kunwaring ngiti ko

"Bakit ba ang sungit mo ngayon?"

"Obviously, hindi maganda ang araw ko"

Pagkatapos ng mahaba habang paglalakad namin ay nakarating na rin kami sa lugar kong saan ako dinala ng lokong ito sa rooftop ng school namin, Nang makita ko ang view sa baba ay napa --

"Wow! Ang ganda pala dito!"

"Kasing ganda mo!" Aniya ng nakatingin saakin

Leah Jean's Pov

Magkakasama kaming lahat ng mga kaibigan ko except kay Kyla, na ewan namin kong nasaan na siya.
Kung nagtataka kayo kong bakit hindi namin siya kasabay kanina, sinadya talaga namin yun kinausap kasi kami ni Harper na gusto niya daw masolo ang best friend namin kaya pumayag naman kami supportive best friends here! Pero ngayon na hinahanap namin siya hindi namin siya mahagilap kahit anino man lang niya. Wala! Hayy pag talaga may nangyaring hindi maganda sa bff namin magtago na siya sa palda ng nanay niya!

"Mga bhesty tara muna sa Canteen nagugutom na ako ehh" yaya ni Diane

"Ehh paano si Kyla? Hindi natin siya hahanapin?" Nag aalalang sabi ni Jhona

"Wag kayong mag alala mapagkakatiwalaan si Harper"  ani Jewel

Oo nga naman mapagkakatiwalaan siya pero humanda talaga siya pag sinira niya ang tiwalang yun. At dahil nagutom kami ay pumunta kami ng Canteen at dun na rin tumambay.

Harper Neil's Pov

Ngayon na nandito na kami sa rooftop ay syempre masosolo ko na si Kyla.

"Harper!" Tawag saakin ni Kyla

"Bakit pala naisipan mong pumunta tayo rito?"

"Wala lang, Gusto kasi kitang makitang nakangiti ng dahil saakin"

He's My Guardian Angel [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon